19

1K 49 7
                                    

Napepressure na ako ng very light para sa mga susunod na story. Ilang kembot na lang kasi itey. Pero excited na ako ! Kanino kaya ang susunod na story? 😉

Pero for now, enjoyin muna natin ang story ni Myelle 😘
Happy Reading!

Myelle

"Adam! Andaming tao sa bahay tsaka pa tayo aalis?"

"Ibibigay ko gift ko sa'yo eh."

"Pwede namang sa bahay mo na lang ibigay."

Adam just smiled at me. Ito naman talagang asawa ko kung kelan maraming tao sa bahay tsaka ako pinagkahila-hila palayo. Napakawirdo! Iniwan pa namin si Evan, nako! Kapag hinanap kami ni Evan, magiiiyak yun! Lalo na kapag itong si Maddalene hindi na naman nakapigil at kagatin na naman ang anak kong pabilog ng pabilog.

"Malayo ang pupuntahan natin?"

"Just wait Ma, relax ka lang okay?"

"Lalo akong kinakabahan Adam ha."

Adam smiled again. Nakakakaba talaga tong mga kinikilos ni Adam ah.

"Bilisan lang natin ah? Baka magwala na naman ang anak mo. Si Ada pa naman may hawak dun, baka kagatin."

Adam kept on driving hanggang nakarating kami sa subdivision.

"Bakit ka may sticker sa subdivision na to?"

"Kumuha ako."

"Dito nakatira si Iya."

Adam nodded. He parked on the roadside tapos binuksan nya ang side ko.

"Baba na tayo Ma."

"Adam??"

"C'mmon..."

Then Adam gave me a set of keys.

"Welcome Home Ma."

"Ha?"

Adam smiled so sweetly. Welcome Home? Bahay namin??

"How?!"

I opened the door while I am trying to keep my tears from falling. Years ago, I reserved this unit but I needed to save for the cafe so I let this go. Gustong gusto ko talaga ang bahay na ito kasi ang simple nya at nung una ko syang bisitahin sobrang payapa. Malungkot ako nung ginive up ko ito para sa cafe. Pero sinong magaakala na makukuha ko ulit ang bahay na ito. Bonus pa na kasama ko na ang asawa at anak ko.

"Sorry, wala pang gamit. Wala pala kasi ako masyadong savings."

"Adam, all your money is with me, paano mo ito nabili?"

"I had little savings back then. Pero maliit lang. Then I take some side jobs."

"Wait, did you mean you closed your bank account?"

Adam nodded.

"Adam, if you really want us to live on our own, we could have stayed in your unit. Hindi mo naman kailangang gastusin yun para sa akin."

"Ma, sila Daddy ang bumili ng condo unit na yun. I want to give you something that came from me, from what I earned."

"Pero nasa akin na nga kasi ang lahat ng pera mo. You could have asked for it."

"Pera natin Ma. Ako ang provider, pero dapat nasayo lahat kasi ikaw ang Mama namin. Ikaw ang maybahay. Tsaka Ma, pano magiging surprise gift ito?"

I smiled and hugged Adam.

"I am so proud of you Daddy, you are far better than the playboy I used to know. Thank you."

"Happy Anniversary Mama, you are the rightest thing that happened to me. I love you."

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon