15

1K 48 7
                                    

Myelle

"Bakit ba ang aga aga pa eh pinapauwi na tayo agad?"

"I dunno. Yung Mommy mo nga yung naghihisterical na tumawag. Sabi lang ni Alli hindi naman daw emergency pero umuwi daw tayo agad."

Tumawag kasi si Alli sa akin actually yung biyenan ko pero si Alli ang kumausap sa akin. Umuwi daw kami ni Adam agad kasi may urgent matter pero di naman daw emergency kaya wag daw namin paliparin ang kotse.

Pagdating namin sa bahay, lahat sila nasa family room daw kaya doon na kami tumuloy. There is something going on dahil seryoso ang mukha ng parents ni Adam. Pero mas nakuha ng atensyon ko yung batang iyak ng iyak na hawak ni Alli.

"Hala Alli, ang pula na nya, bakit?"

"Hindi ko nga alam eh, kanina pa to umiiyak. Hindi ko mapatahan Ate, di ako marunong."

"Amina na nga, try ko."

Agad na sumama sa akin yung baby. Baby boy pala. Chineck ko diaper, puno na pala.

"Puno yung diaper Alli. May gamit ba sya?"

"Wait ayun, eto ang baby bag nya."

Mejo nahihiwagaan talaga ako, sino ba itong batang to? Pero bago lahat ng tanong ko, baka dapat ko na muna syang palitan ng diaper kasi kawawa naman, naiirita na siguro.

"Papalitan ko muna ng diaper. May damit din ba jan?"

"Eto meron."

"Osige, babalik ako, sandali lang."

Aynako, sino ba kasi ang Mama nitong batang ito at pinabayaan na. Iniakyat ko sandali sa kwarto namin. Derecho ko na niliguan itong baby para naman mabango sya.

"Sino ka ba? At saan ka ba galing ha?"

"Mamamam. Mama. Mamamam."

"Ah gusto mo milk?"

"Mamam."

"Okay ka na? Madaldal ka na eh ano? Halika na, balikan na natin sila doon."

Pogi ang batang ito. Sa tingin ko mga 6 to 8 months na sya or so di ako sure. Ang sure ako eh wala pa syang one year old. Kasi masyado pa syang maliit for a 1 year old pero kaya nya na dumapa kasi kukuha lang ako polbo aba nakadapa na sa kama, padyak din sya ng padyak, nagmimimic ng salita at naaamaze sa mga bagay sa paligid. Oh well, I remember Aya this cute.

"Wow, napatahan mo talaga sya."

I nodded.

"Puno lang diapers nya, kanina pa siguro kaya nairita na. Tsaka may gatas din ba sya jan sa bag? o baby food? Gutom na sya for sure."

"Meron pero kokonti na."

"Hala ka, unti na food mo."

Pero ano pa man, pinagtimpla ko na sya ng gatas, yun nga lang last drop na.

"Ay, bago ko nga po pala makalimutan, kanino po bang baby ito?"

Alli smiled and looked at her Kuya na mukhang baliw na pinagpapawisan sa loob ng airconditioned room.

"Anak daw yan ni Kuya. Iniwan sa labas. Eto sulat."

Kinuha ko habang pinapadede yung baby.

This is Juan Adamson Eleazar's child. I cannot feed him anymore. He's 7 months now. Please make him live a comfortable life, I promise not to show myself anymore.

"Ipa DNA natin! Huwag kayong maniwala agad sa sulat na to!"

I smiled. Loko 'to!

"Oi Adam! Kung ako lang, di ako magtataka na anak mo nga ito! Ikaw ba naman ang walang katigil tigil. Malay mo, hindi pa ito ang bunso at hindi rin ang panganay!"

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon