10

850 45 6
                                    

Myelle

Maagang nagkagulo sa opisina dahil kay Adam. Paanong hindi eh maraming nawawalang kontrata na dapat may kopya sya. At maraming hindi pa narereview dahil hindi naman sya madalas pumapasok.

Ito namang si Adam, kaninang pinapagalitan sya, sumagot sagot pa sa Daddy nya. Galit na galit si Adam kasi naman wala nga naman syang pera. Bukod sa wala akong balak bigyan sya, pinagbawalan din ako ni Daddy Juancho. Pero naiintindihan ko din naman kasi itong Daddy Juancho dahil nga, wala namang ginagawang maayos itong si Adam.

Ang lalaking yun, sa halip na maging humble at humingi ng tawad, Aba! Sya pa ang nagwalk out. Inabot ng dalawang araw ang pagmamarkulyo. Daig pa ang teenager na nagrerebelde! Itong natapos at nakapasa na ng abogasya, mali mali ang reasoning nya.

Sabi ni Daddy Juancho kanina sa meeting, kahit anak nya pa si Adam, kapag hindi pa sya pumasok bukas, maaawol sya. Ibig sabihin, lalong mawawalan ng source of income si Adam, at mawawala sya sa kumpanya.

Ako syempre ang nag-aalala sa kanya. Abogado si Adam at kahit na anong gawin nya, magmamarka yun sa pangalan nya. Hindi ko alam bakit itong taong ito, hindi inaalagaan ang kanyang pangalan. Alam naman nya na higit sa itsura, mas mahalaga ang may malinis na pangalan.

"Ate Myelle, saan ka pupunta?"

"Alli, kailangan kong puntahan ang Kuya mo. Matatanggal sya kapag di sya pumasok."

"Hayaan mo na lang Ate, kasalanan naman nya yun eh."

"Hindi, Alli, papasok si Kuya mo bukas. Alam mo ba kung saan ko sya pwedeng makita?"

"Sa unit nya siguro Ate."

"Penge naman akong address Alli, puntahan ko ang Kuya mo."

"Sure ka ba Ate?"

I nodded at Allison.

"Pero Ate, pano kung..."

"Alli, whatever happens, he's still my husband. Don't worry gagawaan ko ng paraan na pumasok sya bukas."

Alli sighed and hugged me.

"Buti na lang kapatid ako ni Kuya, kasi kung ikaw ang kapatid ko, ipapadispatsya ko na si Kuya. Ang swerte swerte nya sayo, ang malas malas mo naman sya kanya."

"Magbabago din ang Kuya mo Alli, dadating din yung time na yun."

"Osige, magiingat ka ha Ate? Call me if you need something."

"Thank you Alli, ikaw na muna ang bahala dito ha?"

On my way to the condo unit, nakakita ako ng talipapa. Naisip ko na baka nagugutom na yung sira ulo kong asawa o baka naman kung ano anong instant ang kinakain nun kaya naisipan kong bumili ng pwede kong lutuin.

After nun, dumirecho na ako sa condo ni Adam. May babaeng nagbukas ng pinto na halos hubad na.

"Babe! May babae dito."

"Tumabi ka nga jan."

"Who the hell are you?!"

Tinulak ko ng malakas yung pinto kaya nakapasok ako. Magtatangka pa sanang magwala yung babae. Pero hinampas ko sya nung binili kong manok kanina.

"Ako ang asawa ni Adam ,subukan mong mag-inarte ipakukulong kita ngayon din mismo."

"Sino----- Myelle?"

Tumuloy ako at dumirecho sa may kusina. Narinig ko namang pinaalis nya yung babae. At yung babae hindi pa rin nga nahiya, kundi pa sya tinakot ni Adam, di pa aalis.

"Iba na naman? Buti di nagseselos si Tori no?"

"Alam nyang marami sila."

"Gandang lalaki ng asawa ko ah. Iba talaga!"

"Ano bang ginagawa mo dito??"

I sighed.

"Adam, pumasok ka na sa opisina bukas."

"No."

"Adam! Ang tigas ng ulo mo ha."

"Talaga!"

"Adam, makinig ka nga kasi! Pumasok ka na sa kumpanya nyo bukas!"

"Ayoko nga! Diba gusto mo yang posisyon na yan?? Edi magpakasaya ka jan! Iyo na lang!"

He walked out on me. Hinayaan ko na lang. Andun lang naman sya sa balcony.

Ano ba yan! Tama nga ako, dalawang araw, puro noodles ang kinakain. Gusto ata mamatay ng maaga.

I just rolled my eyes. Tiningnan ko yung maliit na kitchen,buti naman at kahit papaano ay may lutuan. Syempre may dala akong lulutuin yung pinamili ko kanina. Kaya nagsimula na akong magluto. I cooked afritadang manok, ito kasi yung mga nabili ko sa talipapa papunta dito. Buti at may nadaanan ako at buti na lang din kahit papaano ay may gamit ditong panluto sa unit ni Adam.

Naghain na ako at hinila ko sya mesa.

"Kumain ka na! Aba! Para kang bata jan na lagi pang sinasabihan kapag kailangan kumain."

"Ayokong kumain!"

"Ano? Papaluin pa kita jan na parang bata? Kumain ka ng maayos na pagkain kundi sisipain kita. Masyado akong maagang mabubyuda kapag di ka kumain ng maayos."

Iniwan ko na sya sa lamesa. Haii, napakaplayboy pero di marunong magalaga ng sarili.

I went inside his room. And dumi ng unit na ito! Nakakainis!

Syempre wala akong damit kaya damit nya ang isinuot ko. Maglilinis kasi ako ng napakadumi nyang kwarto  at madudumihan ang damit ko kapag di ako nagpalit. Kaya humigit ako ng damit sa cabinet nya.

Jusko! Pati ba naman sa tulugan may basyo ng beer.

"Bakit suot mo yang damit ko?"

"Malamang! Wala akong damit eh."

"Di ka man lang nagpaalam."

"Sorry ha, nilinis ko kasi itong kwarto mo!"

Adam seat on his bed.

"Tapos ka na kumain?"

He nodded.

"Naubos mo?"

He nodded again.

"Pumasok ka na bukas ha?"

"Bakit pa?"

"Alam mo para kang batang paslit. Napakamatampuhin mo. Kahit ako ang Daddy mo, magagalit ako. Imagine mo, abogado ka, pero anong naitutulong mo sa pag-undlad ng kumpanya nyo?"

"Bakit ikaw?"

"Anong bakit ako?"

"Ikaw? Tumutulong ka ba sa kumpanya nyo?"

"I am. Kaya nga bumalik ka na sa kumpanya nyo. I am just there to help you out. Wala akong kainteinteres sa kumpanya nyo. I have my own, I have my family's. Did you get it?"

He nodded.

"Sige na, matulog ka na jan."

"Saan ka?"

"Doon sa labas, sa may sofa."

"Dito ka na sa kama."

"Huwag na. Sige na, good night."

I went out and sleep. Hindi ko sya hihintayin bukas pero sana pumasok sya.

I was just so surprised that when I wake up the morning after, aba, sa kama na ako nakahiga at tulog pa rin itong katabi ko. Pagtingin ko sa relo, maaga pa pero kailangan ko muna umuwi sa kanila para magpalit ng damit. So I unlock his phone and set an alarm.

Sana naman pumasok sya!

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon