20

1K 51 5
                                    

Myelle

"Haii nako Myelle yung toyo ni Evan replicang replica ng ama!"

"Oonga eh. Mabait naman 'tong baby ko, wag lang talaga totoyoin."

"Ayaw ba talaga magpababa?"

"Ayaw eh."

"Subukan kong kunin?"

"Sige nga."

"Evan, halika dito baby, kay Ninang ka muna. Play tayo."

"No! Mama lang!!!!"

"Ay, edi wag. Jusko day! Amang-ama eh!"

"Sorry Ninang. Hindi po kasi maganda ang gising ko."

"So paano ka nyan?"

"Papasundo ko kay Adam, bahala silang dalawang toyo ang magsama."

Iya just smiled, at kaming dalawa, nasa isang tabi lang. I already called Adam. Very seldom na ganito si Evan, di ata maganda panaginip nya kaya ayaw na nya humiwalay sa akin mula pag gising.

Hindi naman sya makulit, hindi rin sya nagiiiyak, basta gusto lang nya nakayakap sa akin. Haii. Napakabigat pa naman neto pero okay lang, sabi nga sa commercial, minsan lang sila bata.

"Myelle?"

"Hazel?"

"Ui Myelle! Kumusta na?"

Ngumiti ako ng alangan. She's my college classmate at isa sya sa naging babae ng ex kong si Mark. Nakakapagtaka naman na feeling close sya. Parang walang bad blood na nangyari sa amin ah.

But of course, customer sya so I smiled widely kahit ang totoo, hindi ako natutuwang makita sya.

"Okay naman, eto may baby na."

"Aw, so kasal ka na?"

"Yeah,.."

"Kay Mark?"

"No. No, hindi si Mark ang asawa ko."

"Ah, sorry, I didn't know."

"Okay, lang. No problem."

"Myelle, yung frosting ba sa--- Hazel??"

"Iya? What a small world! Do you own this cafe Iya?"

"It's called Karina because it's Karina's"

"Sa'yo ito Myelle?"

"Partners kami ni Iya actually."

"Oo, partners kami kasi butihing maybahay at Mama na si Myelle. Tingnan mo nga at di nya mabitawan yang anak nyang bilog."

"Mukha ngang happy naman si Myelle."

"Madame na yan si Myelle. Ikaw Hazel?"

"Ayun, ineternational model na ako."

"Ay, may bibilhin ka ba?"

"Ah, oo, cupcakes sana."

"Doon na lang tayo sa counter?"

"Okay, sige. Catch up tayo Myelle ha?"

I just smiled. Hindi naman kami close eh para magcatch-up.

"Wala pa din ba sa mood Ma?"

"Dad.."

Adam kissed my head na ipinagtantrums naman ni Evan.

"Ang damot mo naman, misis ko yan eh!"

"Mama! huhuhuhu."

"Adam! Baka lalong di sumama sa'yo 'to."

"Bakit may sumpong?"

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon