30

1.5K 61 6
                                    

Last Chapter na po ni Myelle. Thank you so much for your undying support. Salamat po sa pagsama sa adventures ni Myelle. Nawa po ay natuwa tayo sa kwentong ito. Ayie's Chapter 1 is already up, sana samahan at suportahan nyo din po kami ni Ayie kagaya ng pagsama at pagsuporta sa amin ni Myelle. Muli, maraming maraming salamat po!

Myelle

"Apo, ibili mo kami ni Lolo mo ng Butterbrezel."

"Okay, Nana."

"And I want choco shake."

"Nana, bawal yun, mataas ang sugar content."

"Milkshake?"

"Still a No."

"kiwi-strawberry shake?"

"No, Nana. The sugar level is not advisable for you."

"Korny."

"Nana! Bawal ka kumain ng maraming matamis. Pababain muna natin ang sugar mo please. Konti lang ang bibilihin ko ha, tag 2 lang kayo ni Lolo."

"Okay fine. Tapos umuwi ka na nga sa Pilipinas, ayaw ko ikaw dito. Puro ka bawal."

I just laughed. My Nana would always stay the same. Kaya walang tumatagal na private nurse sa kanila ni Lolo. Sobrang pasaway! She still loves to eat sweets! Wag hahayaan na mag grocery si Nana for sure kalahati ng cart nya chocolates. Ang mahirap pa, Auntie Traea spoils Nana kasi pareho silang mahilig sa sweets kaya naman sumasakit ang ulo ni Uncle Luke sa kanilang dalawa.

I came here after I run away again. Germany would always be my go-to place. Pero ang totoo, miss na miss ko na yung mag-amang iniwan ko. Araw-araw nilalabanan ko yung kagustuhang umuwi. Wala pa akong isang buwan dito pero parang 10 years na ako dito. I don't know how long would I be able to stop myself from going back.

Now I wonder if they are doing better. Nung isang linggo pinadalahan ako ni Ayie ng picture ni Evan na nasa ospital. I was on the verge of going back pero naisip ko yung sinabi ng biyenan ko, they were on it before and they will just get back to their proper place. Alam kong minahal ako ni Adam, at Evan pero kasi mahal din nila si Raissa at mas kailangan nilang magkaroon ng chance. Chance na dapat wala ako.

I sighed.

At dahil nga bibili pa ako ng pinabibili ng Lola ko, pinauna ko na silan pauwi, ako maglalakad na lang. Kailangan pag-uwi ko hihiga na lamang ako at matutulog kasi pag mahaba pa ang oras ko bago sapitin ng antok, iiyak lang ako ng iiyak.

Mejo mahaba-haba ang nilakad ko. Napagod ako ah! Nawala kasi sa isip kong nakaheels ako at nakacocktail dress. Pero okay lang at least I'd be ready to hit the bed.

I walked into the house and found someone seating in the living room. Nana immediately grabbed the paper bag from my hand.

"Haii Salamat! May sundo ka na. Amina na yang Butterbrezel ko. Umuwi ka na ha."

Jusko! Si Nana napakakulit talaga.

"Adam..."

"Ma, uwi na tayo?"

"Adam,.."

"Wala naman kasing Raissa Ma, wala naman akong ibang minahal at minamahal kundi ikaw. Sabi mo mahal mo ako? Bakit ka umalis ng ganon na lang."

"Pero Adam, si Mommy mo."

"Ayaw nya sa'yo. Alam mo naman yun eh, sana hindi ka naniwala sa kanya kasi nga ayaw nya sa'yo."

He sighed. Kitang kita sa mukha nya ang inis.

"Hinanap nya si Raissa, binayaran nya ng 100,000 pesos para guluhin tayo. Para magpanggap na mabuting tao, mabuting ina. Tapos nagpagulo ka naman, naniwala. Iyak-iyak ka pa jan."

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon