17

1K 56 3
                                    

Sorry for the late update. I had a whooping 38.4 fever since yesterday! Nagpaswab tuloy ako kanina. Please help me pray for a negative result! Huhu.

Myelle

I've cut my business trip shorter so I could go back home. Bwisit kasi itong si Adam! Kung ano siguro ang ginawa sa bata kaya nilalagnat! Ang masama kagabi pa daw mataas ang lagnat pero hindi dinala agad sa ospital kasi wala pa ako! Kung di lang ako nagsisigaw kanina sa telepono, baka hindi pa nya dalahin sa ospital ang bata.

We're just so lucky na Hong Kong is just 3 hours away at pagpunta ko sa airport, nakakuha ako agad ng ticket for a flight leaving in 1 hour. Halos kapusin ako ng hininga kakatakbo dahil sa paghabol ng flights.

At dahil nga bwiset na bwiset ako, dumirecho na agad ako sa Metro Medical. I saw Adam standing on the bedside katabi ang isang nurse na may malaking hinaharap.

"Anong problema? Bakit nagiiyak si Evan?"

"Hindi sya malagyan ng IV kasi iyak ng iyak at sobrang likot. Hindi mahawakan ng ibang tao kasi nagwawala."

"Haiii Adam, bakit di mo kasi hawakan??!!"

"Ayoko. Natatakot ako."

"Bwiset ka! Wala pang isang taon yan, kaliit liit lang di mo kayang hawakan?!"

"Yun na nga eh! Ang liit nya pa tapos tuturukan sya! Ako nga natatakot eh."

I shook my head! Naku talaga si Adam! Our Evan is just 11 months old pero mas takot pa ang Daddy nyang 30 years old na!

"Hi Ma'am, kayo po ba ang mother?"

"Yes!"

Nakataas na isang kilay ko. I believe that nurses are very well trained on behavior. Isa pa, Metro Medical ito. High caliber nurses ang hinahire dito pero gusto ko na lang saksakin ng scalpel ang nurse na katabi ng asawa ko kasi panay ang lapit nya kay Adam.

"Hindi po kasi namin malagyan ng IV, ayaw nya po tumigil umiyak at naglilikot. Ayaw naman po sya hawakan ng mister nyo."

"Takot kasi din yan sa injection eh. Pero wala bang ibang pwedeng humawak? Gaano na katagal dito ang anak ko na hinahayaan nyo lang umiyak!"

I sighed. Kahit magwala ako wala naman mangyayari.

"Sige na ako na hahawak, ayusin mo ha!"

Hindi lang ako kay Adam disappointed. Pati na rin sa mga nurses dito, why can't they put IV on a baby? Tsk.

"Oi Adam! Kesa nakatayo ka jan, tawagan mo ang Ate ko."

"Ha?"

"Nasa bag ko ang telepono ko, sige na, tawagan mo na ang Ate."

Hindi ko alam kung bakit gusto ko na sipain ang nurse na umaattend sa amin. Nakadalawang tusok na sya at parehong mali. Itong ikatlong tusok nya, mali pa rin at damage na ang ugat ng bata.

"Ano ba Miss! Hindi mo ba alam saan ituturok yan??!"

Napalakas na ang boses ko kasi naman! May sakit na nga itong baby ko, hindi pa marunong ang nurse!

"Myelle, anong?"

"Ate! Look!"

"Dra. Seigfreid!"

Kita ko ang pagpikit ni Mikkaela Ysabelle, kaya alam ko kung gaano sya naiirita. Pagmulat ng mata nya, nakakatakot na talaga. Napakamalas ng nurse na ito na sa mga oras na ito ay dito nakaduty si Ate at nagrerelieve.

"Emily papatay ka ba ng pasyente? Gusto mo bang ikaw ang turukan ko???"

"Doc Sorry. Hindi ko po kasi makapa ang---"

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon