Special Chapter 1

1.3K 39 5
                                    

Myelle

"Mare,.."

"Oh?"

"Ilang araw ka nang hindi sinusundo ng asawa mo ah?"

I sighed.

"Busy daw sa office."

Iya sighed too.

"Alam nya na ba?"

"Hindi, hindi naman kasi kami nakakapagusap. Twing uuwi sya, tulog na agad."

"Oh baka umiyak ka pa jan, hayaan mo na."

"Pupunta na ba ako sa office ni Adam para icheck sya?"

"Gaga! Itanong mo na lang sa asawa mo kung bakit, sabi mo nga honest naman sayo si Adam diba?"

"Oo."

"Oh edi itanong mo na lang."

"Natatakot ako Iya."

"Jusme naman Myelle, mag 10 years na kayong kasal hanggang ngayon natatakot ka pa din?"

"Iya, kita mo nga yung asawa ko parang di tumatanda."

"Ai nako, negatron ka Mars. Wag ganyan. Bad yan. Itanong mo na lang kung ano pinagkakabusyhan nya sa office nya."

I sighed.

Actually hindi lang ilang araw, padalawang linggo na ngayon na sumobrang busy ni Adam. Akala ko gumaganti lang kasi nagspike ang demand ng orders namin netong magholiday na hindi ko din sya masyado pinapansin pero 2 weeks na eh. Kinakabahan ako lalo na at maganda, sexy at batang bata nung secretary nya.

It's past 3pm nung umalis ako sa factory para sunduin yung mga bata kila Mommy, malapit na kasi sila magsettle sa Germany.

"Maddalene! Tigil tigilan mo talaga ako at naiinis ako sayo ha!"

"Mi,hindi talaga ako may kasalanan."

"Hi Mommy. Anong nangyayari?"

"Naku Myelle, itong kapatid mo, binangga yung kotseng bagong bili ni Daddy mo."

"Ada!"

"Hindi ah! Mommy wag ka na humanap ng kakampi! Myelle, sa likod talaga nabangga yung kotse, wag ka kumampi kay Mommy."

"Haii nako! Kausapin mo itong kapatid mo Myelle at kakaladkarin ko ito papuntang Germany."

"Myelle, wag ka pumayag please."

"Ako na po kakausap Mommy."

Mommy walked out.

"Ano talagang nangyari ha Ada?"

"Ganito yun Myelle, yung trafic light sa may Kalayaan sira, so biglang pinara ako nung enforcer so mega stop ako tapos may sira ulong nagbunggo sa likod ng kotse."

"Dahil sobrang bilis mo magdrive kaya biglaan ang preno mo! Kung ba naman di ka parang racer nabigyan mo sana ng tamang timing ang nasa likod mo."

"Oo na. Ipapagawa naman daw nya eh."

"Ada magingat-ingat ka ha! Baka sa isang araw sa ospital na kita damputin o di kaya sa funeraria!"

"Morbid ha! Anyway, ang aga mo ah! Kukunin mo na ba yung dalawang bilog?"

"Hindi,dito kami matutulog tatlo."

"Wow, magkaaway kayo ni Adam?"

"Hindi ah."

"Weh?"

"Hindi nga."

"Naku nga Myelle!"

"Hindi talaga! Masyado syang busy para awayin ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon