3

813 44 3
                                    

Myelle

Hindi pa nga tapos ang problema ko sa pagbili ko ng factory, namomroblema pa ako ngayon dahil gusto ni Daddy na ikasal ako. I was too guilty na kung hindi ako papayag na magpakasal, ipapakulong nya yung taong lasing lang naman at manyak pero walang naman talagang ginawa sa akin. Bahay naman nila yun tsaka ako yung nakitulog eh.

Hindi ko maintindihan talaga, yung mga ate ko, ayaw na ayaw nyang makasal noon. Si Ate Kaia nga kung hindi siguro delikado ang pagbubuntis baka binitin yun ni Daddy. Si Ate nako! Kundi lang nya nahuli! Baka hindi rin naikasal. Pero bakit ako? Malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi ni Daddy sa akin kagabi.

"Ikakasal ka sa anak ni Juancho, tapos ang usapan."

Maswerte lang ako kaninang umaga kasi andoon si Mommy at pinatigil nya si Daddy. Pero hanggang sa aalis na lang ako, galit na galit pa din si Daddy sa akin .

Hindi ko lang talaga magets si Daddy. Wala naman kasing nangyari. I am fully clothed. Oo hubad na hubad ang katabi ko, pero may damit naman kasi ako.

"Myelle, kesa nakatulala ka jan, bakit di mo puntahan yung bisita mo?"

"Bisita?"

"Andoon sa table 6"

I went out of the kitchen and look for my visitor.

"Tito Juancho?"

"Myelle."

"Upo po kayo, may gusto po ba kayo orderin?"

"Sige hija, kahit ano na lang."

I prepared him a carrot cake and a coffee.

"Ayos ka lang ba? Yung paa mo?"

"Mejo swollen pa po pero okay na po."

"Mabuti naman. Ikaw ba lahat ang nagbabake nito?"

"Hindi naman po, pero halos lahat po recipe ko."

"Napakasipag mo naman talaga."

"Hindi naman po. Ginagawa ko lang din naman po ito para maging proud sa akin si Daddy."

"Nakausap ko Mommy mo, galit daw ang Daddy mo sa'yo dahil sa nangyari."

"Ah, opo, di nya ako masyado kinakausap ng maayos."

"I am really sorry hija. Malaki talaga ang problema ko sa anak ko na yun."

"Hindi naman po din siguro nya intention."

"I only wish."

I smiled at Tito Juancho.

"Pero hija, if you could marry him, I will do everything ."

"Pero Tito Juancho."

"Hija, hindi nagbibiro ang Daddy mo na ipakukulong nya ang anak ko."

"Pero Tito, di ba po lawyer din kayo? Kaya nyo pong idefend ang anak nyo."

"Hindi ganoon kadali kalaban ang Daddy mo Hija. Bata pa lang kami, kilalang kilala ko na sya. I am pretty sure, may gawin man ako o wala, kung gugustuhin ng Daddy mo, makukulong ang anak ko."

"Tito."

"But, it's okay. Kasalanan naman ng anak ko. He deserves it."

I sighed.

"But nevertheless, umaasa ako hija, na pakakasalan mo ang anak ko."

"Pero Tito."

"I'm just here so I could talk to you. Gusto kong humingi ng tawad. It's all because of that last-minute request. But you know, my son is nothing but a headache so even it would be hard, I'll let your father do whatever he wants. Kasi baka kung kay Allison din yun nangyari, I'd do worse."

"Pero wala po talagang nangyari."

He sighed. And I just smiled at him awkwardly. Lalo akong nahirapang mag-isip!

Maaga akong umuwi kasi gusto ko ipagluto si Attorney. G na g parin kasi sya sa akin. Nung dumating sya, agad syang umakyat sa kwarto at di man lang ako tinapunan ng tingin.

"Mommy, galit si Attorney."

"Ako na bahala dun. Sige na tapusin mo na yang niluluto natin, ako na bahala kay Daddy mo."

Nung matapos ako, kahit hirap akong umakyat, I went up to their room so we can all eat dinner. Kapag naunang kumain si Ada, baka wala matikman si Daddy.

I was about to knock on their door when I can clearly hear their talk.

"Matti, will it really make you happy if Myelle would marry that son of Juancho?"

"Of course Love."

"Pero ayaw nga ni Myelle."

"Love, I want to be sure that Myelle will have a good life. Kaya gusto kong ipakasal sya sa anak ni Juancho dahil alam kong hindi sya pababayaan nila Juancho."

"Pero Matteo, hindi si Juancho o ang pamilya nya ang gusto mong pakasalan ni Myelle. How can you be so sure na okay si Adam para sa anak mo?"

"Juancho assured me."

"Haiii Matteo, hindi ko alam."

"Mahal na mahal ko ang mga anak natin Love, pero sa kanilang lahat, kay Myelle ako nag-aalala. She's very kind and I am afraid she will be abused with that too much kindness."

"Haii nako."

"Ngayon ko lang naramdaman ang takot Love, sobrang takot. Huwag naman sanang ang Karina Ramyelle ko ang karma ko."

"Matteo, paulit-ulit ko namang sinasabi sa'yo, lahat ng kapalaran ng mga anak mo, sa kanila yun, choices nila yun. Kung ano man ang mabuti o masamang resulta, sa kanila pa rin yun. Walang kinalaman ang pagiging gago mo noon. Wala kang kasalanan sa nangyari sa kanilang lahat."

"Pero Love."

"Sa akin ka nagkaroon ng kasalanan Love. Pero napagbayaran mo nang lahat. Higit pa nga. Wala kang naging kasalanan sa mga anak mo, mabuti kang ama. Napakabuti mong ama. Kaya please, wag mong isisi saýo ang mga pagkakamali ng mga anak mo."

"Yung kay Sab, kay Kaia at Ysa, kaya ko yun Love. Mapapatawad ko ang sarili ko. Pero Love, kay Myelle, hindi ko kakayanin Love."

"Haii, hindi ang pagpapakasal ni Myelle sa anak ni Juancho ang makakapagligtas sa kanya. Hindi Matteo, hayaan mong pumili si Myelle ng sa tingin nya ay mamahalin sya at mamahalin nya."

"Pero Love, si Myelle yun. "

"Kapag narinig ka ni Ada, magwawala yun. Ang alam nya, sya ang paborito mo. Halika na nga, bumaba na tayo at baka hinihintay na tayo ni Myelle."

"Love, hindi pa rin nagbabago ang isip ko, ipapakasal ko pa rin si Myelle kay Adam."

"Ikasasaya mo ba talaga yan?"

"Yes, Love. Making sure that Myelle will be married to Juancho's family would make me feel assured that she's going to be okay."

"Hindi ko alam Matteo, gusto kitang isumbong kay Mommy pero matanda ka na at madami na tayong apo, hindi mo kasalanan yung tatlong nauna, huwag naman sanang ito ang maging pagkakamali mo."

"Love."

"Halika na, kumain na tayo, tigilan mo na ang pagdadamdam mo kay Ramyelle. Nahahalata ang edad mo Love."

"Love!!!"

"Halika na, at baka si Ada naman ang magalit dahil paniguradong gutom na yun."

I sighed. If marrying Tito Juancho's son would make Daddy happy, then, I'll marry that Adam.

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon