Chapter 40 *Awoken + Deal*

93.8K 502 25
                                    

Stephen's Point of View

Puro puti ang nakikita ko sa kapaligiran ko. Napatingin ako sa paligid ko at wala ni isang tao man lang ang nakikita ko. Patuloy lamang ako sa paglalakad. Nasaan na kaya ako? Ang pagkakaalala ko ay nahulog ako sa bangin pero bakit nandito na ako? Hindi kaya, nasa langit na ako?

Langit? Imposibleng maging langit to. Parang dinala lang ako sa isang dimension na ako lamang ang nag iisa. I sighed. Naglakad lakad na lamang ako at parang may nakikita akong pigurang nakatayo kaya agad agad ko ito nilapitan.

Nakatalikod ito. Mahaba ang buhok nito sabay kulot pa ito. Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar saakin ang pigura nito. "Charlene?" I called pero hindi pa rin ito lumilingon. "Ikaw ba yan?" Tanong ko sakanya pero hindi pa rin ito umiimik.

Dahan dahan akong lumapit at kinalbit ko ang balikat nito. Unti unti humarap saakin ang pigura at napangiti ako. Tama nga ako. Agad agad ko naman niyakap si Charlene nang mahigpit. "God, namiss kita Charlene" tapos tinignan ko siya, nakapokerface lang siya. "Ngumiti ka naman diyan oh!" I said and I curved her mouth pero nakapokerface pa rin siya.

"Ano ba nangyayari sayo Charlene?" Unti unti ay biglang may lumalabas na dugo sa mata ni Charlene at hindi ko alam pero bigla ako natakot. Napaurong naman ako. "C-Charlene" dahan dahan akong umuurong at sa gilid ni Charlene ay may isang lalake, mahaba ang bangs niya, nakasuot siya ng tuxedo, niyakap niya sa likod si Charlene at hinahalikan ito sa liig.

"O-Oi! Wag mo nga hawakan si Charlene!" pero sa susunod na pangyayari ay nagulat ako na binaril ng lalake si Charlene. Isang putok. Dalawang putok. Tatlong putok. Hanggang sa hindi ko na alam kung nakailan na siya at nakatingin na lamang ako sa bangkay ni Charlene na nakaratay sa sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo.

"CHARLENE!!!!" 

Charlene's Point of View

Napalingon naman ako. Weird. Bakit parang may tumawag saakin? I shrugged at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. It was raining cats and dogs and fortunately ay may dala dala akong payong at nakasuot ako ng jacket na may hoodie kaya hindi ako masyadong nababasa pero maliban lang sa mga paa ko. 

I sighed. Dalawang linggo na rin at nakacoma pa rin si Stephen habang magkabati na kami ni ate Michelle. Kinwento saakin ni ate Michelle kung ano yung mission niya. Noong namundok sila ni Stephen ay hinahanap nila yung White Flower, akala nila noong una ay tao talaga yun pero nalaman ni ate Michelle pagkatapos na hindi pala dapat White Flower mismo ang hanapin.

Kundi ang 'Last Petal ng White Flower' which hinahanap hanap rin ng mga mafia ngayon. Hindi ko alam kung anong meron doon pero nag research rin ako ng kaunti sa Last Petal ng White Flower and it was a flower na may kulay ng rainbow na nagbo-bloom lamang ng once every 300 years na ayon daw sa mga kakatubo ay nagbibigay ng immortal life.

But, that's none of my business.  Ang importante lamang saakin ay magising na si Stephen. I heard my phone rang at agad agad ko naman sinagot ang phone ko. "Hello?" 

["Charlene! Good news! Gising na si Stephen!"] I almost dropped my phone. Gising na si Stephen? Gising na ang pinakamamahal ko? "T-Talaga?"

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon