Chapter 11 *Swimming*

150K 979 42
                                    

--Edited & Medyo Revised--

Third Person's Point of View

Naiinis. Naiirita. Nayayamot. Lahat lahat ay nararamdaman na yata ni Charlene sa mga kasama niyang sobrang ingay at sobrang kulit. Nasa resort sila ng pinsan ni Irene and currently, Charlene was reading her book habang ang mga kasama niya ay nawiwili sa paglalangoy at minsan pa ay sinasadya nila na ibasa si Charlene para sumali ang dalaga sakanila.

"Ang KJ mo talaga Charlene! Sumali ka na saamin dito!" Pagyaya sakanya ni Tracey, Sumang ayon naman ang dalawa pa niyang kaibigan na si Irene at Leslie kesyo daw ay ano pa ang sense kung bakit nandito sila. She rolled her eyes. "Edi magswimming kayo diyan. Bakit niyo pa ako isasali? Ayoko nga lang maligo okay? Gets?" Napapailing na lamang ang mga kaibigan niya sakanya.

"Bakit ba ayaw mo maligo? Hindi rason ang ayaw mo lang maligo" said Irene as she crossed her arms at naniningkit na tinitignan si Charlene.

"Ah alam ko na girls, Hinihintay niya lang kasi na kulitin siya ni Stephen. Alam mo na" Leslie said.

"Hoy, Hoy, Manahimik ka diyan Leslie kung ayaw mo makalasa ng libro. Hindi ko hinihintay si Stephen noh. Over my sexy body!" Nagsihiyawan naman ang tatlong dalaga sa sinabi niya. Totoo naman talaga kasi eh....Totoo ba talaga? Totoo ba talaga na hinihintay lang siya kulitin ni Stephen? Tinignan niya si Stephen at abala ito sa pagtitingin sa mga magagandang babae. She rolled her eyes. Asa! Hinding hindi niya hihintayin si Stephen!

****

"Oy, Gusto mo?" Napaangat naman ng tingin si Charlene. Stephen was offering her a buko juice. Kukunin niya sana ng maalala niya ang ginagawa ng binata kanina na naghahanap ito ng magandang babae. She rolled her eyes and closed her book. "No thanks" And stood up.

Kumunot naman ang noo ni Stephen kaya sinundan niya ito. "Bakit no thanks? Ang sungit mo talaga! Ikaw na nga tong binibigayan, choosy pa!"

"Ayoko nga kasi!" Naiinis niyang sabi sa binata habang mas lalo pang binibilisan ang paglalakad niya. Nabubuhay naman ang kuryosidad ni Stephen. "Bakit ba ayaw mo? Akala ko ba favorite mo ang buko juice?"

"Hindi na ngayon noh! Ibigay mo na lang sa mga babae na tinitignan mo kanina!" Napangisi naman si Stephen sa sinabi ng dalaga. Hindi kaya... nagseselos ito? Tumigil naman siya sa paglalakad dahilan para tumigil si Charlene sa paglalakad. Ngumisi siya ng malapad. "Problema mo?" Charlene asked.

"So, nagseselos ka sa mga babae na tinitignan ko?"

Charlene bit her lower lip, Alam niyang nadulas siya sa sinabi niya and she was regretting it. Big time regretting it. "H-Hindi noh! bakit naman ako magseselos? May karapatan ba ako? atsaka hindi naman kita gusto kaya bakit ako magseselos?" Mas lalo naman lumapad ang ngisi ni Stephen sa pinagagawa ng dalaga kung kaya't lumapit siya at inilagay ang buko juice sa mga palad nito.

"Kunin mo na lang kasi. Hindi mga babae tinitignan ko kanina. Buko juice ang hinahanap ko para lamang sayo, Okay?"

****

Umahon si Tracey, dire deretso niyang kinuha ang kanyang twalya at dinampi dampi ito sa sarili, Magswi-swimming pa kasi siya mamaya kaya hindi niya muna masyadong babasain ang kanyang twalya baka hindi siya matuyo mamaya. She sat on the bench at kinuha ang Nova niya and started to eat. Sumulpot naman ang isang palad sa harap niya.

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon