Lander and Leslie Side Story 5

49.5K 294 18
                                    

Leslie's POV

"What made you think na wala ka ng pag asa kay Lander?" Tanong ni Charlene saakin. Yes, Nandito si Charlene sa America. Gagawa daw ang business nila Stephen ng branch dito at sumama lang si Charlene, Right now, Charlene is seven months pregnant kay baby Luke ( yung pangalan ng anak nila Stephen at Charlene na pinag awayan pa nila ng tatlong araw )

I shrugged. "May fiance na si Lander and she's ... she's ... beautiful" Hindi pa rin talaga mawala ang pagiging insecure ko sa fiance ni Lander. She was a foreign beauty, Ang tangos tangos ng ilong ng babaeng yun and she has the most attractive blue orbs ever. Every boy would do everything just to make her theirs. 

"Eh ano naman? Maganda ka rin naman ah." 

I rolled my eyes. "But not as beautiful to Lander's fiance" 

"Ang nega mo Leslie! Dapat lagi mong tandaan na ikaw ang first girlfriend at first love ni Lander!"

"Pero hindi naman ako yung fiance niya" sagot ko kay Charlene.

"Hay ewan ko sayo Leslie! So dahil sa babaeng yun ay hahayaan mo na lang na ganun ganun mangyari? Hindi mo man lang sasabihin kay Lander ang feelings mo sakanya?" I bit my lower lip. Simula noong nalaman ko na magkatabing apartment lang kami ni Lander ay ginawa ko ang lahat para iwasan ko siya at buti naman at hindi niya ako hinahabol which i admit, nakakadissapoint. 

Nakakalungkot dahil alam kong wala na akong halaga kay Lander. Nakakalungkot dahil sobra niya akong pinapahalagan dati pero ngayon ay wala na siyang pakealam saakin. Tapos malaman laman ko na lang na may fiance na pala si Lander and that saddens me more ... Hindi kaya sobrang na inlove si Lander sa babaeng yun at dahil doon nakipag break siya saakin? Dahil ba sa rason yun?

"Hay nako! Ang hirap hirap naman ng trabaho mo Leslie! 24/7 ang trabaho mo! Alam mo, Ang kailangan mo ngayon ay isang one week relaxation!" Then bigla naman may nilapag siya. Napatingin naman ako at isa palang raffle ticket papunta sa Swan Beach Relaxation Resort, Isa ito sa mga sikat na resort sa America. Matagal ko na tong gustong puntahan pero wala akong oras at higit sa lahat, wala akong pera.

"Paano mo to nakuha Charlene?" Tanong ko sakanya habang amaze na amaze na nakatingin pa rin sa ticket. Ang matagal ko ng pinapangarap na resort!

"Napanalunan ko yan sa isang raffle draw kahapon at wala naman ako sa mood mag resort resort ay sayo na lang yan! Mas kailangan mo yan keysa saakin" 

"Waaaaah! Salamat talaga Charlene ha? Hulog ka ng langit!" Nginitian na lamang niya ako. Pagkatapos na pagkatapos ko sa mga paper works ko talaga ay magpapaalam muna ako ng temporary leave for one week. Tama siguro si Charlene na kailangan ko muna mag relax at kahit papano makapag isip isip kung aaminin ko kay Lander ang feelings ko sakanya.

Oh god. Pakiramdam ko, Bumabalik nanaman ako sa high school days namin. 

***

Abala ako sa pag iimpake ng gamit ko. Tinawagan ko na ang management namin na magle-leave muna ako ng isang linggo and thank god ay pinayagan nila ako. Tinignan ko ang mga damit ko at napakamot naman ako sa ulo ko kasi wala akong mahanap na swimsuit sa closet ko. Sabi saakin ni Charlene na dahil resort yun ay dapat may swim suit ako pero now I remember ...

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon