Charlene's POV
"WAAAAAAAAAAAH! STEPHEEEEEEN!"
Napatigil ako.
Napatingin naman ako sa paligid at nakatingin saakin yung isang kasambahay nila tita, halata sa mukha niya na gulat na gulat siya. I awkwardly smiled at her. "H-Hello po. S-Sorry po" sabay nagbo-bow pa ako. Ano banaman yan. Nakakahiya naman ako ng sobra. Tumango lang siya sabay agad agad na umalis sa kwarto. Napatingin ulit ako sa paligid at nandito ako sa kwarto ko.
Hinihilot hilot ko ang sentido ko. Nakakaloka naman yung panaginip ko. I mean, sobra akong pinagpawisan dahil sa panaginip na yun. Akala ko talaga totoo pero mabuti na lang ay hindi totoo yung panaginip ko. I hugged my knees. Thank god at hindi totoo yung panaginip ko. Hindi ko siguro yun makakaya kung saka-sakali maging totoo man yun.
Tumayo na ako at nag unat unat pagkatapos ay lumabas na ako pero nakakapagtaka dahil walang tao ni isa ang nasa loob ng bahay. Hinanap ko yung mga kasambahay nila tita at parang bula ay bigla bigla na lang sila nawala. Nasaan na kaya yung mga yun? Nasaan na kaya si tita? Eh yung kumag na yun? Nasaan yung lalakeng yun? Wala akong maalala na may pinag paalam siya saakin ah.
I shrugged. Siguro, kakain na lang ako ng maraming maraming cakes. Tutungo na sana ako papuntang refrigerator pero bigla banaman bumukas yung pinto. Pagkalingon ay nanlaki yung mata ko dahil tumambad sa harapan ko si kuya Kenneth. Oh. My. God. Automatic akong tumakbo palapit sakanya at niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Namiss kita kuya! Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko sakanya.
"Actually, kahapon pa ako nakauwi pero may pinrepare lang ako" Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko naman gets yung pinagsasabi niya. Ngumiti na lamang siya saakin. "Wag mo na ako intindihin! Ang mas mabuti pa ay samahan mo ako papuntang hotel, kukunin ko yung mga gamit ko" sabi niya saakin pero bastusan yata tong si kuya Kenneth at hindi na niya talaga hinintay yung reply ko.
Pero hayaan mo na nga.
Sabi ni kuya Kenneth ay maglakad na lang kami papuntang hotel tutal naman ay malapit lapit lang naman yun at walking distance pa. Hindi naman sa nag-iinarte ako or what pero ayoko maglakad. Hindi dahil sa nakakainis yung sinag ng araw o yung maraming tao at kailangan mo pa talaga makipagsiksikan para makapunta ka sa destinasyon mo kundi ay sobra akong napapagod. Hindi ko alam pero gusto ko pa matulog.
"Charlene!" Napaangat naman ako ng tingin. Napatingin ako sa paligid at kumunot naman ang noo ko dahil bigla na lang nawala si kuya Kenneth. Nasaan na yung kumag na yun? Hindi kaya, iniwan na ako nun? Hala, baka akala ni kuya ay nag iinarte ako at dahil siguro may jetlag pa siya dahil sa biyahe niya ay nag decide na lamang siya na iwanan ako. Waaaaaaah. Patay tayo diyan! Hindi ko pa naman alam kung----
"Hoy babaita! Ano ba ang ginagawa mo dito sa gitna?! Talagang center of attention ka pa ha!" - Tracey, nakacross arms siya sabay tina-tap niya yung isang paa niya.
"Wala akong ginagawa, gaga. Nawawala ako, bigla banaman akong iniwan ni kuya Kenneth"
"Omegesh! Nandiyan na si kuya yummy?!"
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...