Nagising si Charlene na may tali ang paa at ang mga kamay niya at may panyo na nakatakip sa bunganga niya. Napatingin siya sa paligid at nasa warehouse siya kung saan puro manika ang nasa paligid niya. Nakakatakot ang itsura ng mga manika. Sa itsura pa lang nila ay parang ilang minuto na lamang ay gagalaw sila katulad sa mga napapanood niyang horror movies.
Wala talaga siyang maalala. Ang alam lang niya ay nagising na si Stephen at pupunta na dapat siya sa ospital nang may biglang dumating, sinira ang phone niya at may pinaamoy sakanyang drug dahilan para makatulog siya. "MMMMM!" Pilit niyang pinapakawalan ang sarili niya sa mga makakapal na tali. Tumitingin tingin siya sa paligid at wala siyang makitang matulis na bagay para kahit papano maputol putol yung tali.
"Wag ka nang umasa na makakaalis ka pa dito" Napaangat naman siya nang tingin. Palapit ng palapit si Erick habang nakapamulsa ito. Iba ang itsura nito sa Erick na lagi niyang nakikita. Mapula pula at namamaga ang mata nito na parang galing lang ito sa iyak, sobrang putla nito, ang gulo ng buhok nito at tila ba parang may malalim itong iniisip, "Pakawalan mo ako Erick. Pupuntahan ko si Stephen" mariin niyang sabi sa binata.
Erick leveled to her then patted her head. "A-yo-ko nga. Ikaw ang trophy ko kung saka sakaling mananalo ako sa bet namin ng matandang yun. Ayoko mawala ang trophy ko kasi aanuhin pa ang laro kung wala namang prize? diba?" Then he caressed her cheek dahilan para magwala si Charlene. "PAKAWALAN MO SABI AKO EH!" Hindi na lamang pinansin ng binata ang pagwawala niya at tuluyan na itong umalis.
"ERICK! ANO BA PAKAWALAN MO AKO! SABING PAKAWALAN MO AKO EH!" Pilit tinatanggal ni Charlene ang tali sa mga kamay at paa niya hanggang siya na mismo ay sumuko na. Unti unti pumapatak ang luha na kanina pa nagbabadya hanggang sa naging hagulgol na ito. Wala siyang magawa. Hindi niya alam kung alam ba talaga ni Stephen kung nasaan siya. Gusto na niya mabalik kay Stephen. Ayaw na niya ng ganito.
Lord, Please, Tulungan mo ako, Tulungan mo kami ni Stephen.
***
"Flor Blanca de Isla? Sure ka ba talaga na nandoon talaga ang white flower na yun?" Tanong ni Stephen habang tinitignan niya ang picture nang nasabing isla. Puro puno ang isla at maraming iba't ibang species ng bulaklak ang nandoon. Marami ding breed ng mga ahas at insekto ang namamalagi doon.
"Ayon lamang sa research ko. Ayon sa mga photographer, adventurer o mga turistang mahilig sa adventure ay may nakita silang fossils ng mga stem na match na match sa Last Petal at may history na din ang Flor Blanca de Isla na 600 years na ito naririto sa mundo. This is just simply my hypothesis" usal ni Michelle habang tinitignan niya ang power point presentation na ginawa niya tungkol sa nasabing isla.
"At kailan naman tayo aalis?" tanong ni Kenneth. Michelle raised her eyebrow, she stood up at umikot siya sa lamesa bago magsalita. "Let me rephrase it. Kailan ako aalis?"
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...