hey guys, kung sino man ang nagbabasa nito ay taus puso po akong nagpapasalamat dahil binabasa niyo tong chapter na to even though ang tagal tagal ko nakapag-update. hayssst. sorry talaga guys. anyways, sana magustuhan niyo ang chapter na to pero kung hindi man ay feel free na sabihin kung anong ayaw niyong part sa chapter na to :)))))
sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano naging action tong story na to hahahhaa. lololol pero sana nagustuhan niyo kahit papano hahahahha. ay ewan. puro tawa na ako dito para akong shunga. sa mga readers pala na grabe kung makapag demand ay malaking i love you para sainyo <3
o siya, magbasa na kayo :)
--------------------------------------------------------------------------------
"Naiinip na ako Erick" wika ng isang lalake na nakaupo sa isang malaking upuan habang abala sa paninigarilyo. Nakatingin siya kay Erick na nakatayo lamang sa harap niya pero kahit man mukhang kalmado ang itsura ng binata ay natatakot pa rin siya. Ibang iba ang lalake na nasa harap niya at alam ni Erick na konting maling salita o gawa lang niya ay mamatay siya, "Kailan mo na ba ibibigay saakin ang Last Petal? sobrang sobra na akong naiinip"
"Pahintay lang boss. Pinapahanap ko na sakanila ang Last Petal. Panigurado ay bukas na bukas ay nasayo na ang Last Petal" sagot ni Erick.
Nakatingin lamang sakanya ang lalake at tumango na lamang ito. Tumayo ito at umikot ikot sakanya, dahan dahan nito nilabas ang baril niya at napatingin ito sa gilid. Nakita nito ang takot na takot na Charlene na nakaupo sa upuan habang nakatali ang paa at kamay nito. Lumapit naman ang lalake kay Charlene, he cupped her chin at agad naman napatingin si Erick sa ginawa ng lalake kay Charlene.
"Ano naman ang iyong pangalan binibini?" Tanong ng lalake. Hindi umimik si Charlene at tumungo lamang siya. Nawalan naman ng pasensiya ang lalake at marahas niyang kinapa ang leeg nito. "Ang sabi ko: Ano ang iyong pangalan?! Sagutin mo ako kung tinatanong kita!" sigaw ng lalake. Agad naman kumilos si Erick pero napigilan lang siya dahil sa mga kasama nitong body guards.
"C-Charlene" mahinang sagot ni Charlene at tinignan niya si Erick sabay tumungo.
"Pwede ko ba malaman ang buong pangalan mo?"
"C-Charlene Kaye Domingo" sagot ulit ni Charlene. Napangiti naman ang lalake at pinaglaruan nito ang kulot na buhok ni Charlene. "Sabi na nga ba. Kaya pala kamukhang kamukha ka niya, parehas kayo ng buhok, magagandang kulot" Napakunot naman ang noo ni Charlene sa sinabi ng binata. Nagtataka siya kung sino ang tinutukoy nito. "I've decided" Humarap naman ang lalake kay Erick, "Gusto ko rin si Charlene"
Nanlaki naman ang mata ni Erick. "A-Anong pinagsasabi mo?!" The guy rolled his eyes. "Sabi mo akin si Charlene! Sabi mo yun saakin! Wag kang basta basta hindi tutupad sa usapan! Ang sabi mo kapag nadala ko ang Last Petal sayo ay mapapasaakin si Charlene!" sigaw ni Erick sa lalake pero hindi ito nakinig sakanya at nagawa pa nito pagkaabalahan ang paglinis ng baril nito.
"Oo, sinabi ko nga yun pero eh ano? Wala akong pakealam. Wala naman tayong kontrata na pinirmahan ah" sabi ng lalake at umupo muli ito sa upuan.
"Hayup ka! Akin lang si Charlene! Wag mo siyang aagawin saakin! Akin lang siya! Sabi mo---" Hindi na natapos ni Erick ang susunod niyang sabihin dahil agad pinutok ng lalake ang baril niya sa bunganga niya. Nanlaki naman ang mata ni Charlene sa nakita niya. Ilang beses pinagpuputok ng lalake si Erick hanggang sa naliligo na lamang ito sa sariling dugo. Nanginginig na ang tuhod ni Charlene at hindi na niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...