Chapter 17 *Irene's Side Story 2*

124K 777 19
                                    

--Edited & Revised--

Zairus' Point of View

Lumuhod ako sa harapan ni mama habang nag di-dinner kami. Ramdam ko ang mga tingin ng mga tao saakin at ang bulungan ng mga tao. "Z-Zairus? May problema ba?" Tumingin muna ako sa labas at nakita ko na sobrang lakas ng buhos ng ulan. Tinignan ko si mama at mas lalo pa akong lumuhod. "Z-Zairus anak! Wag ka naman lumuhod diyan. Nakakahiya sa bisita" She said.

"Mama. Nagmamakaawa na ako sayo. Please...Kailangan ko umalis. Hinihintay ako ng kaibigan ko please. Hinihintay ako ni Irene please...please...please"

"Irene? Ibig sabihin babae ang pinaghihintay mo?" I looked up and nodded. Nagulat naman ako na rumolyo si mama ng magazine at pinagpapalo niya saakin. "Aray naman ma! Aray! Aray naman oh!"

"Ikaw talagang bata ka! Kailan pa kita tinuruan na paghintayin ang babae?!"

"Mama naman eh! Ikaw diyan nakakahiya sa bisita eh! Kaya nga papuntahin mo na ako para hindi na siya maghintay!" Wala naman magawa si mama kundi ibigay ang keys saakin. Agad agad naman ako pumasok sa kotse, pinaandar ito at pinaharurot papuntang park. Masyadong malakas ang buhos ng ulan pero laking pasalamat ko sa diyos na nakarating ako sa park. Bumaba ako sa kotse at saktong nakita ko si Irene na nakatayo sa gitna.

"Irene!!" I called her. Lumingon naman siya at nakita kong lalapit siya saakin ng bigla siyang nahimatay kung kaya't agad agad ko siyang nilapitan, binuhat at pinasok sa kotse ko. Tinanggal ko ang blazer ko sabay tinaklob ko ito sa katawan niya. Pinahinaan ko ang aircon para hindi siya masyadong malamigan.

Kinuha ko ang wallet niya at tinignan kung meron man siyang I.D. Buti na lang at meron. Agad ko naman pinaharurot ang kotse papunta sa bahay nila. Medyo humupa hupa na ang buhos ng ulan kung kaya't hindi ako masyadong nahirapan. Binuhat ko muli si Irene at napapailing ako dahil ang init niya. Mukhang may lagnat siya ah. Mataas na lagnat.

Sakto naman na dala dala ni Irene ang susi sa bahay kung kaya't nakapasok kami agad agad. Inilapag ko siya sa couch tapos hinubad ko ang jacket niya. Agad agad ako kumuha ng 'warm' na towel at pinahid ko ito sa katawan niya. Gumawa na din ako ng lugaw para pagkagising niya ay makakain na siya agad.

Napabuntong hininga ako habang umupo ako sa katapat na couch at pinagmamasdan na lamang si Irene na mahimbing na nakakatulog. Dahan dahan ko siyang nilapitan ang I kissed her forehead. Nadapo naman ang paningin ko sa labi niya. Minsan ko na din natikman ang kanyang labi and it was the best moment of my life na ang sarap ulitin.

"Sorry kung naging gago ako sayo Irene" I whispered.

****

Irene's Point of View

Dahan dahan ko inimulat ang aking mga mata. Napatingin ako sa paligid at nasa bahay na pala ako. Nanlaki ang mata ko. P-Paano ako nakarating sa bahay?! Tumingin tingin ako sa paligid and I saw mom and dad reading a newspaper sa study table nila. "Gising ka na pala Irene" Tumango naman ako tapos tumingin ako sa katapat na couch. Nakita ko si Zairus na natutulog.

Anong ginagawa niya dito?

"Kanina ka pa binabantayan ni Zairus at siya mismo ang naghupa sa lagnat mo. Kainin mo na yung lugaw na ginawa ni Zairus para sayo. Hindi na yata yan mainit" sabi ni papa. Tumango naman ako at kinain ko ang lugaw. Agad naman umalis sila mama at papa at pumunta sa taas para daw may privacy kaming dalawa.

Napapangiti ako habang tinitignan ko ang sleeping face ni Zairus. Dahan dahan ko siyang nilapitan and between his breaths he was saying: "Sorry Irene....Sorry ang gago ko...."

I kissed his cheek. "Wag ka na mag sorry. Thank you gago ha?"

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon