Chapter 10 *Food Fight*

155K 1K 39
                                    

--Edited & Medyo Revised--

Charlene's Point of View

"Ano sa tingin niyo ang mas maganda? Baby blue or Baby pink?" Leslie asked as she walked out of the Fitting room. Nakita ko naman hinawakan ni Tracey ang Baby pink habang si Irene naman ay hawak hawak niya ang Baby blue. Napailing iling na lamang ako at balik sa paghahanap ng swimsuit. Niyaya kasi kami ni Stephen mag swimming at eto ako ngayon, sinundo ako ng loka loka at magsho-shopping daw kami.

If other girls love shopping, Ako naman. I hate shopping dahil minsan lang kasi ako pumili ng mga damit. Picky kasi ako pagdating sa damit. Dapat komportable, mura at magagamit ko na matagal yung damit keysa naman na basta uso ay basta bili. Hindi ako ganun noh. It's a big no no for me.

"Mas maganda nga kasi yung Baby blue kasi maganda siya tignan!" Irene said habang pinapakita niya kay Irene ang Baby blue na bikini.

"Anong kaganda ganda diyan sa Baby blue? Baby blue is bull while Baby pink is fab!" said Tracey habang binabagay bagay niya pa ito kay Leslie. I looked at Leslie na parang nahihirapan at nagsisisi na nagpatulong pa siya. Tinignan naman ako ni Leslie and SOS was written on her face, Kumuha ako ng isang bikini at pinakita ko sakanilang tatlo. The bikini was half Baby pink and half Baby blue.

"Wag na kayo mag away. Etong bikini na lang tutal ay nandito naman ang Baby blue at pink eh"

Leslie smiled and took the bikini and quickly went inside the fitting room while Irene and Tracey were shooting daggers to each other. Iba din pala mag away ang dalawang to pagdating sa fashion. Dapat i-take note ko talaga ang mga ganitong bagay. Bumalik na lamang ako sa paghahanap ng bikini and I sighed. Seriously, Wala akong makitang magandang bikini and maybe hindi na lang ako magsusuot. Yung binigay na lang ni tita saakin ang dadalhin ko. Naramdaman ko naman na may kumakalbit saakin, I turned around and it was Tracey.

"Yes?"

Pinakita niya naman ang isang bikini na kulay Black. "Tingin mo, Bagay ba to saakin?"

"Bagay naman yan sayo dahil maputi ka pero..." Kumuha ako ng isang red bikini sa tabi ko and showed it to her "Feel ko na mas bagay yung red sayo eh" She thanked me at pumasok na siya sa loob ng fitting room. Napansin ko naman na abala sa pagtitingin at paghahanap ng Irene sa bikini, Sinusukat niya ito at pagdating sa mirror ay napapabuntong hininga siya.

"Problem?" I asked.

"Tingin mo, Magugustuhan kaya niya to? Mapapansin kaya niya to? Will he compliment me?"

Napangiti naman ako. "Sino naman ang 'He' at 'Niya' na yun? That's a first Irene"

"Oh shut up" She rolled her eyes while I softly chuckled. "Natutuwa lang ako sakanya, Mas maliwanag pa sa araw na wala akong feelings sakanya" Ngumiti na lamang ako at umiling iling.

Pagkatapos namin bumibili bili, Buti naman ay napagdesisyunan din nila na magpahinga. They decided na sa Starbucks na lang. Ako, Wala naman akong pakealam kaya oo lang ako ng oo. Like all girls, May girl talk din kami noh. Syempre hindi maiiwasan na mapapagusapan ang mga lalake sa buhay namin at magreminisce sa mga past pero nakakaloka lang kasi lagi nila ako inaasar kay Stephen. Ugh. Ano ba kasi ang meron saamin ni Stephen?

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon