Chapter 34 *Operation: Make Them Confess*

108K 609 7
                                    

--Revised--

Charlene's Point of View

"Waaaaaaah. Charlene. Ang ganda mo na!" usal ng isang babae na lumapit saakin at bigla ako yinakap. Niyakap ko din siya. Sa totoo lang, Hindi ko siya kilala. Namumukhaan ko yung mukha niya pero yung pangalan? Hindi ko siya kilala. Konti lang ang nakikilala ko. Yung mga close na close ko talaga tapos si JB. Sino si JB? Si JB lang naman yung naging close ko sa mga lalake kong classmates dahil parehas namin gusto yung Green Day tapos lagi kami yung napa-partner sa lahat lahat ng mga projects.

Sabi saakin ni Stephen ay wag ako makipag usap sa ibang lalake pero anong magagawa ko? Si JB lang naman yung medyo kacomfortable ko kasama dito at ganun din siya but I'm trying my best na hindi masyadong lumapit sakanya kundi malalagot talaga ako kay Stephen. Kahit wala si Stephen sa tabi ko ay gusto ko ipakita sakanya na sinusunod ko yung mga bilin niya. Ang bait kong girlfriend noh?

"So, May boyfriend ka na?" Biglaang tanong saakin ni JB. Walang pag aalinlangan ay agad akong tumango. "I see, ako rin eh and I'm teaching myself na mahalin siya" sabi niya saakin dahilan para kumunot yung noo ko.

"Bakit naman? Diba pumasok kayo sa isang relasyon dahil mahal niyo ang isa't isa?"

"Actually, siya lang pero ako, hindi. Pinagkasundo kasi kaming dalawa at tutal yun na ang last wish ng lolo ko ay wala naman akong magagawa kundi tanggapin na lang. Noong una ayoko sakanya pero patagal ng patagal...I kinda like her" Napangiti naman ako. "Kaya mo yan, Kalalake mong tao eh basta wag mo sasaktan yung babaeng yun ha? Can you describe her?"

"She has this long, wavy, black hair na sobrang bango. I really like playing with her tapos she got these attractive eyes na ang sarap lang tignan and a beautiful voice na kahit yun lang ang pakinggan buong araw ay kuntento na ako tapos---" Napatigil naman siya sa pagsasalita dahil natatawa ako. "Bakit ka tumatawa diyan?" Tanong niya.

"You like her, You like her so so much..."

He scratched his hair and said, "Yeah, Maybe I do like her or not, Maybe I love her..."

****

Stephen's Point of View

"Aish. Kinakausap pa rin ng lalakeng yun si Charlene ko" sabi ko pagkaupo na pagkaupo ko. 

"Bakit ba close na close yung dalawang yun sa isa't isa?" Zairus asked Kesha.

"Magbest friends kasi ang dalawang yun noong elementary. Actually, Lagi nga silang magkasama tapos lagi silang magkapartner. Naalala ko yung unang kilala ko kay JB. Lagi niya kinikwento yung best friend niya noong elementary. I think he likes her so much..."

Doon naman napayukom ko ang mga kamay ko at wala sa sarili ay nasuntok ko ang pader, Paano ko ba mahihiwalay yung lalakeng yun kay Charlene? lalong lalo na parang may gusto siya sa Charlene ko..Ugh.

"May naisip akong plano!" Napalingon naman kaming lahat kay Lander. "Yun nga lang, Kailangan kayo makipag cooperate kay Charlene"

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon