--Revised--
Stephen's POV
"Aish. Nakakainis ka talaga ate Michelle. Sa date ka pa biglang sumingit. Wag kang humingi ng tulong saakin kapag binalatan ka ng buhay ng girlfriend ko ah!" Panenermon ko kay ate Michelle. Nakakainis naman kasi eh. Sa mismong date ko pa biglang um-epal? Nasa isang bundok kami ngayon. Bakit nasa bundok kami? Isa kasing secret agent kasi yan si ate Michelle at may hinahanap siyang mga thugs na nagnakaw sa the so-called White Flower.
"Manahimik ka nga diyan Stephen! Naiintindihan naman ni Charlene eh at isa pa, sinabi ko na sakanya ang rason. Diba promise mo saakin noong bata pa ay lagi mo akong sasamahan sa mga adventures ko? Wag mong sabi---"
"Oo na! Oo na! Nakakainis ka naman eh!" inis kong bulyaw sakanya. Nabwi-bwiset talaga ako. Ang ganda ganda ng date namin ni Charlene. Pinaghandaan ko yun. Pinag ipunan ko yun tapos masisira lang sa walang kwentang adventure na lechugas na to. Ugh! Nakakainis talaga! Inis na inis na ako kaya mas mabuting manahimik na lamang.
Habang patuloy kami naglalakad ni ate Michelle sa isang makipot na lugar ay panay naman ako patingin tingin sa paligid. Kakaiba kasi ang bundok na to. Akala mo parang may mga halimaw dito na bigla na lang susulpot sayo tapos gugulatin ka at masyadong mataas ang bundok na isang mali mo lang ay baka pagulong gulong ka hanggang mahulog ka sa bundok.
Tinignan ko naman ang cellphone ko at galit akong napasipa sa isang puno dahil walang signal. Ano banaman yan! "Huy Stephen. Kumalma ka nga diyan. Gusto mo bang makita tayo ng mga magnanakaw na yun?"
I rolled my eyes. "Wala akong kinalaman sakanila! Gusto ko makita si Charlene!"
"Hay nako...Ang hirap talaga kapag masyadong obsess sa girlfriend eh" Tinignan ko na lang ng masama si ate Michelle sabay nagpatuloy sa paglakad. Nakakainis talaga. Inis na inis na ako sa pangyayari. Habang naglalakad ay may nakita naman kami na isang puno at sa puno ay may nakatali na isang babae doon na nakaputing damit. Nakatali siya sabay nakablind fold tapos pula ang kanyang buhok.
"Siya yun!" Napalingon naman ako kay ate Michelle. "Siya yung white flower!" sabi niya.
"Eh anong gusto mong gawin natin?"
Binatukan naman niya ako. Aray naman oh. "Wala ka talaga Stephen! Ano pa ba ang dapat nating gawin? Edi sagipin natin! Tara na!" Lalapit na sana kami ng biglang lumitaw ang isang malaking oso. I gulp. Langhiya. Black bear pa! Nagkatinginan naman kaming dalawa ni ate Michelle tapos tumango siya. Pumunta siya doon sa oso habang ako naman ay pumunta doon sa babae.
"Miss?" tawag ko sa babaeng pula ang buhok. Nakablind fold siya nakatakip yung bunganga niya. Tinanggal ko yung scotch tape sa bunganga niya sabay tinanggal ko din ang blind fold niya at tumambad saakin ang babaeng may berde ang mata at pula ang buhok. "N-Nasaan ako?" Mahina niyang tanong saakin.
"Wag ka mag alala miss! Kami bahala sayo-errr, si ate Michelle pala pero bago muna yun ay stay put ka lang diyan ha" tapos tinatanggal ko ang tali na nakapulupot sa kamay niya. Aish! Ang hirap naman tanggalin naman tong mga to. "Wait lang miss ha. Medyo matatagalan tayo dito dahil ang hirap tanggalin tong mga tali!" Hindi lamang umimik saakin ang babae pero nakita kong tumango siya.
"Ano nga pala pangalan mo miss?" Bago pa siya makapagsalita ay bigla ng dumating si ate Michelle habang dala dala niya ang isang oso na walang malay. I gulp. W-Wow. Ngayon ko lang nalaman na kaya pala talunin ni ate Michelle ang isang oso? Dahan dahan siyang lumapit saamin tapos ibinagsak niya ang oso sa harap namin.
Saglit na tinignan lang ni ako ni ate Michelle sabay tinignan niya ang babaeng nasa harapan ko lamang. "Nasaan na ang mga magnanakaw?"
"Hindi ko alam. Ang huli ko lang naalala ay tinali nila ako dito at may pinaamoy silang drug saakin dahilan para makatulog ako"
She sighed. "For now, Sumama ka muna saamin" Tumango na lamang yung babae na may pulang buhok. Nagsimula na kami gumayak pero may napansin ako mula sa taas ng kweba na malapit lapit sa puno kung saan nakatali yung 'White Flower' ay may isang lalake na nakadapa habang may hawak hawak siyang sniper. Sa itsura pa lang niya ay nakatutok iyon sa direksyon ng babaeng yun.
I gulped.
Agad agad ako kumaripas ng takbo sakanila sabay tinulak ko sila ng malakas at saktong pagbaril ng lalake ay natamaan ako. "Stephen!!" I was out of balance at wala sa sarili ay napahiga ako at dumilim na lamang ang kapaligiran.
***
Charlene's POV
"Ah shit..."
"Ma'am, tutulungan ko na po kayo!" Tumango na lamang ako kay manang habang isa isa niyang kinuha ang mga pirasong nahulog na tasa ni Stephen. Napansin ko na nagdudugo yung mga paa ko kung kaya't agad ko kinuha ang first aid kit at pumunta ako sa C.R para hugasan ang sugat ko. Habang naghuhugas ako ay may naramdaman akong kakaiba. Kinakabahan ako.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero feel ko ay may nangyaring masama. I shook my head. Imposible naman na may mangyari masama kay Stephen. Hinilamos ko na lamang ang mukha ko at pinunasan ko ito.
May narinig naman akong nag door bell. Agad agad naman akong pumunta sa pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko ay isang lalake na mukhang kasing edad ko lamang ay nakasuot ng isang suit.
"Dito ba nakatira si Stephen Drew Alonzo?" I nodded. "Ikaw ba si Charlene Kaye Domingo?" Tanong niya saakin. I nodded again.
"Well, Kailangan niyo sumama saakin" as he said those words, he grabbed my hand.
"T-Teka lang! Bakit ba? Bitawan mo nga ako!"
Tinignan niya ako. "Ang boyfriend mo...Naaksidente siya"
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
MizahNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...