Chapter 25 *Taking Care...*

118K 794 20
                                    

--Edited & Revised--

Stephen's Point of View

"Aish. Ano ba kasi ang pinagagawa mo kahapon kaya nagkasakit ka?" I asked Charlene habang tinitignan ko ang temperature niya. Naman oh. Ang taas pa rin ng temperature niya. Charlene was lying on her bed, masyado siyang taklob sa comforter at puro unan ang nasa tabi niya. Pagkagising ko na lamang ay nalaman laman ko na mula kay manang na may sakit si Charlene and being the most gentleman in the whole wide word, edi inaalagaan ko siya.

"Ewan ko. Pagkatapos naman kasi ng kwentuhan session ay agad na akong natulog. Waaah. Ang sama ng pakiramdam ko" Mas lalo pa niyang tinakluban ang sarili niya. Nailing iling na lamang ako. Her voice was raspy, Her face was flashed, Her hair was a mess and she was wearing her pajamas. Kinuha niya ang libro sa side table niya at tahimik na nagbabasa. Agad ko naman ito kinuha.

"Stephen naman. What gives? Gusto ko basahin yung susunod na mangyari kay Tris. Gusto ko malaman kung anong rank niya sa stage one" She said habang nakanguso pa siya. I rolled my eyes at ako na lamang ang nagbasa sa libro niyang 'Divergent'. "Manahimik ka nga diyan Charlene. Kailangan mo ng pahinga kaya ipahinga mo yang sarili mo and that includes your whole body" She groaned and turned to the other side.

Napailing iling na lamang ako at binasa ko ang 'Divergent'. Actually, may movie na ito pero hindi naman ako yung tipong tao na mahilig manood excluding sports though. Hindi man halata sa kagwapuhan ko but I like to read especially action books atsaka yung mga mystery and same time thriller books. Nakakatuwa kasi eh. I turn the page to page one at sinimulan ko basahin ang Chapter one.

Tris or formely known as Beatrice, siya ay isang simpleng babae na galing sa Abnegation. Sa isang dystopian California kung saan ang mga tao ay pinaghati hati sa limang faction which is groups na bumabase sa personalities nila. Una muna ang Abnegation kung saan ang mga tao ay mga self-less kung saan mas inuuna nila ang kapakanan ng mga ibang tao keysa sa sarili nila, Others call them 'Stiff' habang yung Amity naman ay yung mga tao na puro kasiyahan at peace lamang ang gusto nila, Next is the Candor kung saan hindi nagsisinungaling ang mga tao doon, Kung ano man ang iniisip nila ay yun lamang ang sasabihin nila. Dauntless naman ang mga taong malalakas na loob at ang pinakaimportante sakanila ang pride nila. Lastly, Erudite. Magkalaban sila ng Abnegation dahil ika ng mga taga-Erudite na wala daw kakwenta kwenta ang taga-Abnegation, They are the type of person who loves to seek knowledge about everything.

So, Ayun. Si Beatrice (or Tris) ay isang sixteen year old na babae na taga-Abnegation at ang mga katulad niya ay kumukuha ng tinatawag na 'aptitude test' kung saan malalaman nila kung saang faction ba talaga sila nababagay. Usually mga one or two lamang ang nakukuhang results ng isang normal na tao pero kay Tris ay kakaiba dahil more than two pa ito kung kaya't tinawag siyang Divergent dahil ang mga Divergent ay mga dangerous na tao na hindi kayang kontrolin ng mga higher ups pero ang pinili ni Tris ay maging Dauntless keysa sa pagiging Abnegation at ang mas nakakagulat pa daw ay yung kapatid niya na si Caleb ay pinili ang pagiging Erudite. Akala niya pipiliin ni Caleb ang Abnegation dahil sobrang selfless nito. Tapos---

"Stephen...." Nasarado ko naman ang libro at tinignan ko si Charlene. Nakita kong mahimbing siya natutulog. She was gulping multiple times kaya naisip ko na baka nauuhaw siya. Tumayo naman ako at pumunta sa living room, kumuha ng tubig sabay balik ulit sa kwarto niya. Mahimbing pa rin siyang natutulog kung kaya't dahan dahan akong umupo sa gilid ng ulo niya at dahan dahan ko rin siyang pinapainom ng tubig. Buti nga naiinom niyang tubig. She gulped a few times tapos mahimbing ulit ang pagtulog niya. I sighed. Umupo ulit ako balik sa upuan ko at nagbasa.

Sa Dauntless, May mga Dauntless initiation sila kung saan lahat ng mga sumali sa Dauntless (compose of Dauntless born initiates and Transfer initiates) ay parang ma-ala survivor talaga na kaunti lamang ang makakapasa. Thankfully, Nakasurvive naman si Tris. Medyo naawa ako kay Tris dahil tampulan siya ng tukso. She was called a 'Stiff' by many people at dagdag pa na siya lamang ang taga-Abnegation na sumali sa Dauntless kaya medyo awkward pero nakakatuwa dahil pi-nrove niya sa mga iba na kahit taga-Abnegation siya dati ay makakaya niya maging Dauntless.

Medyo duguan ang pangyayari sa stage one dahil puro laban lamang ang ginagawa nila, Halos lahat laban sa isa't isa sabay may shooting pa tapos meron pang isang game na nilalaro ang mga Dauntless kung saan paunahan sa pagkuha ng flag----Medyo napapagod na rin ako nagbasa kaya sinarado ko ang book, put it on the bed side table at tumayo na. I turned my heel pero napigilan lang ako nang may humawak sa hem ng shirt ko. I turned around and Charlene was staring at me, staring at my eyes.

She smiled. "Stephen..Upo ka sa tabi ko" Umupo siya and patted the space beside her kaya wala akong magawa kundi umupo ako sa tabi niya kahit medyo nawe-weirduhan talaga ako. "Uhm. Charlene, Ano ba kailangan mo?" Medyo mabait ako sakanya dahil nga may sakit siya, diba? Bukas naman mawawala yung sakit niya kaya tiis tiis muna sa pagiging mabait. lolol. I was surprised that she linked her arms on my arms tapos humilig siya sa balikat ko then intertwine our hands. I gulped dahil first time lang ganito kami ka-intimate.

"C-Charlene. Ano ba" I said habang tinutulak tulak ko siya. Naninibago ako. Hindi naman ganito ang nakilala kong Charlene ah. Masungit at brutal ang nakilala kong Charlene, Hindi katulad sa Charlene na kaharap ko na nakangiti sabay ang jolly jolly tignan. She pouted. "Ayaw mo ba Stephen? W-Waah. S-sorry.."

She was about to cry but I shamelessly caressed her cheek. "W-Wag ka na umiyak! N-Nandito lang ako. Sorry na! Sorry na!" Wala akong magawa kundi ilagay ang ulo niya sa lap ko para makatulog ulit siya. She looked at me and smiled tapos pumikit muli siya at natulog na siya nang mahimibing habang ako ay naiwan na nakatingin sa maamo niyang mukha. I smiled. Ang ganda ganda niya talaga kahit kailan kahit lagi siyang nakasimangot ay ang ganda niya pa rin.

"Charlene...Tumigil ka na sa pagiging manhid mo..." I said.

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon