--Edited & Medyo Revised--
Tracey's Point of View
"Mama naman eh! Ayoko nga sabi!" I screamed habang pilit ko tinatanggal ang mga hawak ng mga body guard ni mama saakin. Isa isa ko naman sila pinandidilatan pero wala silang pakealam at pahigpit pa ng pahigpit ang pagkakahawak nila saakin. Mom turned around at nameywang siya.
"Tracey, Would you remain silent? Ime-meet lang naman natin ang business partner ko eh" She casually said pero kilalang kilala ko na si mama lalong lalo na sa mga kalokohan niya. Magaling siya magtago sa mga binabalak niyang plano at madali siya magpaniwala pero gagawin ko ang lahat para hindi ako mapasama sa mga taong napapaniwala niya.
I rolled my eyes. "Don't take me as a fool mother. Kilala kita. You always provoke people by your beautiful lie pero hindi ako ma. Itaga mo to sa bato ma. Hinding hindi ko iyon gagawin kung ano man ang binabalak mo. Wag ka na mag expect!" She just simply shrugged and turn back to her heel and walked habang ang mga leche niyang body guards ay kinakaladkad pa rin ako.
Pumasok naman kami ni mama sa isang restaurant at saka lamang ako binaba ng mga body guards. Lumingon naman ako at nakasunod lang pala sila saakin. Ano ba yan. Lalayas sana ako eh. Kaya wala akong magawa kundi sundan si mama. Ika ng mga kaibigan ko ay isa akong tusong tao pero kung tuso ako, mas tuso si mama keysa saakin. I sighed. We both stopped our tracks at tumambad sa harapan namin ang isang babae na mukhang nasa may bandang 30s na.
Though medyo may pagkamukhang nasa 30s na siya. She looks stunning and same time elegant. Katulad kay mama ay nakasuot ito ng formal na damit. Nagbeso beso naman silang dalawa at narinig ko lamang na nagkamustahan sila. Tahimik ko na lamang sila pinapakinggan at nagmamasid. Sobra na kasi akong nagugutom kung kaya't gusto ko na kumain. Gusto ko naman humingi ng pagkain pero lagi ko naalala ang sinasabi saakin ni mama na wag na wag ako humingi ng pagkain kahit sobrang gutom na ako lalong lalo kapag gathering ng mga elites. Nakakahiya daw yun.
Pero sa panahong hindi ako masyadong nakakain at gutom na gutom ako. Walang hiya hiya na saakin. Dahan dahan na lamang ako lumisan sakanilang dalawa. Lumapit ako sa waiter and I elbowed him. "Kailan ba ang serving ng meals? Nagugutom na ako" Reklamo ko sakanya.
"Mamaya maya pa daw po ma'am. Pagkatapos ng opening ceremony ay saka lamang po ise-serve ang pagkain" My jaw dropped. I-Ibig sabihin-----Mamaya pa kakain ang mga alaga ko? No freaking way! Nakabusangot na lamang ako bumalik kay mama. Nagulat naman ako bigla kasi ako hinila ni mama at pinaharap sa kanina pa niyang kausap.
"Lucia, Meet my daughter, Tracey" Tinignan ko naman ulit ang babaeng kausap niya and she smiled at me. Ngumiti na rin ako sakanya. Akala ko pagkatapos ng meet and greet namin ay kakain na kami dahil parang papunta na kami sa table, Eh biglang sumegway and instead ay lumapit kami sa isang lalake na nakatalikod lamang. 'Lucia' tapped the guy's shoulders at lumingon ito.
My mouth gapped open dahil tumambad saakin si Leo habang nakaupo siya saamin at may dala dala siyang cocktail. "Tracey, Anong ginagawa mo dito?" He asked. I gulped dahil wala siyang suot na salamin. First time ko lang makita ang mukha niya na walang salamin at ang lakas ng tibok ng puso ko. Shettttt. Ang gwapo gwapo niya talaga!
"You guys know each other?" Both of our mothers asked. Tumango tango naman kami. "Magkakilala ang barkada namin" I said. Napansin ko naman na lumawak ang ngisi nila. My mom crossed her arms.
"Edi hindi na pala kami mahihirapan na ipa-engage kayong dalawa"
Nanlaki naman ang mata ko. "A-Ano?! E-Engage?! T-Teka lang ma! Bata pa ako noh! Wala pa ako sa legal age para mag pa-engage!"
May nilabas naman si mama na isang papel. Binasa naman ito and it was our engagement paper. Seriously? Paano nagawa to ni mama na hindi ko man lang napapansin? She turned around and walked away kasama ang mama ni Leo not before saying: "Next week ay ihahanda na namin ang engagement niyo!"
Naiwan kaming nakatanga habang ang mommies namin ay abala sa pagtatawanan. Nagkatinginan naman kami ni Leo at ako ang una nag iwas ng tingin. My heart is pounding pero kahit gustong gusto ko talaga si Leo pero hindi naman ibig sabihin nun na payag na ako ma-engage sakanya. Like, hello? Wala pa ako sa tamang age and I'm not even mature enough to be engaged by someone. Someone like Leo who is more mature than I am.
Nakakainsecure kaya!
"Kahit kailan talaga binibigyan ako ng stress ni mama" I looked at Leo. Inisang lagok niya lamang ang cocktail and looked at me. "Gusto mo bang umalis sa party na to? Nakakasuffocate na kasi eh" I nodded. He grabbed my hand and we sneakily went outside. Laking pasalamat ko dahil hindi ako masyadong sinusundan ng guards nun at kay mama na sila ulit bumubuntot. Nasa backyard kami ng restaurant. Nakita ko naman na naglagay ng ladder si Leo sa may pader.
"Saan ka naman pupunta Leo?"
He glanced at me. "Correction: Saan tayo pupunta?" Kumibit balikat na lamang ako. "Pupunta tayo ng mall. Ayoko dito. Basta malayo lang sa restaurant na to na puro pasosyal lamang ang pinapairal. Gusto mo ba sumama saakin?" Without second thoughts, Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa damuhan at pumunta sa ladder.
Mabilis na nakaakyat si Leo hanggang sa puno. Meron kasing malapit lapit na branch kapag umakyat ka sa bakod. "Bilisan mo Tracey!" Narinig kong sigaw saakin ni Leo. Mas lalo ko naman binilisan ang pag aakyat ko hanggang sa narinig ko ang mga body guards.
"Nakita mo na ba si Lady Tracey?!"
"Baka pumunta siya doon!"
I closed my eyes at mas lalo ko pa binilisan ang pagkaakyat. Binuhat naman ako ni Leo hanggang sa pinaupo niya ako sa branch. Sinipa niya ang ladder para matumba ito sabay tumalon kami. Hindi naman gaano kataasan ang branch kaya hindi masyado agaw buhay ang pagkakatalon namin na maala-Divergent lamang. Parehas kaming nakaupo lamang at nagtitigan hanggang sa nagngingitian at nagtatawanan na kami.
We both stopped and looked at each other. He stood up at pinatayo niya ako. "Punta tayo mall"
"Seryoso ka talaga? Nakakahiya yung suot natin!"
"Ako bahala"
Pagkarating na pagkarating namin sa mall ay nilibre naman ako ni Leo ng damit kaya paglabas namin sa isang store ay nakapalit na ang mga damit namin. Mabuti naman dahil ang weird weird kaya ng tingin saamin ng mga tao. Iniisip nila na takas yata kami sa mental. Tahimik lamang kami naglalakad habang magkaholding hands kami. Uulitin ko. HABANG MAGKAHOLDING HANDS KAMI AS IN HHWWM (holding hands while walking in the mall).
Hindi mawala ang ngiti ko tuwing binubulungan ako ni Leo ng mga jokes o mga sweet words. Iniisip tuloy ng iba na 'kami' which hindi naman dahil mag 'fiance' kaya kami. lol. Habang naglalakad kami---
"Leo?"
---May narinig kami isang boses ng babae. Parehas kaming napalingon. "Rhian!"
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...