Chapter 4 *The Tagaytay Trip*

198K 1.6K 143
                                    

--Edited--

[Stephen]

Hay nako. Napakaboring naman dito sa loob ng van. Ang tahimik. Gusto ko na tuloy makarating sa Tagaytay. Patingin tingin ako sa labas at puro kotse, puno at kainan ang mga nakikita ko. Nandito na kaya kami? Tinignan ko naman si Charlene sa tabi ko at abala lang siya sa pakikinig ng musics habang si mama ay nagbabasa nag dri-drive.

Nakow. Buti pa sila may ginagawa. Ugh. "Ma, Nandiyan na ba tayo?" Inip na inip kong tanong habang nagpapaypay gamit ang magazine.

"Wala pa anak" Sagot ni mama. Kaya natahimik naman ako at tumingin sa tabi. Bumuntong hininga na lamang ako at tumingin sa labas. Sa totoo lang, Bakit kaya sabi ng mga tao na hindi simple ang buhay? Sa totoo lang, Kung tatanggalin mo yang kayamanan na yan, competition sa isa't isa at lahat lahat na ginawa ng tao, Sobrang simple lang ng buhay.

Aasa ka lang sa tabi tabi mo. Gagawa ka ng bahay na gamit ng mga dahon o mga kahoy, Kakain ka ng mga laman ng hayop at pwede ka pumitas ng prutas para makakain din, Pwede mo din gamitin yung mga balat ng hayop para sa masusuot mo. Simple lang, diba? Ako, Hindi ako naniniwala na hindi simple ang buhay. Simple ang buhay, Ang nagpapakumplikado lang ay ang mga tao.

Anyways, Yun lang naman ang nasa isip ko. Tumingin tingin ako sa tabi at sobra na akong naiinip, Ano ba yan. Ang layo layo naman ng Tagaytay. "Nandiyan na ba tayo ma?"

"Nak, Wala pa. Makakarating rin naman tayo eh, Chill ka lang" I rolled my eyes. Si mama talaga, Masyadong pabagets kahit hindi naman bagay sa age niya. Tumingin naman ako sa katabi ko na abala sa pagtitingin sa labas at sa pagkinig ng music. Kinuha ko naman yung isang earphone niya dahilan para tignan niya ako. Tignan ng masama.

"Hoy, Problema mo?" Isa pa tong babaeng to. Kailangan talaga magsungit? Pwede naman niya tanungin kung anong problema ko in a nice way eh. Tsk. Tsk.

"Wala lang, Bored ako eh. Pakinig nga"

"May sarili ka namang phone ah!"

"Wala, Lowbat" I lied. Eh sa nakakatamad kunin yung phone ko sa bag eh. Tsaka wala akong masyadong musics sa phone ko. I closed my eyes at nakinig sa kanta at saktong sakto naman na nag play yung music na Sa Isang Sulyap mo. Hindi  ko naman siya favorite na song pero nakisabay na rin ako dahil wala lang, Bored ako eh.

I flutter my eyes open ng bigla nawala yung music, I looked at Charlene, Inagaw pala ng bruha yung ear phone ko. Inirapan niya ako at nakinig dahil bored na bored nga ako. I decided na pag tripan ko lang siya. Kinuha ko yung isang earphone sabay lagay sa isang tenga tapos bigla nanaman niya kinuha tapos lagay sa tenga niya at ganun din ako kaya ang scenario namin ay nag aagawan kami ng earphone.

"Hoy bruha! Magpahiram ka nga!"

"May sarili ka naman kasing phone eh!"

"Lowbat nga! Bingi ba you?!"

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon