Chapter 38 *Akin ka na lang kasi...*

101K 603 33
                                    

REVISED VERSION

Masayang naglalakad si Erick palabas ng agency nila dahilan para mapansin siya ni Michelle, Napatingin naman ang dalaga kay Erick at napailing iling ito, sumandal siya sa pader. "Kung ako sayo, Hindi ko na sisirain ang relationship nilang dalawa, Masaya nila sa isa't isa, Bakit mo pa sisirain Mr. Magdayao?" Tanong ni Michelle. Lumingon naman si Erick at kung kanina ay masaya ang mood nito ay sumama ang timpla ng mukha nito.

"Masaya? Ang alam ko ay hindi sila masaya ngayon. Nasa coma ngayon si Stephen at araw araw umiiyak at nanalig sa diyos si Charlene para lang gumising si Stephen. Ano bang masaya doon, Michelle? At isa pa, Hindi ko naman sisirain ang relationship nila eh. Gusto ko lang samahan si Charlene sa mga araw na malungkot siya" wika ni Erick habang nilalaro laro niya ang hawak hawak niyang ballpen.

Masama ang kutob ni Michelle. Alam niya na hindi hanggang doon ang balak ni Erick. Matagal na niyang alam na may lihim na pagtingin ito kay Charlene kung kaya't nang nalaman nito ang nangyari kay Charlene at Stephen ay agad agad itong sumingit sa storya nila at hindi niya hahayaan yun. Siya ang dahilan kung bakit malungkot si Charlene at naka-coma ngayon si Stephen. Kahit ganito lang ay makakatulong siya kay Charlene at Stephen.

Mahigpit namang hinawakan ni Michelle ang braso ng binata. Tinignan niya ito ng masama. "Subukan mo lang sirain sila Charlene at Stephen ay ako ang makakalaban mo. Subukan mo lang at ipapa-coma kita. Naiintindihan mo?" Erick gulped. Matagal na niyang alam na nakakaintidimate si Michelle pero hindi siya papayag na basta sa simpleng pagbabanta ng babaeng to ay susuko na siya. 

Siya si Erick Magdayao at ang sumuko ay wala sa vocabulary niya.

Tinanggal ni Erick ang pagkakahawak ni Michelle sakanya. "Pwede ba Michelle? Wag kang mangielam. Wala kang kinalaman saakin at wala akong kinalaman sayo kaya dapat tumahimik ka na lang at hayaan mo ako sa buhay" Mahina naman niya tinulak ang dalaga "Pasensiya na ha? Pero pagdating kay Charlene, Hindi ako papayag na basta basta ko siya isusuko" Kaagad naman umalis si Erick pagkatapos.

Napayukom naman ang mga kamao ni Michelle. Kailangan na magising ni Stephen kung hindi ay maagaw talaga ni Erick si Charlene. Matagal na niyang kasama ang binata at ang pagkakaalam niya, Kung ano ang gusto ng binata ay makukuha nito, sapilitan man o hindi.

+   +   +   +

Nakaupo lamang si Charlene sa isang bench sa labas ng ospital. Bumisita kasi ang mama ni Stephen at kakagaling lamang nito sa Brunei dahil sa isang business trip, Hinayaan niya muna ang mag ina na magsama at isa pa ay magpapahangin muna siya. Masyado na kasi siyang nasu-suffocate sa sobrang kirot ng puso niya.

Bawat araw na ginagawa ng diyos na hindi pa nagigising si Stephen ay nanakit ang puso niya. Gusto na niya magising ang binata. Gusto na niya marinig ang mga kayabangan nito. Gusto na niya marinig ang malakas na tawa nito. Gusto na niya makita ang nakakabighaning ngiti nito. Gusto na niya makita si Stephen na gumagalaw at hindi nakaratay sa kama. 

Tumulo nanaman ang mga nagbabadyang luha sakanya. She sighed. Kailan kaya matatapos ang kahirapan na to? Namimiss na niya ang kanyang boyfriend. "Panyo oh!" Tumingala naman siya at si Erick pala, Nakapoker face ito habang abot abot nito ang panyo sakanya. Agad naman niya kinuha ito at pinunas sa gilid ng mga mata niya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon