Chapter 33 *Alumni Reunion*

108K 591 16
                                    

--Revised--

Charlene's Point of View

"Oy umayos ka babae ha. Wag kang kakausap ng ibang lalake. Deadmahin mo lang sila. Ang kausapin mo lang ay mga babae, Naiintindihan mo ba ako? At wag ka ngang magpaganda!" Kinuha naman ni Stephen yung pulbos at tinago niya ito sa likod. I rolled my eyes. "Ano ba problema mo Stephen? Hindi naman ako nagpapaganda. Inaayos ko lang yung itsura ko. Ano ba ang gusto mo? Gusto mo magmukha akong losyang doon?" Tanong ko sakanya.

"Mas maganda nga yun eh! para hindi ka na lapitan ng mga lalake doon. Ang ganda ganda mo pa naman" Instead na mainis ay napangiti na lang ako. I softly pinch both of his cheeks and let our foreheads touch, Inintertwine ko yung mga kamay namin and gave him a smack kiss. "Para ka namang sira eh. Anong tingin mo saakin? Hindi loyal? Promise. Hindi ko papansinin yung mga lalake doon. Wala ka bang tiwala saakin?"

He pouted his lips. "Meron pero yung mga lalake doon, wala" Niyakap naman niya ako ng sobrang higpit, "Naman kasi eh. Bakit ba bawal ako doon?"

"Ano ka ba. Wag ka na makulit. Wala na tayong magagawa noh! Basta, Ikaw lang yung lalake para saakin!" And I cupped both of his cheeks, He pressed his lips in my lips at ilang minuto lang kami naging ganun hanggang siya na mismo ang humiwalay. "Akin ka lang ha? Subukan mo lang maghanap ng iba ay malalagot ka saakin. Hindi kita papakawalan!" Tumawa naman ako at niyakap ko na lamang siya ng sobrang higpit. Wala rin naman akong balak umalis sa buhay mo Stephen ehh..

Pagkatapos ng ilang oras na panenermon saakin ni Stephen ay binaba niya ako sa elementary na dati ko pinapasukan. Nakakuha kasi ako ng letter kung saan iniimbitahan ako ng principal at yung mga kabatch mates ko. Magkakaroon daw ng Alumni Homecoming. Gusto ko nga isama si Stephen eh pero ang sabi daw ay bawal yung outsiders, kung tatanungin niyo man kung kasama yung mga kaibigan ko ay hindi. Magkaiba kasi ang elementary na pinasukan ko dati. Transferee lang naman kasi ako noong first year highschool ako eh kaya nga lagi ako pinagtri-tripan ni Stephen eh.

Medyo kinakabahan ako ngayon. Wala na kasi akong masyadong communication sa mga dati kong mga kaibigan at classmates. Ewan ko nga kung nakikilala pa rin nila ako. Patuloy lang ako sa paglakad ng--"Charlene? Ikaw ba yan?" Napalingon naman ako at isang lalake na nakawhite t-shirt sabay may dala dalang maliit na bag nakasabit sa may shoulders niya ang tumambad saakin. Hindi ko siya mamukhaan kasi siya nakashades siya. Tinanggal niya ang shades niya at doon nanlaki ang mata ko.

"J-JB?"

****

Stephen's Point of View

"Ano ba ang ginagawa natin dito Stephen? Bawal ang outsiders dito!" 

"Manahimik ka na nga lang diyan Zairus. Wala na tayong magagawa diyan kay Stephen. Masyadong obsess sa girlfriend niya"

"Eh nakakainis naman kasi! May date kaya kami ngayon ni Irene"

Napalingon naman ako. "Isa pang reklamo Zairus. Masasapak na kita" 

"Sabi ko nga, Mananahimik na nga. Naman kasi eh!" Isang huling tingin ng masama sabay napaharap naman ako. Currently, Nasa taas kami ng puno at ginagala ko ang mata ko kay Charlene. Mukhang hindi pa kasi siya pumapasok eh. Pagkalabas na pagkalabas kasi ay agad agad ko naman tinawag si Zairus at Lander (na nakatago sa likod ng kotse ko) at agad kami umakyat papuntang puno (hindi ko alam kung paano kami nakaakyat within 3 minutes). Hindi kasi ako mapakali eh. May tiwala naman kasi ako kay Charlene eh pero paano kung malasing si Charlene? tapos may nagkakagusto kay Charlene at may gawin na kababalaghan sakanya? Syempre kailangan ko siya bantayan noh! Girlfriend ko yun noh!

Habang hinahanap yung trace ni Charlene gamit ang binoculars ko ay may napansin akong isang babae. Medyo mahaba ang buhok niya sabay nakasuot siya ng salamin. Katulad ko ay may dala dala din siyang binoculars. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at napayukom ko ang mga kamao ko dahil nakita ko may isang hinayupak ang kumakausap sa Charlene KO. Ang walanghiya! Agad agad akong bumaba at tinaas ko yung isang sleeves ng shirt ko at sasapakin ko na sana yung lalake ng biglang may pumigil saakin.

Lumingon ako at tumambad saakin yung babae kanina. Teka, paano nakarating siya dito? Ang bilis naman niya. "Wag mo saktan si JB!" sabi ng babae saakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "At bakit naman? Nilalandi niya yung girlfriend ko at bitawan mo nga ako!" sabi ko tapos tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko. Ayoko na may babaeng humahawak saakin maliban lang kay Charlene noh. Oo, ganun ko kamahal si Charlene. "Sino ka ba ha?" Tanong ko sakanya.

"Ako nga pala si Kesha at ako ang girlfriend ni JB" 

"Boyfriend mo yung lalakeng yun? Pwes, bakit ayaw mo sumugod doon? Tara! Sasamahan kita! Sapakin natin yang boyfriend mo. Nilalandi niya girlfriend ko" sabi ko sakanya pero umiling iling naman siya. "Bakit naman? Ang duwag mo naman!"

"Kahit girlfriend ako ni JB ay wala naman akong kaparatan sakanya dahil hindi naman niya ako mahal eh" sabi niya habang kinakamot yung ulo niya.

"Eh bakit ka niya shinota kung hindi ka naman niya mahal?"

"Pinagkasundo lang naman kasi kaming dalawa eh at siya ang magiging future fiance ko"

Tumango tango naman ako. "Pero mahal mo siya?" Umiwas naman siya ng tingin sabay tumango. I smiled. I patted her head. "Ano ka ba. Kahit hindi ka niya mahal ay may title ka pa rin na girlfriend niya noh. So, ano ba ang gusto mong gawin? Tutulungan na kita!"

Humarap naman siya. "Bantayan natin silang dalawa"

---------------------------------

a/n: JB on the multimedia side! :D gwapo niya noh? HAHAHA. 

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon