--Edited & Revised--
Charlene's Point of View
Nagseselos nga ba talaga ako? Talaga bang nagseselos ako? Tama ba talaga si Irene na nagseselos ako? Pano naman niya nasabi na nagseselos ako? May proof ba siya na nagseselos ako? Kung may proof man, Sa tingin niya ba selos ba talaga ang nararamdaman or ina-akto ko? Napasabunot naman ako sa buhok ko. Ughh! Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko! Ilang araw na ako naging ganito. Ilang araw ko na minamasdan si Stephen na may kausap na ibang babae. Ilang araw ko na sila minamasdan.
Hindi kaya, Nagseselos ako? I bit my lower lip. Siguro nga nagseselos ako. Nagseselos ako dahil iba yung kausap ni Stephen. Iba yung kasama niya. Iba yung katawanan niya. Ibang babae ang kasama niya at hindi ako. Napatakip naman ako sa buong mukha, Ang init ng pisngi ko, Ugh. Bakit ba pinapangarap ko na makasama siya? Psh. Dapat nga maging masaya ako dahil iba yung pinuputakte niya at hindi ako eh pero..
Bakit ganun? Hindi ako masaya. Hindi ako nasisiyahan sa pangyayari. Hindi ako nasisiyahan na hindi ako pinapansin ni Stephen at mas pinapansin niya ang ibang babae. Naiinis ako. Gusto ko pag untugin silang dalawa lalong lalo na yung babae. Naikuyom ko ang kamao ko. Gusto ko kalmutin ang maganda niyang pagmumukha pero...Natatakot ako. Natatakot ako na baka mas piliin ni Stephen ang babaeng yun. Natatakot ako kasi..Sino ba ako sa buhay ng isang Stephen Drew Alonzo?
Naramdaman ko naman na may mga lalakeng pumaligid saakin. Lahat sila ay nakasuot ng mga puting maskara. Nakaramdam ako ng takot. Lahat sila ay may dalang baril. Natatakot ako. Papatayin kaya nila ako? Grabe naman. Ang hard. Hindi ko pa nga naamin kay Stephen na nagseselos ako at hindi ko pa nga nakakalmot yung pagmumukha ng babae na kasama niya ay papatayin na ako? "S-Sino kayo?" Wow. Ang lakas ng loob ko magtanong. Hindi pa ba halata? Sila ang mga taong papatay saakin.
"You're dead, Charlene" I gulped. Tinapat niya saakin ang baril. Napapikit na lamang ako. Nakarinig ako ng putok at biglang dumilim ang kapaligiran.
****
Stephen's Point of View
Nagising na lamang ako at nasa loob ako ng ware house. Maraming mga nakatambak na sira sirang gamit pero kinilabutan ako dahil mas maraming nakakatakot na bagay ang nakatambak saakin. Mga sira sirang mannequin, Mga manika na wala ng mata, Meron pang mannequin na parang binibitay tapos ano ba tong naamoy ko? Tokwa! Amoy dugo ng tao. Mas lalo akong natatakot. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko.
Napatingin tingin ako sa paligid at nakita ko si Charlene na nakahiga sa isang kama habang nakatali ang paa at kamay niya. Mahimbing siya na natutulog. Teka--Anong gagawin ko? Nakatali ang mga kamay at paa ko sabay masyadong malayo si Charlene saakin. Natatakot ako sa susunod na mangyari. Naghanap ako ng matulis na bagay para pangtanggal sa lubid pero napatigil ako na may narinig akong kislot. Naharap naman ako ng tingin at nanlaki ang mata ko na tumambad saakin ang isang lalake sabay nakatago ang mukha niya ng isang kahon tapos may dala dala siyang palakol.
"Anong gagawin mo saakin?" Instead na sagutin niya ang tanong ko ay tumingin siya kay Charlene at mas lalo akong kinilabutan ng lumapit siya kay Charlene at dahan dahan niya na tinataas ang palakol na parang hihiwain niya si Charlene. "ANAK KA NG INA MO! WAG MONG PAPATAYIN SI CHARLENE, GAGO KA! AKO NA LANG PATAYIN MO!" Sigaw ko habang pilit ko tinatanggal ang tali sa kamay at paa ko. Naman oh! Patayin na lang niya ako, wag lang si Charlene.
Napatigil naman ito at napatingin saakin tapos dahan dahan niya ibinaba yung palakol niya. Tumawa siya na parang nababaliw na siya at nagulat ako ng itinaas niya muli ang palakol at sa susunod na pangyayari ay halos mabaliw na ako, Hiniwa niya ang ulo ni Charlene pagkatapos nun ay unti unti na niyang hinihiwa ang mga iba pang parte ng katawan ni Charlene. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nawalan ako ng boses at tanging pag iyak lamang ang kaya kong gagawin ko.
Si Charlene.....She was brutally killed by this psycho killer na natutuwa pa na nakapatay siya ng isang babae...ang pinakamamahal ko. Sakto naman nakakita ako ng isang matulis na bagay, Agad ko naman iyon kinuha gamit ang paa ko sa at pilit ako tumayo sabay mabilis ko kinuha ang matulis na bagay at hiniwa ko sa lubid dahilan para matanggal ang pagkakatali sa kamay ko, Hiniwa ko din ang tali sa paa ko and I'm free again. Hindi na ako nag isip pa at sinunggaban ko na ang walang hiyang lalakeng yun ng isang malutong na suntok sabay pinagsusuntok ko siya sa may bandang ribs niya, kinuha ko ang matulis na bagay--"Walang hiya kang gago ka! Pinatay mo ang pinakamamahal ko! Mahal na mahal ko si Charlene at kaya kong gawin lahat miski pumatay ng tao para lang sakanya! Gago ka!"
"Stephen!" Napatigil naman ako. Agad akong napatingin sa pintuan ng warehouse at tumambad si Charlene doon. Maayos ang itsura niya. Walang galos sa katawan. Teka, akala ko ba--Agad ko naman tinignan ang pinaghihiwa ng lalake kanina at isa palang manika na minake up-an lang para maging kamukha ni Charlene at nilagyan ng wig na katulad na katulad sa kulot na buhok ni Charlene. I was relieved. The fact na buhay si Charlene at hindi totoo na brutally killed siya pero.. wait lang.. Napalingon ako at tinanggal ng lalake yung mask niya at si..Zairus pala.
"Langhiya ka Stephen. Papatayin mo ako sa sobrang takot!" sabi niya. Lumapit naman ako sakanya at binatukan ko siya, "Aray! Letche ka. Muntik na kaya ako mamatay dahil sayo!"
"Tumahimik ka nga diyan. Alam mo namang mahal na mahal ko si Charlene tapos ganun pa ang gagawin mo, talagang mapapatay kita..." Napatigil ako. Napagtanto ko na nasa pintuan lamang si Charlene at rinig na rinig niya ako. Narinig niya ang lahat. Ang confession ko. Alam na niya na mahal ko siya. Isa isa lumabas ang mga kaibigan namin pati si ate Michelle. Oo, ate. Mas matanda siya saakin. Anak siya ng business partners ni mama at tanging ate lamang ang pagtingin ko sakanya, okay? Si Charlene lang sa puso ko noh.
"Hay sa wakas! Nakaamin na rin!" rinig kong sabi ni Lander.
"Teka, Wag niyong sabihin---Set up lang to?" Tanong ko sakanila at tumango tango naman sila. Napahilot naman ako sa sentido nila. Muntik na akong maabot sa punto na mabaliw ako tapos yun pala malalaman ko, set up lang to? "Ang tagal mo naman kasi umamin kaya ayun, We decided na gumawa ng isang plano kung saan makakaamin ka na din kay Charlene. Hindi naman kasi pwede habang buhay ay totorpe torpe ka lang noh, So ano Charlene? Anong masasabi mo sa confession ni Stephen kani-kanina lang?"
Lahat kami ay napatingin kay Charlene. Her brown eyes was wide eyed na halatang halata na nagulat siya sa pangyayari. I gulped. Ano kaya ang isasagot niya? Ire-reject niya kaya ako? Tatanggapin niya kaya ako? Kung ire-reject niya man ako ay liligawan ko siya. Hindi ako papayag na wala pang ligaw ligaw ay binasted na ako noh. Kailangan ko hindi sumuko. Mahal ko yan eh! Tapos susukuan ko? Asaness naman.
"Pag iisipan ko" Tumalikod na siya at agad agad siyang lumisan sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...