--Edited--
Third Person's Point of View
Agad agad tumalon si Stephen sa pool, Sakto naman nakita niya si Charlene, Agad naman niyang binuhat ang dalaga at parehas niyang ini-ahon ang sarili niya at si Charlene. He lay her on the cold floor at nakita niyang lumalapit na ang mga kaibigan niya. "Charlene, Charlene! Gumising ka!" Hindi pa rin nagigising ito kung kaya't wala siyang magawa kundi i-CPR ito.
Ilang minuto ay napadilat si Charlene, umubo ubo at sinuka nito ang tubig na nainom. "A-Ano nangyari?" She softly asked. Napayakap naman si Stephen sakanya ng mahigpit na mahigpit dahilan para asarin at magsihiyawan ang mga kaibigan nila.
"Yieeeee, Ang sweet naman, Nakakalanggam"
"Teka, Teka, Nasaan na ba yung camera? Picturan niyo nga tong dalawang to! Nilalanggam eh. Napakasweet!"
"Pagpasensiyahan niyo na yang dalawang yan. Nakakain ng asukal eh"
They both blushed at agad naman silang naghiwalay. Tumayo naman silang dalawa. "Asa pa noh! Sa halimaw na yan?!" They both said in unison dahilan para mas lalo pa silang asarin ng mga kaibigan nila. Tinignan naman nila ng masama ang isa't isa, rolled their eyes and both walked away. Hindi na lamang nila pinansin ang pang aasar sakanilang dalawa dahil baka sila pa ang mabadtrip.
****
"Ate, Ate, Tignan mo po ito oh! Ang cute ng ate at kuya ko noh?" Napatingin naman si Charlene sa batang babae na may hawak hawak na picture frame ng isang babae at lalake. Tingin niya ay mag syota ang dalawa at inaamin niya na bagay na bagay ang dalawa sa isa't isa. Ang ganda at gwapo kasi nila. Masyadong magaganda ang lahi pati din tong batang babae sa harapan niya.
She smiled. "Oo nga eh, ang cute nila. Sana magtagal sila"
"Talagang magtatagal sila!" Tapos tumawa ang batang babae kaya tumawa na rin siya. Bigla naman sumulpot ang isang magandang babae at binuhat nito ang batang babae. "Alice. Ikaw talagang bata ka. Ang kulit kulit mo, Lagot talaga ako sa kuya mo kapag nawala ka" Ngumiti na lamang si 'Alice'
Tinignan siya ng babae at ngumiti. "Pasensiya na dito kay Alice ha? Bibong bata talaga"
"Ayos lang. Ang cute niya nga eh" Tumango naman ang babae at agad agad na silang lumisan not before Alice saying good bye to her.
Sana balang araw ay magkaroon din siya ng anak na kasing bibo ng batang yun. Gusto niya lalake yung magiging anak niya pero ano kaya ang magandang pangalan? Luke kaya?
"Anong pinag iisip mo diyan?" Napaangat naman siya ng tingin at si Stephen pala. Umupo ito sa tabi niya. "Nag iisip lang ako ng magandang pangalan sa isang lalake"
"Luke. Ang astig pakinggan nun!"
Napangiti naman siya. "Oo nga eh, Yun ang iniisip ko. Gusto ko Luke ang ipapangalan ko sa magiging anak ko na lalake"
"Correction: Magiging anak natin"
Napataas naman ng kilay si Charlene. "Bakit naman natin? How are you sure na magiging baby natin yun? Ang assuming mo ha!"
"I'm just stating the future. Malay mo sa hinahaba haba ng prosisyon ay sa simbahan lang pala ang bagsak natin" Stephen winked habang si Charlene ay napapailing na lamang. Imposible. Imposibleng imposible talaga mangyari.
****
"Irene, Patulong naman ako sa paghugas dito oh" Pakiusap ni Zairus sakanya. Wala naman magawa si Irene kundi tumango at tinulungan ang binata sa paghugas. Kitang kita niya kung paano maghugas ito at wala sa sarili ay natatawa siya sa pinagagawa nito.
"Bakit ka naman tumatawa diyan?" She stopped. Nakatingin naman sakanya si Zairus.
"M-Masama ba tumawa?"
"Hindi naman. Natatakot kasi ako eh baka mabihag mo ang puso ko sa simpleng tawa mo lang" Banat ni Zairus and winked. Alam naman ni Irene na binibiro lamang siya ni Zairus pero sobrang lakas ng tibok ng puso niya at mas lalo pang lumalakas ng naalala niya na mabilis siyang hinalikan ng binata kanina.
****
"Hay sa wakas nakarating na rin!" ika ni Charlene pagpasok niya sa kwarto. Nilapag niya ang kanyang bag at humiga sa malambot niyang kama. Masyado siyang napagod sa biyahe kung kaya't sasarapan niya talaga ang kanyang tulog. She was about to sleep ng bumukas ang pinto dahilan para bumangon siya.
"Stephen, Ano nanaman ba ang problema mo?!" Hindi na lamang siya pinansin ni Stephen at humiga ito sa tabi niya, inagaw ang comforter niya sabay mahigpit na niyakap ang Mr. Piglet niya. "At aba dala dala mo pa si Mr. Piglet! Walang hiya ka talaga! Hoy Ste---" Napatigil naman siya ng napansin niya na mahimbing na itong natutulog.
She sighed.
Wala na siya magawa kundi hayaan na lamang ang binata. Humiga na rin siya at tinalukbong ang sarili niya sa comforter. She closed her eyes and she about to sleep ng napansin niya na parang may nag pi-picture sakanilang dalawa. They both flutter their eyes open and saw Mrs. Alonzo taking a picture of them.
"MOMMY NAMAN!"
"TITA NAMAN!"
Mukhang matagal tagal pa yata ang tulog nila....
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...