--Edited--
[Charlene]
"Hoy Charlene! Bilis bilisan mo nga ang kilos! Alalahanin mo na hindi lang ikaw ang papasok!" Napakamot naman ako sa ulo ko at mas lalo ko binilisan ang pagbihis ko. I quickly wore my socks habang abala kong hinahanap ang isang pares ng sapatos. Anak ng tofu! Nasaan na yun? Then, Sa gilid ng kama ko ay nakita ko ang isang pares ng sapatos ko. Kukunin ko na sana ang sapatos ng biglang bumukas ang pinto and it was my kuya Kenneth. Gulp.
"Walang juet ka talaga Charlene! Ano ba! Ang bagal bagal mo! BILIS!" Tumango tango naman ako. Hindi kasi ako makapagsalita dahil hawak hawak ng bunganga ko ang isang toast bread kaya binilisan ko na lang ang pagsuot ng sapatos, quickly get my bag at bumaba na. Nakita ko naman na nasa loob na si kuya sa loob ng kotse na masamang masa na nakatingin saakin. Looks like I'm going to get an earful. Ugh.
Pumasok na ako sa loob at saktong sakto na pagkapasok ko ay sinermonan na ako ni kuya Kenneth. Sabi na nga ba. Hinding hindi na ako maglalaro ng Dragon's Nest kung lagi ako nabubulyawan ni kuya ng ganito. "Ikaw talaga Charlene, Late ka na nga matulog, Late ka pa din magising! Tignan mo tuloy, Pati ako nadadamay sa pagiging late mo eh! Kapag talaga nabulyawan nanaman ako ng boss ko, Wala kang libre saakin!"
I pouted. "Kuya naman, Masyado kang harsh. Wag ka mag alala, Hindi na ako male-late bukas dahil wala naman din akong pasok bukas eh! Vacation na kaya bukas" Nakita ko naman inikot ni kuya ang mata niya and continued on driving habang ako ay inaayos ko ang necktice ko dahil mapapagalitan nanaman ako ng teacher ko, Kahit patapos na ang school ay sobrang strict niya pa rin pagdating sa uniform.
Allow me to introduce myself. My name is Charlene and I'm fifteen years old. I'm a junior student pero bukas ay hindi na dahil vacation na bukas at magiging senior na ako sa susunod na pasukan. Happy? No way. Hindi pa kaya ako ready dahil hindi ko pa alam kung anong gusto kong gawin sa buhay. Magaling naman ako mag drawing pero hindi ko pa rin talaga alam eh.
"Ikaw Charlene ha, Kahit last day na ngayon eh ay magpakabait ka pa rin. Last day na nga lang ay doon ka pa magbubulakbol. Umayos ka ha. Wala ka talagang libre saakin" I chuckled. By the way, That's my kuya Kenneth. Six years ang gap naming dalawa. He's twenty one. Isa siyang photographer sa isang sikat na magazine dito sa country at usually sa trabaho niya ay kung saan saan siyang places pumupunta, Minsan napapasama ako sa travel niya.
Matagal ng patay ang parents namin dahil daw sa isang car accident. Sa totoo lang ay wala akong masyadong maalala sa child hood ko. Sabi saakin ni kuya ay matagal ng namayapa sila mama at papa at nasa isang safe silang lugar kung saan binabantayan nila kami. Noong bata ako, Hindi ko alam kung ano ibig niyang sabihin pero pagkalaki, Doon ko na nalaman kung saan talaga sila.
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...