Sakit.
Inis.
Bwiset.
Yan ang iilan lamang na nararamdaman ni Irene ngayon. Nakatingin siya kay Zairus na may kayakap na ibang babae. Hindi pa naman sila nagbreak ah .. Bakit may kayakap na ang binata? May sinabi ba siyang mag break na sila? Ang alam lang niya ay nag away silang dalawa pero bakit ganun?
Tatalikod na lang siya at kakalimutan kung ano yung nakita niya pero biglang bumalik nanaman ang mataas niyang pride. Bakit niya hahayaan magyakapan ang dalawang yun? Ano sila, sinuswerte? Hindi siya papayag nun. Siya lang ang dapat mamahalin ni Zairus, Siya lang ang dapat yayakapin at hahalikan nito, Siya lang ang dapat dahil Siya ang may karapatan.
Agad niyang nilapitan ang dalawa. "Excusme" Tinignan siya ng mga ito at nakita niya ang gulat na mukha ni Zairus.
"Irene?"
Hindi niya pinansin ang binata at tinignan ang babae. Eto? Eto ang pinagpalit niya sakanya? Hinawakan niya sa baba ang babae. "Sino ka?" Tanong ng babae sakanya. Nginitian niya ito sabay tulak ng pagkalakas lakas.
"Ako si Irene, Ang nagmamay ari kay Zairus. Sino ka?"
"Girlfriend? Diba wala na kayo?"
"Saan mo naman nakuha yang walang kwentang information na yan? Sa utak mo? Walang kwenta nga" Lalapit sana ang babae ng sinipa ni Irene ang babae sa may bandang ribs kaya napaupo nanaman ito. Sobrang nakakatakot talaga si Irene kapag magalit. Sa sobrang takot ng babae ay agad agad naman itong lumisan habang iika ika. Kaawa awang babaita.
Humarap naman si Irene at dinuro si Zairus. "Hoy ikaw Mr. Zairus Guzman. Bakit mo yakap yakap yung babaitang yun?" Inis na inis niyang tanong. Ngumisi naman si Zairus at pinalapit ng binata ang mga katawan nila. "Jealous Ms. Irene Crystal Amparo?"
"Tumahimik ka nga! Bakit kayo magksama?"
Kumibit balikat si Zairus. "Hindi ko nga alam eh. Ang alam ko lang ay nakatayo ako dito tapos biglang yumakap yung babaeng yun at bigla kang dumating at pinagsisipa yung babaeng yun"
"Ugh! Nakakainis ka talagang lalake ka!"
"Bakit naman ako nakakainis?!"
"Ewan ko! Tsk! Pumunta nga ako dito para makipag bati tayo tapos nakakainis ka pa! I hate you talaga!" Tumalikod si Irene pero pinigilan naman ni Zairus ito. Hinawakan niya ang dalaga at niyakap ito ng sobrang higpit. "Oo na po .. Sorry na .. Bati na tayo"
"Hmp. Kung hindi siguro ako pupunta dito, Hindi ka siguro makikipagbati"
"Oi hindi ah! Dapat nga pagkatapos ko tumayo dito ay makikipagbati na sana ako"
"Utot mo blue!"
"Oo nga, promise!"
Ngumiti na lang si Irene at niyakap ng sobrang higpit si Zairus. "Wag na tayo mag aaway ha?"
"Opo. Makikipag agree na po ako sayo na mas nauna ang itlog sa manok" Then Zairus rolled his eyes.
Irene pouted. "Bakit, totoo naman ha? Saan ba nanggaling ang manok? Diba sa itlog?"
"Eh kasi naman eh! Saan ba kasi nanggaling yung manok? Diba sa itlog?"
"Mas nauna kasi ang itlog sa manok!"
"Hindi! Mas nauna kasi ang manok keysa sa itlog! Pano magkakaroon ng itlog kung wala yung pinanggalingan?!"
"Likewise. Paano magkakaroon ng manok kung walang pinanggalingan? Itlog kasi ang nauna eh!"
At Diyan nagtatapos ang storya ng dalawa na dahil lang diyan sa walang kwentang bagay na yan kaya hindi sila nagpapansinan ng ilang buwan.
Wakas.....
--
A/N: Next up is Lander and Leslie's side story :)
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...