Leslie's POV
"Pasko na pala!" Napalingon ako at halos mabato ako sa kinalalagyan ko dahil nakita ko ang pagmumukha ni Lander. He looked at me with a poker face sabay pasok sakanyang apartment. Napayuko naman ako. Alam niyo yung pinaglarong tadhana? Kami yun ni Lander eh. Pumunta ako sa America para i-pursue ang pagdo-doctor ko habang si Lander naman ay ang pagkainterior designer niya and unexpectedly, Sa parehas na apartment kami maninirahan at ang masaklap pa, Magkatabi ang kwarto namin.
Pero kahit ganun. Hindi kami nagpapansinan. We were strangers to each other. Napaupo naman ako sa corner ng terrace and sighed at inaalala ang magaganda naming moments ni Lander. Nakakamiss na siya. Our break up was unexpected. Hindi ko aakalain na lalapitan ako bigla ni Lander at makikipag break na siya.
Gusto niyo ba malaman kung pano nangyari lahat yun?
FLASHBACK
From: Lander
Mag ayos ka. Aalis tayo <3
Umaga pa lang ay nakapaskil na ang malaking ngiti saakin. Agad agad akong pumasok sa bathroom at dali daling naligo. Kung dati ay mabilis lang ako maligo pero ngayon ay soooobrang tagal ang pagkakaligo ko dahil gusto ko magpre-pare talaga para kay Lander. Pumasok ako sa silid ko at halos 30 minutes ako nakapili ng maayos na damit. I wore a soft baggy long sleeves and a short wool like skirt. It was one of my favorite skirts.
Tinali ko naman ang buhok ko sa gilid at naglagay ng konting make up and I was ready and as if on cue ay may narinig akong door bell sa bahay namin kaya dali dali ako bumaba and saw Lander standing in my door way, looking gorgeus as always.
I smiled at inayos ko ang collar niya. "Gwapo ha" Ngiti lamang ang nakuha kong ganti. He grabbed my hand at agad na kaming umalis. Unlike other couples, Hindi kami katulad nila na may sasakyan pa. Gusto namin maglakad lakad lalong lalo kapag naglalakad.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Tinignan niya lang ako at ngumiti.
I trusted him once again and he lead the way. Kung saan saan kami nagpupunta ni Lander. Sa Amusement Park, Carnival, Mall at kung saan saan pa. It was a tiring day. Our last stop was the park dahil sabi niya may fire works display daw ngayon. We were sitting at the bench habang kumakain ako ng ice cream.
"Ang ganda ng mga stars noh?" I nodded. Ang ganda nga ng mga stars. They said. Kung bibilangin mo ang stars ay baka mapagod ka dahil sooobrang rami at wala silang katapusan. I looked at Lander. Katulad ng pagmamahal ko kay Lander, Wala ding katapusan.
"I'm sorry Leslie" Napatingin ako sakanya.
"Bakit ka nagsosorry saakin?"
Yumuko siya. "Let's break up" Pagkarinig ko sa sinabi niya ay agad agad siyang tumakbo leaving me dumb founded at doon din nagsimula ang fire works display. Sa panahon na yun. Bigla ako nakaisip na --- Ang saklap naman. Fire works should be romantic. Anong nangyari saakin? Bakit nagsimbolo ng katapusan?
END FLASH BACK
"Huy Leslie!" Bumalik naman ako sa katinuan ko ng pinagsasampal ako ng kaibigan ko na si Rianna. "Oh Bakit?" Tanong ko sakanya. Shems. Ang sakit ng pagkakasampal ng babaitang to saakin ha. Hinimas himas ko naman ang nadamage kong pisngi.
"Nakatulala ka nanaman kasi!" I rolled my eyes at in-examine ko na lang yung nakuhang x-ray kanina sa isang isang pasyente ko.
"Hayyy! Ang hirap maging nurse! Buti ka pa doctor. Hindi masyado yang mahirap"
"Dugo naman utak mo kapag doctor" sabi ko sakanya ang habang nire-review ko ang mga paper works ko.
"Alam mo. Kapag lagi kang ganyan na super workaholic. Hinding hindi ka talaga magkakaboypren!" Pangaral saakin ni Rianna. I decided to be quiet. Hindi naman sa ayoko magkaboyfriend pero hinihintay ko kasi si Lander. Funny isn't? Ako. Hinihintay ko siya pero siya, hindi niya ako hinihintay. Pinapaasa ko lang ang sarili ko </3
--
"Leslie! Leslie, Darling!" Napalingon ako at yung land lady pala namin. I smiled.
"Yes Mrs. Rogers?" I asked. May inabot naman siya saakin isang plastic bag. I gave her a confused face.
"Would you be a dear and give it to Lander? I baked that for him because he was always alone. You live right next to him, am i right?" I nodded. Sinabi ko sa land lady na ibibigay ko kay Lander yung plastic bag. Talagang pinaglaruan talaga kami ng tadhana kung kailan ayoko makita si Lander dahil nga naalala ko nanaman ang pakikipag break niya saakin ay doon ko nanaman siya makikita. I sighed.
I knocked on his door at hinintay ko buksan niya ang pinto. Ginawa ko na ang lahat para kumalma pero kahit anong gawin ko ay hindi ko kaya. God. Ano banaman tong leche kong puso. I heard a loud thud at agad agad ko naman binuksan ang pinto at doon ko lang nalaman na kanina pa to bukas.
"Lander?" Agad agad naman ako pumasok ng may narinig akong ungol. Pumunta ako sa living room at nagulat ako ng nakita ko si Lander na nakahiga sa floor. "Lander!"
Shit.
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...