Hindi alam ni Leslie kung ano ba ang dapat niyang gawin. Palihim ba siyang aalis sa apartment ni Lander o mamaya maya na lang siya aalis? She sighed. Kinakabahan siya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Kung saka sakali na may sakit siyang heart attack ay baka kanina pa siya inatake sa sobrang kaba na nararamdaman niya.
Napatingin naman siya sa may kusina. Walang harang yung kusina na kurtina at wala din itong pinto kaya kitang kita niya ang pigura ni Lander na abala sa paggawa ng tsaa para sakanilang dalawa. She decided na puntahan na lang si Lander dahil kung umupo at hintayin niya ang binata ay kung ano ano ang pinag iisip niya. Mas maganda kung may ginagawa siya.
"Gusto mo tulungan na kita diyan?" Leslie want to give a clap for herself dahil hindi nagawang mautal o mabulol kay Lander. Ngumiti naman sakanya ang binata at umiling. Napasandal na lamang siya sa kitchen counter at tinignan na lang ang gwapo nitong likod. Hindi pa rin nagbabago ang likod nito. Broad at masarap sandalan. Suddenly gusto na lamang niya yakapin ito pero ... nakita na lang niya ang sarili niya na nag eye to eye na sila ni Lander.
Agad namang lumayo si Leslie and she found herself blushing furiously. What the heck she was doing? Wala sa sarili niya pala nilalapit ang binata and was about to hug him. Ugh. Nakakahiya isip isip ni Leslie sa sarili niya. She looked up and saw Lander busy preparing his tea set.
How come sobrang kalmado ng lalakeng to? isip isip ni Leslie sa sarili niya. Then napagtanto niya. Of course, sobrang kalmado ni Lander. Hindi nga naman siya mahal nito. Wala na itong nararamdaman sakanya. Kaya kahit sila pa ang natitira sa mundo ay hindi siguro ito kakabahan. How silly of her to ask that. Tahimik na lamang siya umupo sa harap ni Lander and sipped her tea.
"Masarap ba yung tea?" Lander asked. Ngumiti naman siya at tumango. "Mabuti naman at naperfect ko na rin. Lagi kasi akong pinapagalitan ni lolo dahil kalalake kong tao ay hindi ako marunong gumawa ng tsaa" She chuckled. Knowing Lander, Pinagpuyatan siguro nito ang paggawa ng tea para lamang hindi na siya pagalitan ng lolo niya. Lander is a very hard working man and she knew that.
"Kamusta ka na pala? Ang tagal nating hindi nag usap ah"
"Ayos lang naman. I finally fulfill my dream. Maging isang doctor." Ngumiti naman si Lander. Alam kasi niya na matagal ng pangarap ni Leslie ang maging doctor despite na sobrang takot nito sa dugo ay ginawa nito ang lahat para ma-overcome ang takot nito. "Eh ikaw? Kamusta ka naman?"
"Ako na ang namumuno sa company nila mama at papa"
Kumunot naman ang noo ni Leslie. "Akala ko ba ayaw mo gawin yun? Sabi mo gusto mo mag interior designer"
"Wala akong magagawa eh. Nagpupumilit talaga si mama i-take over yung company. Ayaw naman nila na kung kani-kanino kaya ayun, wala akong magawa" Wala na lang magawa si Leslie kundi manahimik na lamang. Sa sobrang tagal na nilang naghiwalay ay wala na siyang nababalitaang balita dito kaya ayun, Wala na siyang alam sa buhay nito.
Bigla na lamang tumunog ang telepono kaya agad agad namang nag excuse si Lander para sagutin lamang ang call. Tumayo si Leslie and decided na tumingin tingin sa living room nito. Sa sobrang kaba niya kanina ay wala siyang oras para tignan ang paligid niya. Dahan dahan lang siya naglalakad na tila parang nasa museum, Maraming nakasabit na pinta na ginawa ng iba't ibang artist, She smiled. Parehas nila gusto ni Lander ang painting.
"Ah shet. Ang kati kati talaga ng tenga ko" reklamo ni Leslie habang tinatanggal niya ang earrings niya. Hindi niya talaga nakasanayan na magsuot ng earrings at nagsusuot lang naman siya dito dahil pinagpipilitan siya ng mga kaibigan niya magsuot dahil mas gumaganda daw siya.
Bigla na lang nahulog yung isa niyang earring at kinamalas malasan nga naman ay kasingkulay ng earrings niya ang carpet nito. Black kasi ang kulay nito. Napakamot na lang si Leslie at wala siyang magawa kundi hanapin ito. Magagalit kasi yung kaibigan niya kapag nawala niya ang earrings na binigay nito para sakanya.
"Ah! Found it!" Kinuha ni Leslie ang earring niya at dali dali nilagay sa pocket. Napatingin naman siya sa paligid at napatingin siya sa harap. Then her jaw drop. Sa harap kasi niya ay isang malaking picture ng isang magandang babae. Nakablack and white ang picture. Maganda ang mata, matangos ang ilong at itim na itim ang buhok nito. Close up ang picture nito.
Sino kaya to? Sobrang ganda ng babae at kung titignan ng mabuti ay parang iba ang lahi nito. Napatingin naman siya sa baba at sana hindi na lang niya binasa yun. Sobra lang kasi siyang nasaktan eh.
In memories of Jeanne, The fiance of Lander.
Tignan niyo na lang sa multimedia side kung ano ang itsura ng picture na nakita ni Leslie. Ang ganda diba? Siya si Olivia Hussey. Kinuha ko yung itsura niya noong bata siya dahil currently ay matanda na :3 Oo nga pala guys. Kung sino may alam kung ano yung apelyido ng lahat ng characters ay paki comment na lang po kasi nakalimutan ko na. Huhuhu. Wala akong kwentang author ( T _ T )'' Pero kung saka sakali niyong alam ay paki PM na lang po or i-comment niyo sa comment box :3 Thankies ~
Labs Athena <3
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...