Chapter 39 *Darken Thy Storm*

97.6K 561 27
                                    

REVISED VERSION.

Michelle's Point of View

"And your name is?" Tanong ng lalake sa harapan ko habang nakalahad pa yung kamay niya. I gulped dahil nakangiti siya saakin. There were looks of envy from other girls at napayuko naman ako and I shook his hand. "M-Michelle" I said. 

"Cool" Bumalik naman siya sa pagkakaupo at tumingin tingin siya sa paligid. "Ang ganda naman ng place na to, let me guess, favorite mo to noh?" He asked at napatango ulit ako. He chuckled. "Then I guess, favorite ko na din tong place na to! Oo nga pala, since favorite mo naman tong place na to and I know na alam na alam mo ang menu dito, Mind helping me choose an order?"

Hindi ko alam pero ang lakas nang tibok ng puso ko. Hindi kaya may gusto na ako sakanya? Siguro paghanga lang to. He's nice, sweet, softly spoking at sa itsura niya pa lang ay mabibighani ka na sakanya. Ang gwapo gwapo niya kaya. I nodded at kinuha ko yung menu sa kabilang table sakanya. Tinuro ko sakanya yung iba't ibang specialty at habang nag she-share ng order ay nagtatawanan kami.

"Kuya!" Napalingon naman kaming dalawa at napanganga ako. Charlene was hugging Kenneth at tinawag niya itong kuya. I-Ibig bang sabihin na..blood related sila? Sh*t! at may gusto na ako sa lalakeng kapatid pala ng taong matindi ang galit saakin dahil sa sobrang takot ay agad agad akong tumayo at tumalikod na at minamalas ka nga naman oh. "Michelle!" He called.

Ayokong lumingon. Ayoko talaga lumingon pero hindi ko kasi mapigilan eh. I turned around and shock was written on Charlene's face. I feel her. Nakakagulat naman kasi eh. "Kilala mo ba siya kuya?" Charlene asked and I bit my lower lip. Oh please lord. Hanapan niyo ako ng paraan para makalusot sa gulo na ito.

"Yeap, She's my friend! Charlene----"

"Tara na kuya" Charlene grabbed his hand at tumalikod na sila. Wala sa sarili ay hinabol ko sila at hinawakan ko ang kamay ni Charlene. Masama niya akong tinignan then to my hand, agad niya itong sinampal sabay mahina akong tinulak. "Charlene!" Kenneth shouted.

"Wag na wag mo akong lapitan. Pagkatapos mo pinahirapan si Stephen ay ayoko na lapitan mo ako. Naiintindihan mo ba ako?"

Napaiyak ako at lumuhod ako sa harapan niya. "Ano ba ang dapat kong gawin para patawarin mo na ako Charlene? Masyado na akong nagsisisi sa pangyayari. Ano ba ang gusto mong gawin ko para mawala na ang galit mo saakin?"

"Magpa-coma ka" She said at pagkatapos nun ay tuluyan na silang umalis sa loob ng cafe habang ako ay nakaluhod pa rin at tumitingin saakin ang maraming tao.

Charlene's Point of View

"You don't need to be harsh at her Charlene. Aksidente ang pangyayari na yun kaya hindi ka dapat magbe-blame ng isang tao. You need to say sorry to her you know" panenermon saakin ni kuya Kenneth pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng kotse. I rolled my eyes. "Ano banaman yan kuya. Kakarating mo na nga lang ay sermon na ang natamo ko" pang rereklamo ko sakanya.

"Sino naman ang hindi manenermon sayo? Hindi mo ba nakita yung ugali mo kanina sa loob ng cafe? Gumawa ka pa ng scene. Ganyan ba ang tinuro ko sayo Charlene Kaye Domingo? Ganyan ba kita pinalaki?"

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon