--Edited--
[Charlene]
Kung kanina ay gustong gusto ko makita ang kuya ko. Ngayon. Ayoko na baka mapatay ko lang siya wala sa oras. Sa lahat lahat banaman ng ipapasama niya saakin sa buong bakasyon ay ang pamilya ni Stephen. Wala naman akong grudges sa pamilya niya pero sakanya, oo. I tried my best to calm down pero nang nakita ko ang ngisi saakin ni Stephen ay gustong gusto ko na tusukin ang mata niya ng tinidor.
"Oh my, Hindi ko alam na magkilala pala kayo. Kung alam ko lang ay dapat iniinvite ko kayo ni Kenneth na kumain dito sa bahay namin"
"No thanks" Me and Stephen said in unison. Tinignan ko naman siya ng masama at inikot naman niya ang mata niya as he savour his food. "Mom, Remember the rhicenorous that I'm talking you about? Well, That's her" He said and pointed at me. Naku. If looks could kill, He would be dead by now.
Dahil naman sobra din akong nahihiya sa mama niya ay ang ginawa ko na lang ay tinapakan ang paa niya, I heard him said 'ouch' kaya napangisi na rin ako sakanya, He rolled his eyes at bumalik ulit siya sa kain niya. "I'm glad that you really are good friends" Good Friends? That's sick. More like Arch enemies. Stephen's mom looked at me and smiled, "Tawagin mo na lang akong 'tita' Charlene tutal ay parang pamilya na ang turing ko sayo"
I nodded at nagpatuloy na lang sila sa pagkain. Agad naman nag excuse ang mama ni Stephen or si tita dahil may gagawin pa daw siyang paper works kaya heto ako, kasama si Stephen. Kasama ang isang demonyo sa hapag kainan. Jusko. Inang awa. Sana matapos ko tong pagkain na wala akong ginagawang masama.
I looked around their house at napansin ko na puro si Stephen tsaka ang mama lang niya ang mga nasa pictures. Nakakapagtaka, Nasaan na kaya ang papa ni Stephen? Tinignan ko naman siya at abala lang siya sa pagkain, Gusto ko tanungin sakanya kung saan ang papa niya pero nakakahiya naman, diba? Bagong lipat lang ako dito tsaka baka--
"Matagal ng patay ang papa ko, Bago pa ako sinilang sa mundong ito, Patay na ang papa ko" I bit my lower lip. Pano niya kaya nalaman yung iniisip ko? May lahi ba tong mind reader? "Alam mo Charlene, Matagal na tayong mag kaaway kaya basang basa na kita. I also know kung kailan match ang underwears mo" He smirked.
Agad ko naman tinakip ang dibdib ko. He simply rolled his eyes at umalis sa harapan ko. Tinignan ko naman siya hanggang sa makalayo siya. Alam ba talaga niya kung kailan match ang underwears ko? Hindi kaya--Alam niya yung schedule? Shet! Magbabago na nga ako ng schedule!
****
"Matagal ng patay ang papa ko, Bago pa ako sinilang sa mundong ito, Patay na ang papa ko"
Ayos lang kaya si Stephen? I mean, Bago pa siya masilang ay namatay na ang papa niya. Hindi katulad saakin na nakasama ko naman kahit papano ang mga magulang ko pero yun nga lang, Wala talaga akong maalala sa mga memories ko kasama ang mga magulang ko. Ang naalala ko lang yung pagkamatay nila.
I sighed. Nagpagulong gulong na lamang ako sa kama ko. Eto kasi ang gawain ko kapag wala akong magawa at may iniisip ako na isang bagay. Sa totoo lang, Nag aalala ako kay Stephen. Umiyak kaya siya ng kinwento ng mama niya na wala na ang papa niya?
BINABASA MO ANG
Living with Him (Revised)
HumorNOTE: Bata pa lang po ako nang ginawa ko tong story na to kaya pagpasensiyahan na lang kung makokornihan kayo. Isang babae. Isang lalake. Magkaaway. Magsasama sa isang bubong for four months. Sa apat na buwan na puro pagbabangayan lamang ang ginagaw...