Chapter 15 *Picture of You*

135K 1K 52
                                    

--Edited & Medyo Revised--

Yukina's Point of View

I was busy looking at some pictures na nakukuha ko. Mahilig kasi ako mag picture picture ng kung ano anong mga bagay mostly mga places, animals at mga things yung pinipicture ko. Konti lang ang mga pictures ko sa tao. Minsan lang kasi ako matuwa sa isang tao kaya hindi ko sila masyadong pinipicturan pero kapag natutuwa ako sa taong yun ay pinipicturan ko sila.

"Stephen, Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kahit hanapin mo pa sa lahat lahat ng folders ko diyan sa phone ko ay hinding hindi mo mahahanap ang picture mo. Wag ka ng umasa!" Napalingon naman ako at naiiling na tinitignan sila. Mukhang nag aaway nanaman kasi sila. Hindi sila yung katulad ng iba na nakakainis mag away kasi habang tinitignan mo sila ay napapangiti ka na lang at nagwi-wish na sana magkatuluyan tong dalawang to.

"Ehhhhh. Masyado ka talagang denial Ms. Pakipot! May nakita talaga akong picture ko! Kitang kita ko sa dalawa kong mata. Promise. Walang halong biro"

"Baka namamalikmata ka lang. Imposible naman na magkakaroon ka. Bakit ba pinagpipilitan mo? Feel mo naman na lalagyan ko ng picture mo ang phone ko? Wag na noh! Baka mag kavirus pa."

"Alam mo ang denial mo! Umamin ka na lang kasi na may hidden desire ka saakin!"

"Bakit naman ako aamin sa bagay na wala naman dapat akong i-aamin?" Natatawa ako sakanilang dalawa. Hindi talaga sila magpapatalo sa pagpapalitan ng sarili nilang opinyon hanggang sa magkabatuhan, magkasapakan, magkasipaan, magkabugbugan na sila hanggang sa walang magpapatalo ay hindi talaga matatapos. Fi-nocus ko ang camera sakanila and--snap--Pinicturan ko sila.

Tinignan ko ang picture nila na nagbabangayan and I smiled. Sana magkatuluyan kayong dalawa ate Charlene, kuya Stephen.

****

Pumasok kami sa isang restaurant na dati daw kinakainan ng mga magulang ko at sila tita at tito noong mga kabataan pa sila. Tinignan ko ang paligid at may ambiance ito na parang bumalik ka sa 80's kung saan simple lang yung pamumuhay at magpe-play ka lang ng isang music ay marami ng makikikanta saiyo. Umupo kami sa may gilid doon sa may non-smoking zone. Tumunog naman ang phone ni tita and she quickly excused herself.

"C.R lang ako ha" kuya Stephen said at tumayo siya and went to the comfort room kung kaya't kami lang ni ate Charlene ang naiwan. Tahimik lamang siya tumitingin sa paligid habang ako...natitibo na sa kakatitig sakanya. Ang ganda pala ni ate Charlene. Kung titignan mo siya ay mukha siyang koreana na pwede maging model ng isang sikat na magazine.

"Alam mo ate Charlene. Bagay kayo ni kuya Stephen" I directly told her.

She rolled her eyes and said, "Alam mo Yukina. Hindi kami bagay. Tao ako at siya--well--Halimaw" I smiled at her. Eto ang gusto ko sakanya. Hindi uso sakanya ang hiya hiya portion. Kung ano ang gusto niyang sasabihin ay sasabihin niya talaga kaya kung saka sakali talaga na magkatuluyan sila ni kuya Stephen ay ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

"Malay mo ate Charlene baka magkatuluyan kayo ni kuya. Hindi mo kasi pwede sabihin na basta basta lamang na hindi kayo magkatuluyan. Malay niyo gumawa ng paraan ang tadhana at kayo ang pagsamahin habang buhay"

"Kung mangyayari man yun ay magbibigti na lang ako" We both laughed pero napatigil lang kami na biglang umakyat si kuya Stephen na may hawak hawak na gitira. Umupo siya sa gitna and smiled.

****

Charlene's Point of View

Lumapit naman si Stephen sa mga instrumentals at may sinabi ito, nagsitanguan at nagsingitian sila sabay balik si Stephen sa gitna habang yakap yakap niya ang gitira. Nagsimula na sila tumugtog at nagsipalakpakan ang mga tao. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi masyadong pamilyar saakin ang kanta pero napapangiti ako dahil sobrang catchy ng tune.

Didn't they say that I would make a mistake
Didn't they say you were gonna be trouble
People told me you were too much to take
I could see it, I didn't wanna know
I let you in and you let me down
You pushed me up and you turned my whole life around
I could feel that I had no where to go
I was alone, how was I too know that..
You'll be there, when I needed somebody
You'll be there, the only one who can help me

Pumapalakpak ang mga tao kung kaya't nakikipalakpak na din kami ni Yuki. Tinignan namin ang isa't isa and we both shrugged. Hindi ko alam kung ano yung lyrics kaya pumapalakpak na lamang ako at tumatango and I was also tapping my foot. Napansin ko naman na nakangiti saakin si Stephen and I raised my eyebrow and He just smiled.

I had a picture of you in my mind
never knew it could be so wrong
Why'd it take me so long just to find
the friend that was there all along.

Alam mo yung awkward? Habang kumakanta kasi si Stephen ay para siyang nakatingin saakin. He was looking at my eyes at parang nangungusap ang kanyang mata. Gusto ko umiwas ng tingin pero wala akong magawa kundi makipalakpak na lamang and I shyly smiled at him and he just smirked.

Who'd believe that after all we've been through
I'd be able to put my whole trust in you
Goes to show you can't forgive and forget
looking back, I have no regrets cause..

You will be there, when I needed somebody
You will be there, the only one to help me

Tumayo naman siya habang tumutugtog pa rin at bigla siyang bumaba sa stage. Umiikot siya sa paligid at nakikipag apiran sa mga taong nadadaanan niya. Kung titignan ang ayos niya ay para siyang artista na akala mo ay kilalang kilala ng lahat. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumigil sa harapan ko and I heard Yuki squealing. He smiled at me.

I had a picture of you in my mind
Never knew it could be so wrong
Why'd it take me so long just to find
the friend that was there all along

You will be there, when I needed somebody
You will be there, the only one to help me

I had a picture of you in my mind
never knew it could be so wrong
Why'd it take me so long just to find
the friend that was there all along

He stood me up hanggang sa dinala niya ako sa stage at mahigpit niyang hinahawakan ang aking kamay. Hindi ko alam pero napapangiti ako sa pinagagawa niya. Bigla niyang kinuha ang phone ko at pinicturan niya kaming dalawa pero hindi lang basta basta isang picture. Pinicturan niya kaming dalawa habang nakahalik siya sa pisngi and take note: nasa harap pa yan ng maraming tao habang nasa stage pa kami.

Bigla naman siyang bumulong saakin. "Ayan. May picture na din ako at tayong dalawa sa phone mo"

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon