Chapter 13 *Happy Birthday*

137K 1K 42
                                    

--Edited & Medyo Revised--

Charlene's Point of View

I was busy stretching my body dahil kakagising ko lamang when I heard my phone ringing. I quickly took my phone and answered it, not bothering kung sino ang tumatawag. "Hello?" I said habang abala pa rin ako sa pag ii-stretch.

["Hi Bunso. Si Kuya to!"] Nanlaki naman ang mata ko at muntik ko na malaglag ang phone ko dahil for the first time ever ay tumawag saakin si kuya. My gash. Simula kasi na umalis siya ay hindi siya tumatawag saakin at bilang understanding na kapatid ay iniisip ko na lamang na busy siya.

"Oh my god kuya! Buti naman at nakaalala ka na may kapatid ka pa!"

["Hahaha! Sorry naman po!"]

I chuckled. "Bakit ka nga pala napatawag kuya? Uuwi ka na ba?"

["Nope. Marami pa kaming pupuntahan and God, Ang raming mga sobrang nakakainis na modelo dito na akala mo kung sino sila. Nakakainis! Anyways, Tumawag ako dahil gusto ko sana i-greet ka ng Happy Birthday!"]

Nanlaki naman ang mata ko. Agad agad ko naman tinignan ang calendar and Oh shetlalu! Oo nga noh! Birthday ko nga pala! "T-Thank you"

["Hahahaha! Pustahan. Nakalimutan mo nanaman yung birthday mo noh?"] I pouted kahit alam kong hindi naman ako makikita ni kuya. "Kuya naman eh! Alam mo naman ang rami kong pinag kakaabalahan dito"

["Alam mo, Ikaw lang talaga ang kilala kong tao na nakakalimutan ang birthday ko. Anyways, I need to go now bunso! Pinapagalitan na kasi ako ng boss namin eh. 5 minutes lang kasi ang break namin. Sige. Bye!"]

Magsasalita pa sana ako ng in-end call na ni kuya ang call kaya napakamot na lamang ako sa ulo . Wala naman akong magagawa dahil alam ko na busy si kuya pero masaya na din ako noh, masayang masaya despite na busy kasi si kuya ay nagagawa pa nito na alalahanin ang birthday ko keysa sa saakin.

Yung iba kaya? Naalala kaya nila ang birthday ko? Excited naman akong bumaba at nakita ko ang kasambahay nila Stephen at tita na naglilinis. Tumingin ako sa kwarto ni Stephen at wala si Stephen. Nasaan na kaya yung bruhong yun? I shrugged at pumunta ng kitchen. Ngek. Wala din si Stephen dito ah.

"Ate..." Lumingon naman yung isang kasambahay nila. "Bakit po ma'am?" Tanong niya.

"Nasaan po si Stephen at tita? Wala yata sila dito eh"

"Ay si ma'am po ay may business meeting po kaya kaagad umalis. Pinapasabi niya po sayo na Happy Birthday. Happy Birthday din po ma'am!" Napangiti naman ako at agad akong nag thank you.

"Si Stephen po?"

"Kasama ang barkada niya daw po. Mamayang gabi po siguro sila makakabalik" Tumango tango na lamang ako sabay alis. Hindi man lang nag iwan ng happy birthday yung bruhong yun. Nakakainis. Teka, Bakit nga ba ako naiinis? ano naman ang pakealam niya saakin? Ay ewan! Tinawagan ko na lamang si Tracey. Itre-treat ko na lang sila tutal ay birthday ko.

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon