Chapter 26 *Boracay + Awkward + Secret Feelings*

120K 757 27
                                    

--Edited & Revised--

Charlene's Point of View

Bumaba naman kaming lahat sa van. Ako ang pinakahuling bumaba sa van dahil medyo matamlay pa ako dahil kakagaling ko lamang sa lagnat at isa pa ay medyo marami ang dala ko. Isang backpack para sa mga sapatos ko, Isang backpack para sa mga libro ko at isang maleta para sa mga damit ko. Nakita ko ang mga kasama ko na nagkanya kanya na sa pagpi-picture sa tanawin. Currently, Nasa Boracay kami dahil gaganapin ang engagement nila Tracey at Leo at inimbitahan kami ng mga magulang nila. Kasama ang mga magulang namin, well sakanila...Si tita kasi ay nasa America, sinamahan si Yuki dahil aayusin lang daw ni Yuki yung mga papeles niya para makapag aral daw siya sa Pilipinas.

Mahigit one week daw kami dito sa Boracay dahil gaganapin ang engagement mga Sabado kaya limang araw para magpre-pare ang lahat para sa engagement. Grabe. Iba na talaga kapag mayaman kahit batang bata ka pa ay ipapa-engage ka. Buti na lang ay hindi ako mayaman kaya nararanasan ko ang maging malaya at malaya din akong piliin ang taong mamahalin ko. I bitterly smiled. Oo nga pala, Malaya nga ako pumili ng taong mahal ko pero kahit kailanman ay hinding hindi makikita ng mga magulang ko kung sino ang pinili ko. Bigla naman may umagaw ng maleta ko. I turned around and Stephen was holding my luggage habang dala dala niya yung malaking back pack niya.

"Wag ka nga masyadong mag space out diyan. Mukha kang shunga!" Instead na mainis at sigawan siya pabalik ay tinignan ko lamang siya sabay napakamot sa ulo. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang i-aakto ko sa harapan ni Stephen. Simula kasi nang inalagaan niya ako habang may mataas akong lagnat ay nagbago ang impression ko sakanya na sa likod ng pagiging mapang asar niya at mahilig siyang mang bwiset saakin ay may mabuti din siyang puso. Nalaman ko sa mga katulong sa bahay na buong araw ay nasa tabi ko lamang siya. Minsan pa nga siya ay nagpapakain saakin sabay nagpapatulog saakin kapag hindi ako makatulog. Sa totoo lang, Wala akong maalala sa pangyayari dahil iba kasi ako magkasakit parang nagkakaroon ako ng amnesia kapag nagkakasakit ako at hindi ko maalala kung anong ginagawa ko habang nagkakasakit ako.

I caught Stephen staring at me. "Bakit ka nakatingin saakin?" I asked.

"M-Masamang tumingin? Bahala ka nga diyan!" Mas lalo niyang binilisan ang paglalakad niya kung kaya't nauungusan na niya ako. Wala naman akong balak na habulin siya. Matamlay ako ngayon at wala pa akong lakas. I'd rather walk than start a new competition with him na alam ko naman na ako lamang ang matatalo. Simula ng inalagaan ako ni Stephen ay nagiging distant na si Stephen saakin. Konting lapit ko lamang sakanya o konting hawak ko lang sakanya ay grabe grabe siya mag react tapos kapag kinakausap niya ako ay nabubulol siya. Hindi ko alam kung anong nangyari noong nagkasakit ako pero kung ano man yun ay hihingi ako ng sorry. Ngayon lang ako aamin pero medyo namimiss ko na kasi ang away namin ni Stephen. Yung bangayan namin na sa huli ay wala namang mananalo. Namimiss ko na yun.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa rest house na titirhan muna namin ay nakita kong nakatuon ang mga attention nila saakin. "Bakit? May problema ba?" Tanong ko sakanila. Nagulat naman ako ng hilain ako ni Stephen palapit sakanya. I gulped. Masyado siyang malapit saakin. He was staring at me, staring at my dark brown orbs na parang kinakabisado niya ang mga feautures ko. Malakas din ang tibok ng puso ko. Namamawis rin ako. Am I nervous? or scared dahil hindi ko alam kung anong balak ni Stephen? Dahil wala talaga siyang balak na bitawan ako ay ako na ang unang bumitaw pero hinawakan nanaman ako ni Stephen. "Ano ba Stephen. Wala akong lakas para makipagbangayan sayo" Naiirita kong usal sakanya.

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon