Chapter 27 *Jealous?*

113K 681 24
                                    

--Edited & Revised--

Charlene's Point of View

May nararamdaman akong kakaiba. Sobrang kakaiba talaga. Hindi ko siya kayang i-explain. Nagsimula yun pagkagising ko ng umaga. Exactly 8:30 A.M. I decided na maglakad lakad tutal ay maganda naman yung panahon. Habang naglalakad ay nakita ko si Stephen--na may kasamang babae. Sa itsura pa lang ay mas matanda ang babae keysa sakanya kaya ang isip isip ko ay baka kakilala lang ng pamilya niya yun o ni tita kaya hindi ko na lamang sila pinakaelamanan at bumalik sa paglalakad.

Pero hindi eh. Lunch time naman yun. 12:35 P.M. Buong umaga kasi ay nasa kwarto lamang ako at naglalaro ng PSP games or nagbabasa ng Divergent. Pagkalabas na pagkalabas ko sa room ay nakita ko nandoon yung babae na kasama ni Stephen kaninang umaga. Nagkaroon ako ng close up sa itsura niya. Mahaba na medyo wavy ang buhok niya, Naka make up siya pero hindi naman masyadong makapal, Matangos yung ilong niya at may pagkasingit yung mata niya. Tinignan niya ako saka ngumiti habang ako ay nakatingin lamang sakanya. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang reaction ko.

Buong lunch ay nakasilent mode lamang ako. Masyado akong OP. Sila kasi may kanya kanyang partners habang ako...wala. Pagkain lang ang partner ko. Napatingin naman ako kay Stephen at abala siya sa pakikipag usap sa babaeng kasama niya. Masaya sila nag uusap na katulad ng mga iba ko pang kasama, May sarili din silang mundo. Napahigpit naman ang hawak ko sa tinidor. Hindi ko alam pero parang ang sarap tusukin yung mata ni Stephen dahil grabe siya makatitig sa babaeng yun. Maganda naman yung babae eh. Maganda naman.

"Ayos ka lang ba Charlene?" Tanong saakin ni Tracey.

Napaluwag naman ang hawak ko sa tinidor. Ngumiti naman ako at tumango. "Ayos lang ako. Bumalik na kayo sa sarili niyong mundo. Hayaan niyo na ako" I said. Tumango lamang sila sabay balik sa pinag uusapan nila. I sighed. Ano ba ang pinagagawa ko? Hindi ko gets. Bakit bigla bigla na lang ako makakaramdam ng irita sakanilang dalawa? Dati naman--wala lang saakin yun eh. Anong nangyari ngayon? Bakit ganito ang nararamdaman ko? I shook my head. Mali. Imposible naman na magselos ako sa babaeng yun noh. Imposibleng imposible talaga na magkagusto ako kay Stephen at.....ganun din siya saakin. Imposible talaga.

Siguro naiirita lang ako dahil grabe kung makatitig si Stephen sa babae na parang hinuhubaran na niya? Oo. Tama. Naiirita lang ako dahil parang wala ng respeto si Stephen. Tumayo na lamang ako at umalis na lamang. Eto na siguro ang oras para magliwaliw. Sa sobrang pagkulong ko sa kwarto ay kung ano ano ang iniisip ko at nararamdaman ko.

Akala ko matatapos ko na yung nararamdaman ko. 4:00 P.M. Habang nagliliwaliw ay nakaramdam ako ng uhaw kaya bumili ako ng buko juice. May nakabangga akong isang babae. Medyo nabadtrip ako dahil kakabili ko pa lang ng juice (sayang kaya sa pera) tapos sarap na sarap pa ako habang iniinom ko yun. "Sorry..sorry..sorry" Patuloy na sinasabi ng babae saakin. Kinuha ko naman yung binigay niyang panyo at pinunas punas ko yun sa t-shirt ko. Naman oh. Favorite ko pa naman to.

Tumingala naman ako at tuluyan na yata akong nabadtrip na tumambad ang pagmumukha ng babae na nasa harapan ko. "Uy, Ikaw yung kanina, diba? Yung kakilala ni Stephen" I forced a smile. Wow. Hanep. Kailan ako naging kakilala ni Stephen? Ang alam ko--Ako ang mortal na kaaway niya slash kasama niya sa bahay slash kasama niya sa kwarto. Just wow.

"Yeah. Ako nga"

She held out her hand. "Ako nga pala si Michelle. Michie na lang" Michie? Psh. Korni dude. Tatanungin ko sana kung kaano ano niya si Stephen when---"Sige, Una na ako ha. Nag CR lang kasi ako eh. Pupuntahan ko na si Stephen. Byee" She smiled at me at tuluyan na siyang nag walk out sa harapan ko leaving me dumbfounded. I bit my lower lip. Hindi ko talaga alam kung bakit naiinis na ako sa babaeng yun. Wala naman siyang ginagawa saakin pero naiinis ako sakanya!

Hindi kaya, Naninibago lamang ako dahil mas pinapansin siya ni Stephen keysa saakin?

****

"Ang sabihin mo ay nagseselos ka lang. Naninibago ka diyan" Irene said.

Tinignan ko naman si Irene. "Seriously? Ako? Magseselos? Bakit naman ako magseselos sa babaeng yun?" Mas maganda ako sa babaeng yun. Mas maputi at makinis ako sa babaeng yun. Mas sexy ako sa babaeng yun. Mas nakakaamo ang mukha ko sa babaeng y---Wait. Why do I sound so bitter? Ughhh.

Binigyan naman ako ni Irene ng makahulugang ngiti at tingin. "Oy. Anong iniisip mo ha? F.Y.I. Wala akong gusto sa lalakeng yun ha!"

"May sinabi ba ako na may gusto ka sakanya?" And that shut me up. She laughed. "Hay nako! Tama nga naman ang kasabihan. Nahuhuli ang isda sa sariling bibig or--yun nga ba talaga?" I rolled my eyes. Minsan may pagkaloka loka din tong babaeng to despite sa pagiging seryoso niya sa buhay. Tumayo naman siya at pinagpag ang sarili then patted my shoulder. "Tip ko lang sayo Charlene. Bawas bawasan din ang pagiging walang pakealam sa mundo ha? Magpatanggal ka na din ng anesthesia, ginagawa mo yatang dugo yan eh" Then umalis na siya.

Kumunot naman ang noo ko. Ano naman ang ibig niyang sabihin? Napailing iling naman ako. Sinasabi niya bang manhid ako? Bakit naman ako magiging manhid? Luh. Naloka na talaga siguro yung babaitang yun.

Tumingin na lamang ako sa langit at minasdan ang mga ulap.

Hindi kaya tama si Irene at nagseselos nga talaga ako?

-----------------------------

A/N: Michelle/ Michie on the multimedia side! :)

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon