Azi's POV
"Hey Kuya!" napabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Marsie.
"Ano!?" inis na tanong ko.
"Galit agad? Tulaley ka kase diyan! Anong problema? Pababae ba?" naiintriga niyang tanong.
"Ikaw Marcelito tigil tigilan mo nga ako!" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain ng almusal.
"It's Marsie kuya–MAR-SIEEEEE! kadiri to! Marceli–yuckkk!" may pa nginig nginig pang nalalaman kaya natawa ako.
Marcelito ang real name niya, yes he's gay and wala nmn sakin yun. Tatlo silang anak ng adoptive parents ko. Oo alam kong ampon ako simula kase ng magkaisip ako sinabi na nila iyon para hindi na mahirap tanggapin kapag lumaki ako ng di ko alam yun.
Hindi nila alam ang biological parents ko kase nakita na lng daw nila ako sa tapat ng gate nila nung gabing yun, eh hindi pa sila nag kakaanak noon kaya inampon na lng nila ako.
Thankful ako sa pamilyang to kase di nila pinaramdam na ampon ako, di katulad ng ibang pamilya, sarili nilang anak pa yung binubugbog at pinapahiya sa lahat ng tao.
"Nasaan nga pala sila mommy, kuya?" tanong ng bunso namin si Mica, 7 years old siya.
"Nagpunta na ng work sila mommy, baby." nakangiti kong sagot bumawi naman siya ng ngiti at saka tumango sakin bago nagpatuloy ng pagkain.
"Oh ikaw Tricia?" tawag ko sa sumunod sakin.
"Yes?" sagot niyang nang di tumitingin dahil abala sa cellphone niya.
"Itatabi mo yang cellphone mo o kukuhanin ko yan? Nasa harap ka ng pagkain tapos iyan inaatupag mo" kalmado kong saway sa kaniya.
"Eto na nga sabi ko nga" na lamang naisagot niya.
Nang matapos kaming kumain lumabas na kami ng bahay at sumakay sila sa kotse ko. Ako pa lng ang may kotse sa kanila kase nasa right age naman na ako.
"Gusto ko na din ng kotseeee!" naghihimutok na sabi ni Tricia.
"18 ka na ba?" tanong ko.
"Hindi" maikli niyang sagot.
"Exactly" nakangiti kong sabi
"Yeah right" napabuntong hininga na lng siya.
Una kong hinatid si Marsie at Mica sa school nila bago si Tricia, magkaiba sila ng school dahil high school na si Tricia. Ako naman dumeretso na sa La'Vuerde University na pinapasukan ko.
Pagkapark ko sa parking lot ng University ay agad akong lumabas. Papasok pa lng ako ng gate ng tawagin ako ng Best friend ko.
"Oh?" bored kong tanong ng makalapit siya.
"Sungit naman neto, meron ka ba?" pang aasar ni Prince, natigilan naman siya ng makitang seryoso lng akong nakatingin sa kaniya.
Naglakad na kaming dalawa papasok, sumalubong naman samin ang isa pa naming kaibigan, babae siya at sobrang kalog!
"Heyowww wazzap madlang dabarkadssss!" nag-act pa siya na nagfi-fliptop.
"Hindi ko talaga maintindihan bakit Scarlet ang pinangalan sayo hindi naman bagay" humawak pa si Prince sa baba niya nag-act na nag-iisip.
"Hoy! Maganda daw kase ako kaya Scarlet name ko no!" nagflip flip hair pa si Scar.
"Ngek!" sagot naman ni Prince.
Hindi ko na lng sila pinansin at nagtuloy tuloy papasok ng room namin. Wala pa namang teacher kaya nagkakagulo na nmn mga kaklase ko batuhan ng papel, may naghahabulan, may naglalagay ng make up ang mga babae, may nakanta sa unahan na akala mo'y nagco-concert.

BINABASA MO ANG
OBSCURE
Terrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...