CHAPTER 20: Three Queens

29 4 0
                                        

Aztral's POV

"Ginoo..." nagising ako sa pagtawag ng katulong dito sa palasyo ng mga diwata.

Bumangon ako at kinusot kusot ang mga mata ko.

"Bakit?" tanong ko sa katulong.

"Kakain na po." magalang na sabi ng katulong at tumango naman ako.

Lumabas ang katulong at sumunod naman ako. Maraming pasikut sikot ang palasyo bago kami makarating sa silid ng  hapag kainan ng palasyo. Nang makarating kami don ay nakita kong nakaupo na si Kleyries at Era.

Umupo ako sa katabi ni Kleyries at Era. Dumating si Reyna Khyrietty at may kasamang dalawang napaka gandang babae na may suot suot ding naggagandahang korona. Ang isa ay nakangiti sa amin, ang isa ay seryoso at halata ang pagkasungit at si Reyna Khyrietty na nakangiti ngunit bakas ang seryoso.

"Nakapagpahinga ba kayo ng maayos?" bungad sa min ni Reyna Khyrietty.

"Ayos! Napaka lambot ng kama!" masiglang sagot ni Kleyries.

"Matuto kang gumalang taga lupa!" saway ng masungit na babae na tinaasan naman ng kilay ni Era.

"Matuto ka ring gumalang diwata." mataray na sabat ni Era.

"Bakit ako gagalang sa hamak na taga lupang iyan?" mataray na tanong nung babae.

"Bakit? Bakit mo nga naman igagalang ang susunod na reyna nang mga manananggal na mas mataas ang antas ng lahi nila kesa sa mga diwata?" nakangisi at nakataas ang isang kilay na tanong ni Era at napatingin naman ako sa kausap nito na namumutla pero mataray parin ang itsura.

"khyriotty tama na yan." saway ni Reyna Khyrietty sa tinawag niyang Khyriotty.

"Nagsusungit na naman kase." inismiran pa ito nung nakangiting babae kanina "Ako nga pala si Khyriatty." tumungo pa ng bahagya yung nagpakilala na Khyriatty.

"Ako naman si Shiera, half human-half apwak." yumuko saglit si Era at tinaasan ng kilay si Khyriotty.

"Ako si Kleyries, susunod na reyna ng mga manananggal." yumuko din si Kleyries.

"Ako naman si Aztral, the ash smoke." hindi ko na kailangan sabihin ang pagkatao ko tanging iyong mga salita lamang ay sapat na para kilalanin ako.

"Totoo? Isa ka sa kambal?" nakangiting stanong ni Khyriatty at tumango ako at siya naman ay tumili ng bahagya.

"Khyriatty! Maghunos dili ka nga nakakahiya sa mga bisita." saway naman ni Reyna Khyrietty.

Hindi na muli nagsalita ang isa sa amin at nagpatuloy sa pagkain. Maya maya ay may napansin akong umaangat na tubig mistulang bola ito at patungo sa ibabaw ng ulo ni Khyriotty. Luminga linga ako sa paligid at nang makakita ng kakaibang payong ay gamit ang bilis ko ay kinuha ko ito at bago bumagsak yung tubig sa ulo ni Khyriotty ay naibuka ko ang payong sa ibabaw niya.

Lahat sila nagulat sa biglaang pagkabasa at sa matunog na pagbukas ng payong. Gulat namang napatayo si Khyriotty at tumingin sa paligid na mistulang may hinahanap.

"Lalabas ka o gagamitin ko ang kapangyarihan ko para mapalabas ka!?" malakas na sigaw ni Khyriotty habang palinga linga sa paligid.

Maya maya ay may bumubungisngis na batang lalaki ang lumitaw sa ere at naka suot ito ng damit na kulay asul at mahahaba ang tenga nito. Naglaho ito na parang may naiwan na mga bula at lumitaw sa hindi kalayuan.

"Sayang naman yon! Ikaw kase bakit mo sinalag." natatawa paring sambit ng batang lalaki.

"Zaffiro! Ilang beses kong sasabihin na tigilan mo ang mga kalokohan mong iyan habang nakain kami?" ma-awtoridad na tanong ni reyna Khyrietty.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon