CHAPTER 26: We meet again

29 3 2
                                        

Aztral's POV

"Mamaya na ang blood moon, anong plano mo?" tanong ni Era ng makalapit siya sa akin.

Nandito ako ngayon sa garden ng bahay namin, gabi na at nagpapahinga na yung apat na clone ko sa kwarto ko at si Kleyries sa guest room doon niya kasama si Era.

Dito muna sila pansamantala hanggang sa matapos ang gulo sa pagitan namin ni Eztral.

"Makikipag kita ako at magtatago lang muna kayo sa tulong ni Hasley alam ko namang tuso ang kapatid kong yon malamang na may mga alagad na yon." nagkibit balikat pa ako.

"Well, tama ka naman diyan." bumuntong hininga pa siya.

"Oo nga pala, bakit hindi ka pa nagpapahinga? Mamaya lang eh tiyak na mapapagod kayo/tayo." tumingin muna ako sa kaniya bago tumingin sa langit.

"Hindi ako makatulog eh." nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin din siya sa langit.

"Edi maghanda na tayo." tumayo ako at hinintay siyang makatayo bago pumasok sa bahay.

Naging abala kami ni Era sa nagdaang oras sa pag ayos ng mga gamit nila. Bumaba din si Azer at Azi dahil nagising daw sila kaya nakitulong na lang sa amin.

Habang nag aayos kami ng gamit ay napansin ko ang kakaibang kilos ni Azer at Azi kaya napakunot ang noo ko at humarap sa kanila.

"Anong meron sa inyong dalawa?" tanong ko sa kanila.

"H-ha?" sabay na tanong pa nung dalawa.

"Ano kako meron sa inyo, bakit kayo ganiyan?" nagtinginan pa yung dalawa na parang nagtuturuan pa kung sino ang magsasalita.

"Ahh-ehh i have this feelings na may traydor eh." sagot ni Azer ba ikinakunot ng noo ko.

"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Hindi kase matukoy ni Azra kung sino basta may traydor, magaling lang siya magtago at nandito siya ngayon ramdam ko nasa paligid lang siya." nagkatinginan kami ni Era sa sagot naman ni Azi.

Pinakiramdaman ko ang paligid at may naramdaman akong presensya sa labas ng bintana at kanina pa nakamasid sa amin. Sinusubukan kong tingnan ang mukha niya pero purong itim lang ang katawan niya hindi matukoy kung anong nilalang ito.

Nang mapansin niya ako ay parang bula na lang itong nawala.

"Paanong traydor eh nilalang iyun na purong itim lang." bumaling ako kay Azer at Azi na nagkibit balikat lang bago nagtuloy sa ginagawa nila.

Nakakunot ang noo ko habang nag aayos ng gamit. Ilang minuto pa ang itinagal namin bago matapos. Ginising na ni Azi sina Azair at Azra, ginising naman ni Azer si Kleyries.

Nang makababa sila ay tinipon ko na sila at ipinaliwanag na naman ang gagawin namin.

"Tawagin mo si Hasley." utos ko kay Kleyries at sinunod naman niya.

Nagpapaliwanag ako ng pumasok si Kleyries na kasunod si Hasley, nakatingin kaming lahat kay Hasley habang nag aayos ng suot niyang gown.

Nang matapos sa pag aayos si Hasley ay tumingin siya sa amin at agad na napa atras ng mapatingin siya sa harapan.

"Hala..." gulat siyang nagpapapalit palit ang tingin sa aming lima kabilang don ang apat na clone ko.

"Hiii! I'm Azer!"

"I'm Azi."

"Hi, Azair here!"

"Hi, I'm Azra."

Isa isang nagpakilala ang mga clones ko kay Hasley na litong lito parin.

"They're my clones." ako ang sumagot at napatingin naman sa akin si Hasley.

"Wait-eto na–okay na nag sink in na sa utak ko." nawala ang lagkalito sa mukha ni Hasley.

"Kasama rin natin sila."

"May powers din sila rightt?" parang excited na tanong ni Hasley.

Nagliwanag ang mga mata nung apat at lahat sila umangat sa ere. "Kapangyarihan yan ni Azi." sabi ko. Nagliyab naman ang buong katawan ni Azer "Si Azer." bumaba naman sa sahig yung apat lahat sila ay binuhat ni Azair ng walang kahirap hirap. "Si Azair." matapos yun ay nakangiting humarap sa amin si Azer, Azra at Azair maliban sa nakaseryosong mukha ni Azi.

"Eh ano naman dun sa pink ang buhok?" tanong ni Hasley.

Lumabas si Azra at nang bumalik siya ay may dala nang ahas, napa atras naman si Hasley dahil sa malaking ahas na dala ni Azra.

"I can hipnotize, kahit sinong gustuhin kong mahipnotize." nakangiting sabi ni Azra bago nagsimulang kumanta.

"Ang ganda ng boses." komento ni Hasley.

Inilapag ni Azra ang malaking ahas sa sahig "Umakyat ka sa lamesa." utos ni Azra na mabilis na sinunod ng ahas at umakyat sa lamesa "Patayin mo ang sarili mo." pagkasabi ni Azra non ay bumuka ang bibig ng ahas at kinagat nito mismo ang sarili niya bago ito unti unting namatay.

"Sweet but psycho." komento ulit ni Hasley.


Nag usap usap at sinabi ko na din kay Hasley ang gagawin na mabilis naman nitong nakuha. Siya na lang daw mismo ang magsasabi kay Aquashia, Shyrina, Silvana at Zakhario ng plano.

Lumabas na kami ng bahay, si Kleyries at Era ay iba na ang suot pero ako at mga clones ko ay pambahay parin ang suot.

Bumalik na din si Hasley sa mundo nila at sasabihan na maghanda na ang apat na kasama niya. Naglakad kami hanggang sa makaabot kami sa malawak na gubat. Ang dilim dito at napaka tahimik ng gubat.

"Pumunta na kayo sa pwesto niyo." utos ko at isa isa na silang umalis sa likuran ko.

Nang makasiguro ako na naka pwesto na sila ay naglakad na ako papunta sa gitna ng gubat. Nang makarating sa gitna ay tumayo lang ako dito at hinintay siya.

Maya maya ay nakikita ko na si Eztral sa malayo at maya maya ay nandito na siya sa ilang dipang layo sa harapan ko.

"We meet again, my dear brother." nakangiting bati sa akin ni Eztral na halatang peke.

"So fake." nakangiwi kong sagot sa kaniya.

"Grabe naman maka fake to." natatawang sabi ni Eztral.

"So ano pang tawag sayo? Made in china?" tanong ko.

"Tingnan mo to! Nandamay ka pa ng iba tsk tsk–ano kailangan mo sa akin?" maangas na tanong sa akin ni Eztral.

"Ibalik mo sa akin ang kapangyarihan ko." seryoso kong sabi na ikinatawa naman niya.

"Ano ako tanga? Para ibalik sayo? Asa ka." nag-make face pa si Eztral.

"Alam ko naman na hindi mo ibibigay akala ko papairalin mo yang katangahan mo eh." may pang aasar sa boses ko.

"Eto nga pala." may inilabas na kwintas si Eztral at may pendant ito na katulad ng crystal na hawak noon ni Zakhario "Eto ba kinukuha mo noon?" nakatingin lang ako kay Eztral habang nagsasalita siya "Opps!" dinurog niya iyon gamit ang isang kamay niya "Ay nabasag." kuwari'y malungkot na usal niya bago tumawa ng tumawa.

"Para kang baliw." bored kong komento sa kaniya na ikinatigil niya ng tawa.

"Bakit ganiyan ka? Iyun na lang pag asa mo na makalaban sa akin paano na yan? Eh basag na kawawa ka naman." tumawa na naman siya.

"Pake alam ko diyan?" napatigil na naman sa tawa si Eztral.

"Pretending?" nakangising tanong ni Eztral.

"Bakit ako magpe pretend eh nasa akin yung tunay na crystal?" nagkibit balikat pa ako at kita naman sa kaniya ang pagkainis bago nagbago ang itsura niya na kagaya nung itsura niya nung makuha niya ang kapangyarihan ko.

Nilabanan ko ang mga titig niya at binago din ang itsura ko at inilabas ko din ang ginto kong pakpak at kita ang gulat sa mukha ni Eztral.

Nagliliwanag din ang mata ko bago kami naglabanan ng tingin ni Eztral.

"Patas na ang laban." nakangisi kong sabi.

...

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon