"Era sumama ka kay Zakh." Utos ni Shyrina kay Era at tinanguan naman ni Era habang natakbo sila.
"Eh paano ako?" Tanong naman ni Aquashia.
"Malamang sakin ka sasama ano pag iisahin niyo ako?" Pagsusungit ni Shyrina.
"Joke lang! Eto naman masiyadong mataray" natatawang sabi ni Aquashia na inismiran naman ni Shyrina.
Naghiwalay ng direksyon sila Shyrina, Aquashia at Era, Zakhario. Tumigil lang nang takbo sil Shyrina ng makitang parang kanina pa naghihintay sa kanila ang mga kalaban nila.
"Tagal niyo naman jusko!" pagtataray nung nasa gitna.
"Sinabi ba namin na maghintay kayo?" Sabat naman ni Shyrina.
"Hinde, pero ang bagal niyo padin!" ani nitong katabi nung nasa gitna.
"Kung sana umuwi na kayo edi sana hindi kayo nainip ang boba ha" umikot pa ang mata ni Shyrina.
"Attitude ka gorl?" Mataray na tanong nung nasa gitna.
"Hindi ako attitude! Ganda lang!" Nagflip hair pa si Shyrina.
"Ay bet!" pag sang ayon naman ni Aquashia.
"So kami?" Tanong nung nasa gitna.
"Syempre ano pa ba edi panget!" Pagkasabi non ay agad nagtawanan silang dalawa ni Aquashia pero agad ding natigil ng mabilis silang umilag dahil sa paparating na malalaking tinik.
Agad silang napatingin sa mga kalaban nila at napatuon ang mata nila sa hawak na itim na rosas nung naka itim.
"Oh bat kayo natigil ng tawa?" nakangising nitong tanong.
"Eh paano kami hindi mapapatigil balak mo pa kaming patamaan niyang tinik ng rosas mong... what's that? black rose? ohh i have that too!" Inilabas ni Shyrina ang itim na rosas na kumikinang "With diamonds in it as a glitters, sosyal nooee? di mo afford low budget yata manager mo" nagtawanan na naman silang dalawa ni Aquashia habang yung nasa gitna ay galit na galit na.
"Baket? Ikinalakas mo ba yan?" Nakangising tanong nung nasa gitna habang nalalaro ng bahagya ang itim na rosas na hawak niya.
"Great question! Mmm! Ako pa ba? ganda to eh!" Hinarap ni Shyrina ang rosas na hawak niya at pinitik ang tinik nito diretso sa isa sa mga kalaban nila at agad itong nalusaw, gulat ang mga kalaban nila at siya naman may ngiting tagumpay.
"What kind of spell you used?" Gulat paring tanong nung nasa gitna.
"Anong spell? lol! walang spell spell because anything i want to kill i can kill because i'm the fairy of death! bago yonn! Ngayon niyo lang mababasa yon!" Pagkasabi non ay agad umangat sa ere si Shyrina at nawala ang emosyon sa mukha nito at naging puros itim lng ang mata nito.
naalarma ang mga kalaban nila at nagtipon tipon sila, umangat din sa ere ang nasa gitna at parang may usok na itim ang umaaligid sa kaniya.
Si Aquashia naman ay ikinulong sa isang bula ang ibang kalaban nila. Umuusal ng mga hindi niya maintindihan na salita. Unti unting nababasag ang bula na ginawa ni Aquashia, inihanda niya ang sarili niya sa pagsugod ng kalaban niya nang masira ang ginawa niyang bula.
Inilabas niya ang espada niya at nakipaglaban sa mga uri ng aswang yung iba ay mga mangkukulam. Espada dito espada doon yan ang ginawa ni Aquashia sa nakalipas na minuto. At napansin niyang parang hindi nababawasan ang kaniyang kalaban.
Luminga linga siya at nakita ang isang babae sa ilalim ng puno nakapikit ito habang patuloy ang usal ng ibang salita.
"Kaya naman pala, humanda ka sakin bruha ka."
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Korkumatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...
