Azi's POV
"Hindi nga? Magkapatid kayo?" nagpapalit palit ng tingin ni Era sa aming dalawa ni Prince na magkapatid.
"Oo nga." nakangiting sagot ni Prince sabay akbay sa akin.
Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno na pinagtayuan namin ng tent kagabi, kakatapos lng namin ngayon magbungkal ng lupa sa malawak na parte ng gubat na walang mga puno.
Bukas pa daw makakadating yung ibang puno na itatanim namin pero ngayon ay konti pa lng ang natatanim, bukas 3rd day of school mission namin ay tatapusin na lahat ng pagtatanim, sa huling araw naman ay wala ng gagawin dahil hahayaan daw kami ng school mamasyal ng buong araw dito sa mall basta bago daw mag 4pm ay nandito na at kailangan ng umuwi.
"Kung sabagay medyo magkahawig nga kayo lalo na sa mata." napatango tango pa si Era habang pinagmamasdan kami.
Napatingin ako kay Prince at humarap naman siya sa akin, pinagmasdan ko yung mata niya at oo nga parehas kami.
"Oo nga ba't di ko napansin yun." sang ayon ko sa sinabi ni Era.
"Oh edi gwapo din ako?" napatingala pa si Prince at parang damang dama pa.
"Medyo, mas gwapo pa rin si Azi." sabat naman ni Scar.
"Hala bakit medyo?" parang batang reklamo ni Prince tas tumingin sa akin "Hindi ako gwapo?" nakapout pang sabi ni Prince sa akin, natatawa kong ginulo yung buhok niya.
"Of course not! Gwapo ka katulad ko." sabi ko sa kaniya at humarap naman siya kay Scar na nagmamayabang ang itsura.
"Oh ano? Gwapo daw ako!" hinampas pa ng dalawang beses ang dibdib niya, nagmamalaki.
"Oo na lng!" nag-snob pa siya kay Prince.
"Iniisip ko lng." napatingin kami kay Era ng magsalita siya "Sino mas matanda sa inyo?" napatingin naman ako kay Prince.
"Uhm si Azi." sagot ni Prince "The day after his birthday is my birthday." nakangiting sagot niya.
"So, Kuya mo siya." sabi ni Era at tumango naman si Prince.
Nakangiti ako habang pinapanood silang magkuwento, akalain mo yun ng dahil sa pagsama ko dito nakilala ko ang kapatid ko at nakilala ko ang totoong sila at higit sa lahat lalong naging close sa amin si Era dahil sa nangyari.
"Oy, Mah brother! Baka naman matunaw yan sa kakatitig mo." bulong sa akin ni Prince, napakurap kurap ako sa sinabi niya.
"H-ha?" tanong ko.
"Kako baka matunaw yan kanina ka pa nakatitig diyan eh!" napatingin ako kay Prince at nakaturo siya kay Era.
"Hindi naman." palusot ko.
"Hindi daw! Nako nako!" sabi ni Prince.
"Oy kayong dalawa, para kayong mga bubuyog bulungan ng bulungan, may ipapabili ba kayo?" biglang kausap sa amin ni Scar.
"Bili mo ako friesssss!" nakataas pa kamay ni Prince ng sabihin yon.
Inilahad ni Scar yung palad niya sa harap ni Prince, nakakunot ang noo ni Prince habang nagpapalit palit ang tingin niya sa palad nito at kay Scar napataas naman ang isang kilay nung isa sa kaniya.
"Pera?" mataray na sabi ni Scar.
Biglang naglaki ang ngiti ni Prince at dahan dahang humarap sa akin, tinginan ko naman na nagtatanong ang ekspresyon ko.
"Hehehe..." nagkapit pa sa braso ko si Prince saka napangiwi ako.
"Oh! Ibili mo na din yan ng inumin." sabi ko sabay nagabot ng isang libo kay Scar.
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Terrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...
