Azi's POV
"Mom, Dad aalis na po kami." paalam ko ng makababa ako mula sa taas ng bahay pagkatapos isukbit sa likuran ko yung bag na dadalhin ko.
"Kumpleto na ba ang dala mo? Baka may kulang? First aid kit dala mo? Kailangan mo yon kase baka ma-aksidente ka don tapos pagkain? Pera? Meron ka na? Baka magutom ka don! Hindi pwede yun! Damit? Towel na pansapin sa likuran mo? Kailangan meron ka non! Baka matuyuan ka ng pawis magkasakit ka pa don! Meds meron ka na ba diyan? Kailangan mo din yun! Kapag sumakit ang ulo inom agad ha! Eh–Bakit ka natawa!?" nakataas ang kilay ni Mom ng tanungin niya ako dahil nakangiti at natatawa lng ako ng bahagya sa mga sinasabi niya.
"No, i'm not." depensa ko sa sarili habang nagpipigil ng ngiti.
"You're laughing, i saw you!" kinurot pa ni Mom yung tagiliran ko kaya napailag ako.
"Eh kase Mom" lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya "Hindi mo na ako kailangan paalalahanan malaki na ako oh! College na Mom i can take care of myself and hindi nmn kami magpapagod don–ay hindi mapapagod man kami eh magpapahinga din nmn so don't you worry hmm?" niyakap ko pa siya mula sa tagiliran.
"Siguraduhin mo lng yan! Nako pingot pa sa tenga ang aabutin mo kapag may nangyaring masama pa sayo don!" akmang pipingutin ni mom ang tenga ko pero agad akong nakalayo.
"Nah-ah!" nagmuwestra pa ako na bawal "Not my ears, Mom." sabi ko na ikinatawa lng niya.
"Oh siya sige na! Umalis na kayo, mag-iingat kayo ah!" sabi niya habang hinahatid kami papalabas ng bahay.
"Yes Mom!" sabi ko.
"Sige po tita." sabi nung dalawa, si Scar at Prince.
Sumakay na kami sa kotse ko at nagmaneho na ako papunta sa school. May school bus naman ang school pero nagpaalam kami sa teacher namin na gagamit na lng kaming tatlo ng kotse.
Pagkarating sa school ay nasa labas na ang lahat na estudyanteng nag-volunteer na sumama sa School Mission. Lumapit kami sa mga estudyante at nakinig sa mga paliwanag ng teacher sa unahan.
Nakikinig kami ng lumapit sa amin si Era na malapad ang ngiti halata sa mukha niya ang excitement.
"Hi guys!" bati niya sa amin.
"Hi!! Mukhang excited ka ah!" si Scar at sumagot sa kaniya.
"First time eh." napakamot naman sa ulo si Era.
"Wala bang ganito sa dating school niyo?" tanong naman ni Prince.
"Wala namang ganon ganon sa Pagsanjan." sagot niya at nagulat naman kami.
"Sa pagsanjan ka nakatira noon?" gulat na tanong ni Scar.
"Ah oo" agad na sagot naman ni Era.
"Malapit lng ba sa bahay niyo dun ang pagtataniman natin?" tanong ulit ni Scar.
"Oo." tipid na sagot ni Era parang nawalan ng gana.
"Aww bat nawala excitement mo? Di ka ba masaya na makakabalik ka don?" ang inosente ni Scar di yata naalala yung kinuwento ni Era sa amin dati.
"Huy ano ka ba! Dun nga namatay mama niya diba?" bulong na saway ni Prince napa 'Ah' naman si Scar.
Hindi na ulit kami nakapag usap usap dahil nagumpisa ng sumakay yung mga estudyante sa bus para umalis. Lumapit naman sa amin ang teacher na nakatoka para bantayan ang mga first year college at sinabing sumunod na lamang ang may mga sariling sasakyan sa bus ng first year.
Sinabi rin niya na mag iingat kami sa daan at wag magmamabilis ng pagmamaneho dahil may part daw ng kalsada ang madulas ang madadaanan namin.
Nagkaniya kaniya na kaming mga estudyante na sumakay sa kotse namin, kasama ko si Scar, Prince at Era. Dito na kase pinasakay ni Scar si Era dahil mao-OP lng daw don si Era, wala naman kaso sa amin yun.
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Horrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...
