CHAPTER 21: New friends

26 3 0
                                        

Aztral's POV

"Kailangan niyong tumawid sa ilog na iyan, tama?" tanong ni Aquashia at tumango naman kami "Pero kailangan niyo magpatak ng dugo ng diwatang walang katulad." nagulat kami sa sinabi ni Aquashia.

"You mean, kailangan naming pumatay?" parang kinakabahang tanong ni Era.

"Hindi, kahit konting patak lang ng dugo." sagot ni Aquashia.

"Alam ko kung saan siya mahahanap!" sabat naman ni Hasley.

"Saan?" tanong naming tatlo.

***

"Grabe naman dito bakit kulay itim na?" tanong ni Kleyies habang palinga linga sa kagubatan na puros itim na ang nakikita walang mababakas na kahit anong kulay.

"Dito nanirahan ang diwatang walang katulad dahil sa kakaiba siya sa lahat mas pinili niyang lumayo, hindi naman siya masama pero hindi niya lang magawa magtiwala sa mga nakapaligid sa kaniya." paliwanag naman ni Hasley na maliit ngayon at lumilipad.

"Ang loner naman niya." sabat ni Era na patingin tingin sa paligid.

"Andito na tayo." napanganga kami sa bahay na katapat namin.

Sa gitna ng puros kulay itim na kagubatan ay eto ang isang napaka ganda at makulay na bahay. Iba't ibang kulay ang narito hindi ito kalakihan tama lamang para sa isang tao.

Maya maya ay may lumabas na magandang babae na may mahabang tenga na puros itim naman ang nasa buong katawan niya. Nang magtama ang mga tingin namin ay agad nagkaroon ng pangamba sa mukha niya at makikita sa mga braso niya ang itim na kuryente.

"Sino kayo?" masama ang tingin niya sa amin.

"Shyrina!" biglang lumipad si Hasley palapit dun sa babaeng tinawag niyang Shyrina.

"Hasley?" tawag nito pabalik.

"Ako nga!" biglang lumaki si Hasley at napansin ko namang bumalik sa dating awra niya yung Shyrina.

"Bakit ka nandito at bakit mo sila kasama?" tanong nung Shyrina kay Hasley.

"Kailangan nila ang konting dugo mo para makatawid sa ilog ng buhay." sagot naman ni Hasley.

"Bakit daw?" tanong naman ni Shyrina na sumulyap pa sa amin.

"Kailangan nilang makapunta sa Aerries at makuha ang binabantayang kwintas ni Zakhario." sagot ni Hasley at gulat namang napatingin sa amin si Shyrina.

"Lubhang mapanganib sa bundok na iyon at kailangan niyong kalabanin si Zakhario para makuha niyo iyon." may pangambang sabi sa amin ni Shyrina.

"Lahat gagawin ko makuha lanh iyon." ako ang sumagot.

"Pero di mo kakayanin ang mayroong lakas si Zakhario at kapangyarihang mayroon siya." sumeryoso si Shyrina.

"Kakayanin ko para lang mabawi ko ang kapangyarihang dapat sa akin." pursigido kong sabi.

"Kung ganoon sasama ako sa inyo para matulungan ko din kayo." sabi ni Shyrina.

Pumasok sa bahay niya paglabas ay nakasuot na siya ng itim na bra na konektado sa may balikat na may disenyong patilos at nakapalda siya na hanggang taas lang ng tuhod kulay itim din ito at naka sapatos siya na hanggang ilalim ng tuhod may takong ito. Meroon din siyang nakalagay sa kamay na kulay itim den at nakaribbon na itim ang buhok niya at may hawak siyang magandang espada na may kuryenteng itim sa talim nito.

"Woah!" rinig kong sabi ni Kleyries.

"Ako din! Kakainggit naman!" napatingin kami kay Hasley ng magsalita ito.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon