CHAPTER 22: Fairies' Power

15 1 0
                                    

Era's POV

"Teka!" sigaw ko ng may mapansin ako at tumingin naman silang apat sa akin na nakakunot ang noo.

"Bakit?" tanong ni Kleyries.

"Nasaan si Aztral?" nagpalinga linga ako sa paligid.

"Nako po!" napatingin kami kay Hasley ng magsalita siya naka-face palm pa.

"Si Silvana!" nakapamey awang pa si Shyrina nang sabihin niya iyon.

"Sino si Silvana?" tanong ko.

"Diwata ng kagubatang ito! Tiyak na ginamit niya na naman ang boses niya para mang-akit." sagot naman ni Aquashia.

"Kailangan natin siyang mahanap!" sabi naman ni Hasley.

"Hindi na natin kailangan hanapin yun, alam naman na natin kung saan siya nakapwesto kapag nang aakit yun." sabi ni Shyrina.

"Paano tayo makakapunta dun? Alam niyo ba yung daan?" tanong ko.

"Syempre, lumapit kayong dalawa sa akin." pagkasabi ni Hasley non ay lumapit kami sa kaniya at pinahawak niya kami sa balikat niya.

Sa isang iglap may pumalibot sa amin na hangin na may kasamang madaming dahon, mabilis lang iyon at sa isang kurap nasa harapan na kami nang napaka laking pugad pero sobrang ganda nito.

May iba't ibang disenyo kaming nakikita, iba't ibang kulay ng bulaklak at mga dahon dito. Sa gitna nito nakita ko ang isang babae, magandang babae at nasa mga hita niya nakaulo ang isang lalaki at kinakantahan niya ito.

"Si Aztral." nasabi ko nang makilala yung lalaki.

"Silvana!" tawag ni Hasley sa babae na agad namang tumingin at ngumiti sa kanila.

"Hasley!" tawag nito pabalik at dahan dahan nitong ibinaba ang ulo ni Aztral sa magandang unan bago ito tumayo at may biglang lumabas na pakpak ng ibon sa likuran niya. Iba't ibang kulay ang mga feather nito, lumipad siya papunta kay Hasley.

"Nang akit ka na naman." pinandilatan ng mata ni Hasley si Silvana na ngumuso lang na parang bata.

"Naramdaman ko ang pagod niya eh kaya pinagpahinga ko muna, ate." napalaki ang mata namin ni Kleyries at nagkatinginan sa sinabi ni Silvana.

"Ate? Magkapatid kayo?" sabay naming tanong ni Kleyries.

"Ha? Kami? Hindi, hindi kami literal na magkapatid." napa tango kami sa sagot ni Hasley.

"Ate sino sila?" patukoy sa amin ni Silvana.

"Mga kaibigan nung lalaking iyon." tinuro naman ni Hasley si Aztral na tulog parin.

"Oo, kaya gisingin mo na yun at kailangan pa namin makapunta sa bundok ng Aerries." sabat naman ni Shyrina.

"Anong gagawin niyo don?" tanong ni Silvama at ipinaliwanag naman ni Hasley "Hala! Pasama ako! Gusto ko makita si Zakh!" parang kinikilig pang sabi ni Silvana.

"Halalalala! May gusto ka parin don?" tanong ni Aquashia.

"Yepp! Ang gwapo kaya non!" may pa hawak pa sa pisngi si Silvana.

"Baka pwede mo nang gisingin yung kaibigan namin ano po? Bakal lang naman." sarkastika kong tanong kay Silvana na sinamaan naman ako ng tingin.

"Eto na! Sungit mo!" inismiran pa ako ng diwata bago hinipan ang palad niya at parang may glitters na lumabas doon at pumunta sa ilong ni Aztral bago ito nagising "Happy?" nakataas ang isang kilay na tanong sa akin ni Silvana na nginiwian ko naman.

"Good!" inismiran ko siya.

Aztral's POV

Napakusot kusot ako sa mata ko nang magising ako. Sobrang sarap ng tulog ko at nawala ang sakit ng buong katawan ko. Nalibot ko ang mata ko at napansin na nasa pugad ako na malaki. Maganda ito at ang disenyo nito.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon