CHAPTER 4: Encounter

46 3 0
                                    

Azi's POV

"So kakain lng talaga tayo dito?" kapag kuwa'y tanong ni Scar.

"Uhm oo, bakit?" sagot ko sa kaniya bigla naman siyang tumingin sa akin ng nakakaloko.

Mga 15 mins na kami dito pero wala parin yung orders namin dahil napaka daming tao sa Café na ito. Sikat na kase tong Café na to sa buong Laguna madami na rin silang branches halos lahat ng lugar sa Laguna.

Naging close ko din ang may ari nito, dito talaga sa lugar na 'to nagsimula ang business niya, puro kape ito nung una ng tumagal at lumago ang kanilang negosyo nagdagdag sila mga desserts ganon.

"Here's your orders Azi." nakangiting sabi sa akin ni Paul, may ari ng Café kasing edad ko lng siya pero may business na siyang ganito. Sa gabi siya nandito dahil sa umaga ay nag aaral parin siya nasa kabilang seksyon lng siya at yung Ate niya na graduated na ang nagbabantay kapag wala siya.

"Ikaw pa ang nagdala baka busy ka Paul." sabi ko sa kaniya pagkalapag niya ng orders namin.

"Nako, ayos lng yon para namang hindi kaibigan." nakangiti niyang sabi.

"Hele enebe! Beke mepeged ke!" may pa hawi hawi pa ng buhok si Scar habang kausap si Paul.

"Hoy Scar! Ano ka? Nakakain ka ba ng letter E at nagkakaganiyan ka?" natawa kami ng bahagya ng sumabat si Prince.

"Eto basag trip ka eh! Sabihin mo nagseselos ka lng kase siya gusto ko hindi ikaw!" nagflip hair pa sabay irap kay Prince tapos ngumiti ng humarap siya kay Paul.

"Yuck! Asa ka!" nag-akto pang naduduwal si Prince.

"Haha sige mauna na ako." nakangiti niyang paalam sabay tapik sa balikat ni Prince, nakow!

"Aba aba! Bakit ikaw tinapik!?" pagtataray ni Scar, nakita rin pala.

"Aba malay ko 'no!" agad na buwelta ni Prince.

"Psh!" ismid ni Scar.

Natahimik na kami dahil nagsimula na kaming kumain. Napatingin ako kay Era na nakangiti habang nakain, nang magtama ang paningin namin ay nilakihan niya ang ngiti na naging dahilan upang parang nakapikit na siya.

"Bakit nga pala ang tahimik mo Era?" biglang tanong ni Scar.

"Ahh wala lng, cute niyo lng tingnan dalawa kaya nanonood lng ako sa inyo." tinutukoy niya ay si Prince at Scar.

"Huh? Bakit naman naging cute?" takang tanong ni Scar.

"Eh kase sobrang close niyo, kakainggit lng." nakangiti niyang sagot.

"Ngek! Hindi ba kayo close nung mga kasama mo kahapon sa 7/11?" tanong ni Scar.

"Uhm close naman kaso madalang ko sila makasama eh, may mga sari-sarili silang mga lakad eh ako laging sa bahay lng pag kauwi, mahirap na baka makasalubong pa ng mga aswang." paliwanag ni Era.

"Urban legends lng yun no! Hindi yun totoo, wag ka maniwala dun!" sabi ni Scar.

"Oo nga mga alamat lng yun!" sang ayon naman ni Prince.

"Totoo sila! Namatay mama ko dahil sa mga apwak na yan!" kitang kita ko sa mga mata ni Era ang galit at sakit.

"Hala weh? Anong nangyari sa mama mo?" tanong ni Scar, nagka interest sa sinabi ni Era.

Era's POV

~flashback~

"Mama?" agad na tawag ko pagka uwi ko ng bahay galing school.

Napakunot ang noo ko ng makitang gulo gulo ang mga gamit ng bahay, sa pagkaka alam na baka may nakapasok na magnanakaw wala pa naman ang kaniyang papa dahil nasa trabaho ito.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon