CHAPTER 11: Discover

24 3 0
                                        

Scar's POV

Nandito ako ngayon sa harap ng salamin sa tabi ng kama ko at nagsusuklay. Pagkatapos ay nagskin care, habang nagpupunas ako ng mukha biglang tumunog ang cellphone ko. Bago ko ito kuhanin ay tinapos ko muna ang ginagawa ko.

Pagtingin ko tumatawag si Azi, pagkasagot ko niyon ay napakunot ang noo ko ng may marinig ako na parang may nahihirapan.

"Hello Azi?" sagot ko.

"S-scar... Tulong–Ah!" napakunot ang noo ko lalo at kinabahan ng bumakas ang matinding sakit sa boses ni Azi.

"Bakit? Anong nangyayari!?" nagpapanic na tanong ko at nagsuot ng jacket.

"P-please... Sobrang s-sakit! Ahh!" lalo akong kinabahan ng mamatay ang tawag.

Dali dali akong lumabas ng kwarto at ng apartment na inuupahan ko, nasa kabilang bahay lng si Prince magkatabi lng ang bahay namin. Pagkaharap ko sa bahay ni Prince agad ko iyong binuksan, nagulat nmn si Prince at naibato pa yung mga papel niya.

"Prince, si Azi." nag aalala kong sabi sa kaniya at bumakas naman sa kaniya ang pagkalito.

"Bakit?" napatayo siya sa kinauupuan niya.

"May nangyayari sa kaniya, tinawagan niya ako at rinig na rinig kong nahihirapan siya." paliwanag ko.

Pumasok siya sa kwarto niya at paglabas ay nakahoodie na siya. Inaya na niya ako palabas ng compound at sumakay sa kotse niya.

Habang daan ay di ko mapigilan na nag alala, diba nasa bahay nila siya? Pero bakit ganoon yung boses niya??

Pagkadating namin sa bahay nila agad kaming lumabas sa kotse ni Prince at lumapit sa gate saka pinindot yung doorbell. Maya maya ay lumabas na ang mommy ni Azi.

"Oh Scar, Prince gabi na ah." bati ni Tita Sarah sa amin nang nakangiti.

"Ahh may kailangan po kase kaming hiramin kay Azi." nakangiti kong bati isinantabi ang pag aalala.

"Ah sige pasok kayo." sabi ni Tita at nagpasalamat kami bago pumasok.

Agad agad kaming umakyat at pumunta sa kwarto ni Azi. Binuksan ko ang pintuan ng malaki dahil sa pag aalala at natigilan kami ni Prince sa nakita.

Si Azi nakatalikod walang saplot pang itaas at may pakpak siya na gaya ng sa paniki o gaya ng sa aming mga manananggal ngunit ang kaibahan ay purong itim ito walang mababakas na kahit anong kulay.

Dahan dahan siyang humarap sa amin, ang itsura niya ay itsura ng mga apwak ngunit ang mga mata niya ay kulay itim at tuldok na puti lamang sa gitna kabaliktaran sa aming mga manananggal.

Bakas sa mukha ni Azi ang hirap at panghihina na pinagdaanan marahil dahil sa kaniyang malaking pakpak, ganiyan din ang pinagdaanan namin nung una kaya alam ko kung gaano kasakit iyon. Kaagad kaming lumapit sa kaniya ng matutumba siya.

"S-sobrang... S-sakit." dama ko ang panghihina ni Azi habang buhat buhat namin siya bago siya mawalan ng malay.

Inalalayan namin si Azi na maidapa sa kama niya at inayos ang pagkakadapa para hindi siya mahirapan paggising. Nang maayos namin si Azi napatingin ako kay Prince na nakatingin kay Azi na gulong gulo.

"P-paanong... Bakit siya nagkaroon niyan?" tinuro ni Prince ang itim na itim na pakpak ni Azi.

"Mamaya ko sasabihin sa inyo kapag nagising si Azi." tumingin ako kay Azi at bumuntong hininga.

Kinuha ko ang nakatagong kwintas ko, ito ang buto sa pakpak ng pinaka reyna ng mga manananggal na namayapa na matagal na. Halos lahat ng bagong henerasyon ng mga manananggal ngayon ay may ganito para ipampahid sa likuran na tinubuan ng pakpak kapag ito'y pumasok na muli sa likod ng isang manananggal.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon