Era's POV
Katabi ko ngayon si Kleyries at inaalalayan ko. Masyadong napalakas ang impak ng talsik niya sa nangyaring pagsabog ng enerhiya ni Aztral. Naikuwento na sa akin lahat ni Kleyries na tinatakot siya ni Eztral na papatayin niyo ang buong pamilya nito kung hindi ito makikipagsabwatan sa kaniya.
Ngayon napanganga ako maging si Kleyries dahil sa pagbabago ng itsura ni Eztral masyadong malakas ang awra niya ngayon. Napatingin kami ni Kleyries ng unti unting may bumalot na kulay abo na usok sa buong katawan ni Aztral.
Nag iba ang kulay ng pakpak niya at naging kulay abo ito. Ang buhok niya ay ganoon din ang kulay maging ang kilay niya ngunit hindi nagbago ang kulay ng mga litid sa katawan at mukha niya. Ang kamay niya ay katulad ng kay Eztral pero kulay abo din ito. Wala na din siyang suot pang itaas at kagaya ng suot na pang ibaba ni Eztral ngunit kulay abot ito at kulay itim ang kulay ng disenyo niyon maging ang sapatos niyang kagaya ng kay Eztral ngunit kulay itim at abo iyon.
Ang kaibahan kay Aztral ay humaba ang buhok nitong kulay abo na hanggang beywang niya may kaunting buhok na nakatali papuntang likod ng ulo niya. Kita kay Aztral ang pagkalito dahil sa naging itsura niya.
"Ang kambal-usok..." napatingin ako kay Klyeries nang magsalita ito.
"Anong meron don?" curious kong tanong sa kaniya at tumingin naman siya sa akin.
"Sila ang sinasabi ng babaylan, ang kambal na nagaangkin ng kapangyarihan ng usok. Hindi biro ang lakas ng kambal usok walang makakapantay sa kapangyarihang mayroon sila hindi lng ako makapaniwala na masasaksihan ko at makikita ko sa malapitan ang sinasabing maalamat na kambal usok ngayon ko napatunayan na hindi lamang alamat sila." mahabang sagot ni Kleyries at parehas kaming napatingin sa ere kung nasaan ang kambal.
Bawat palitan nila ng suntok ay mistulang sunod sunod na sumasabog dahil sa lakas ng pwersa at kapangyarihan nila. Yumayanig din ang lupa sa salpukan ng magkambal.
Mabibilis ang pag iwas ni Aztral sa mga bolang usok na pula na kitang mayroon itong kuryenteng pula na bumabalot diyon na ibinabato niya kay Aztral. Bago pa lng si Aztral sa nakikita niya kaya hindi niya masabayan si Eztral sa pagbato ng mga electric balls. Napasinghap kaming dalawa ni Kleyries nang matamaan si Aztral sa may kaliwang dibdib. Mabilis ang pagbulusok niya pababa at mabilis din siyang nasundan ni Eztral.
Pareho silang nasa baba na nagpapalitan ng suntok at sipa. Wala na rin silang pakpak marahil ay bumalik na iyon sa likuran nila. Nang makakuha ng tiyempo si Aztral ay umikot siya sabay sipa ng sobrang lakas kay Eztral na nagdulot ng pagtalsik nito sa malaking puno.
Agad naman nakabawi si Eztral at siya naman ang sumugod kay Aztral, malalakas na suntok dito at malalakas na sipa at tadyak dito. Palitan lng sila ng palitan hanggang sa gumamit ng usok na pula si Eztral at pinangsakal kay Aztral. Umangat sa ere si Aztral at nahihirapang huminga.
Unti unting lumapit si Aztral habang nakaangat sa ere kay Eztral at nang makalapit ay sakal sakal na siya ni Eztral gamit ang mga kamay. Kitang kita namin kung paano bumuka ang parehas nilang bibig at kulay abong usok ang lumalabas sa bibig ni Aztral papasok naman iyon sa bibig ni Eztral.
"H-hindi! Hindi pwede yan!" sigaw ni Kleyries at napakunot ang noo kong tiningnan siya.
"Bakit?" nag aalala ko nang tanong.
"Kung patuloy na papasok ang usok ni Aztral kay Eztral ay mawawala ang kapangyarihang usok ni Aztral at mapupunta iyon kay Eztral lalakas siya ng husto at malamang sa malamang ay gagamitin nito iyon para sakupin ang buong lugar na ito hindi lang ang mundo ng mga aswang kundi pati narin ang mundo ng mga tao, aalipinin niya ang lahat ng tao at papatay siya hangga't gusto niya!" paliwanag ni Kleyries kaya lalong akong nag alala.
"Eh anong mangyayari kay Aztral?" kinakabahan kong tanong.
"Wag kang mag alala dahil hindi naman siya mamamatay pero..." lumungkot ang mukha ni Kleyries "Magiging isang ordinaryong tao na lamang siya." sa huling sinabi ni Kleyries ay mas lalo akong nag alala.
"Kailangan nating pigilan!" sa sinabi kong iyon ay sumang ayon naman siya.
Tatakbo sana kami palapit sa kanila pero agad kaming tumalsik at kita namin ang kuyenteng pula na nabungguan namin. May barrier na nakapalibot sa kanila kaya tumalsik kami.
"Hindi to maaari!" napatingin ako kay Kleyries at nakatingin na siya kila Aztral.
Kitang kita namin ang pag ikli ng buhok ni Aztral at ang pagbalik nito sa normal nitonv kulay. Bumalik ang kanina niyang suot at ang kamay niya ay bumalik sa normal habang nakahawak sa kamay ni Eztral na nakasakal sa kaniya.
Bumagsak si Aztral sa lupa ng walang malay. Nakita naming nabalutan si Eztral ng usok na kulay pula at abo. Nang mawala ang usok ay ang buhok niya ay kulay pula na may highlights na kulay abo. Ang suot niyang pang ibaba ay ang kanan nito ay kulay abo at ang kaliwa nito ay kulay pula baliktad naman ang kulay ng sapatos niya at kamay.
Ramdam ang sobrang lakas na nagmumula kay Eztral inilabas nito ang pakpak niya na ang kaliwang pakpak ay kulay abo at ang kanan ay kulay pula. Lumipad ito sa ere at nabalutan ng usok bago umabot sa mukha niya ang usok ay nakangisi siya na parang demonyo at nakatingin sa aming dalawa ni Kleyries. Nang mawala ang usok ay ang sabay ng pagkawala ni Eztral.
Agad naming nilapitan si Aztral na walang malay. Tiningnan namin kung may pulso siya at nakahinga kami ng maluwag ng meron naman. Binuhat namin si Aztral at isinandal siya sa puno.
"Wala na... Siguradong gumagawa na ng hakbang si Eztral para sakupin ang dalawang mundo." bagsak ang balikat na sabi ni Kleyries.
"Saka na natin iyan intindihin ang mahala ay si Aztral." tumango naman si Kleyries.
•••
Azi's POV
Unti unti kong iminulat ang mata ko at nakita kong nakatingin sa akin si Era at Kleyries. Umayos ako ng upo at napaigik naman ng maramdaman kong masakit ang katawan ko.
Napakunot ang noo ko ng maramdaman kong parang normal akong tao. Napatingin ako kay Era na nakatingin sa akin na may bahid ng lungkot at si Kleyries ay hindi makatingin.
"Aztral..." napatingin ako kay Kleyries nang tawagin niya ako.
"Bakit? At bakit parang ang normal ng pakiramdam ko?" naguguluhan kong tanong.
"N-nakay Eztral na ang kapangyarihan mo isa ka nang ordinaryong tao." mahinang sabi ni Kleyries at may bahid iyon ng lungkot.
"Ha? Ano? P-paano?" nagpalipat lipat ako ng tingin kay Kleyries at Era.
"Natandaan mo yung sinakal ka ni Eztral?" tanong ni Kleyries at tumango ako "May lumalabas na kulay abong usok sa bibig mo ibig sabihin kinuha niya ang kapangyarihan mo, kayong dalawa ang nakalagay sa aklat nang mga aswang kayo ang tinatawag na Kambal usok, ang usok mo ay Kulay abo at ang kaniya ay kulay pula. Kayo lang ang kakaiba dahil kayo ang anak ng diyosa ng mga aswang at pinagkalooban kayo ng pambihirang kapangyarihan." paliwanag ni Kleyries.
"Gusto kong malaman ang buong pagkatao ko Kleyries please tulungan mo ako! Please, kailangan ko mabawi ang kapangyarihan ko!" hinawakan ko sa magkabilang balikat si Kleyries.
"Pero paaano? Walang may alam kung paano mababawi ang kapangyarihan mo." sagot ni Kleyries.
"Dahil akin iyon! Akin ang kapangyarihan ko! Kung kanino nararapat sa kaniya lamang iyon, Kleyries. Makakahanap ako ng paraan kung paano mababawi ang kapangyarihan ko." desidido kong sabi.
"Pero sobrang lakas na ni Eztral at siguradong gagamitin na niya iyon para sakupin ang dalawang mundo dahil hindi mapapantayan nang kahit na sino ang kapangyarihan niyong dalawa." sabi naman ni Era kaya nagulat ako.
"Kaya mas lalo akong desidido na mabawi ang kapangyarihan ko. At pigilan siya sa balak niyang gawin." sabi ko at tumayo sumabay naman sila.
Bumalik kami sa abandonadong bahay at doon nagpahinga dahil sobrang lalim na ng gabi. Matagal bago ako nakaramdam ng antok dahil sa kakaisip kung paano mababawi ang kapangyarihan ko. Kailangan ko ang kapangyarihan ko, kailangan kong mabawi iyon.
...
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Horrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...