Azi's POV
Nandito lng ako naka-upo sa unahan sa burol ng mommy ko, nakatulala. Dalawang araw na yung nakakalipas pero hindi ko parin matanggap na wala na siya. Naipaliwanag ko na sa mga kapatid ko yung pagkatao ko at nagulat din dahil alam ni Daddy kung ano talaga ako sinabi din niya na alam din ni Mommy dahil kaibigan daw niya ang totoo kong ina noon.
Naipaayos naman na ni Daddy yung part ng bahay na nasira nung gabi bago iburol si mommy, sinabuyan din ni Daddy yung mga katawan ng mga apwak ng bawang at asin kaya naglaho ang mga katawan nila.
"Azi..." biglang tawag ni Scar sa akin nasa mukha niya ang pag aalala.
"What?" walang emosyon kong tanong sa kaniya.
"Dalawang araw ka na daw walang kain sabi ni Tito." tumingin ulit ako sa unahan walang balak na makipag usap sa kaniya at narinig ko naman na napabuntong hininga siya.
"Azi kain ka na muna oh." may inabot si Prince na pagkain pero di ko siya pinansin.
"Azi hindi magiging masaya si Tita kung makikita ka niyang ganito." may bahid ng inis at pagaalala ang boses ni Scar.
"Si Kiro." bigla kong sabi.
"Huh?" nagtatakang tanong ni Scar at Prince.
"Si Kiro at mga kasama niya ang sumalakay sa bahay." sabi ko at nagulat sila. Sa nakalipas na dalawang araw ngayon ko lng nasabi sa kanila kung anong nangyari.
"Anong nangyari sa kanila?" tanong ni Prince.
Nagigting ang panga ko at tumalim ang tingin habang nakatingin sa harapan.
"Pinatay ko sila." ramdam ko na nagiba ang kulay ng mata ko dahil sa tindi ng galit ko pero bigla naman iyon bumalik sa dati.
"Lahat sila!?" gulat na tanong ni Scar at tumango ako.
"Pito silang pinatay ko." sagot ko sa kanila na gulat parin ang ekspresiyon sa mukha.
Nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas muna ng kwartong pinagbuburolan ng labi ni mommy dito sa Funeral na nirentahan ni Daddy. Napabuga ako sa ng hangin ng maramdaman kong nakasunod yung dalawa, tumigil ako.
"Bilisan niyo ang maglakad at sumabay kayo sa akin." sabi ko habang nakatalikod sa kanila at maya maya ay nasa tabi ko na sila na ngiting ngiti sa akin kaya inilingan ko na lng sila.
Lumabas kami ng funeral at dumeretso ako sa kotse ko at sumakay naman si Scar at Prince sa back seat. Kinuha ko ang phone ko ng magtext si Era na nasa may tapat na siya ng university.
Nagmaneho ako papunta sa university, panay ang tanong nung dalawa na saan daw kami pupunta pero hindi ko sila sinagot. Di kalayuan ay natanaw ko na si Era sa may tindahan sa tapat ng university, simpleng white t-shirt ang suot niya at black na jeans at rubber shoes ang suot niya. Pagkababa ng sasakyan ay lumapit na agad kami sa kaniya.
"Sorry kung hindi ako nakapunta ngayon sa burol ng mommy mo ah marami pa kase akong ginawa sa amin." agad na bungad sa amin ni Era pagkalapit.
"Ayos lang." simpleng ngiti lng ang iginawad ko sa kaniya.
Itinuro ni Era ang daan kung saan kami makakadaan papuntang likuran ng University dahil may bakod na mataas don hindi namin alam kung paano nakakapunta doon ang mga ibang estudyante.
Pagkadaan namin sa eskenita ay lumiko pa kaming pakaliwa at nagdiretso ng lakad maya maya ay may natanaw kaming bakod na di kataasan sa may tabi ng kabahayan dito. Inakyat namin yon para makatawid na kami at hindi naman kami nahirapan.
Hapon ngayon kaya wala masyadong tao kaya walang nakakita sa amin. Pagkalagpas sa bakod ay nagdiretso kami sa malawak na gubat, mas mataas pa ang damo na dinadaanan namin ngayon mabuti ma lng at naka formal suit pa ako hindi ako kakatihin, si Scar naman ay todo spray sa katawan ng alcohol dahil kating kati na dahil nakasuot lng siya ng itim na t-shirt at itim na jeans, si Prince naman naka hoodie naman siyang itim at naka white jeans mabuti na nga lng at hindi naulan ngayon kung hindi ay maputik na ngayon ang suot niyang jeans at puti pa ang sapatos.
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Horrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...