PROLOGUE

251 11 0
                                    

Halos matumba na ako sa sobrang pagod kakatakbo matakasan lamang sila. Hindi ko alam kung anong mga nilalang sila pero nasisigurado kong hindi sila mga tao!

Muli akong tumakbo ng tumakbo kahit hindi ko alam kung saan ako patungo, hindi ko alam kung bakit ako napunta dito basta ang alam ko nagising ako dahil sa ingay sa paligid.

Tumakbo lng ako ng tumakbo hanggang sa makakita ako ng liwanag sa malayo, ngayon ko lng napagtanto na nasa gubat pala ako. Wala na akong inaksayang oras para makalapit sa liwanag na nakikita ko.

Malapit na ako sa liwanag ng tumigil ako, "hindi! B-bakit siya nandito!? At! M-may mga kasama siya katulad ng mga humahabol saki." usal ko na lamang sa isip ko.

"Aztral, sumama ka na sa amin" pagkausap niya sakin.

Agad akong umiling dahil may masama silang balak sa akin!

"Hindi! A-ayoko sa inyo! Mga demonyo!!" bigla akong napaupo marahil na rin sa pagod kaya bumigay ang tuhod ko.

Biglang nagtransform siya sa kakaibang anyo kagaya nila, napapa-atras na lang ako dahil kahit makatakbo ako napapaligiran na nila ako.

Lumuluha na rin ako kanina pa, kabaklaan man kung titingnan ng iba pero anong magagawa ko sa oras ng ganito?

Nakita ko siyang tumatakbo papunta sakin, nanlilisik ang mga mata at tila isang aso na gutom na gutom. Wala na akong magagawa kundi ang Hinintayin na lamang ang paglapit niya sakin.

"Mama..."  usal ko sa isip bago pumatak ang isang butil ng luha mula sa mata ko sa huling pagkakataon.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon