CHAPTER 12: Mother's Death

31 4 0
                                        

Azi's POV

Nandito ako ngayon sa bench dito sa field nakaupo habang nanonood sa mga athlete na nagpapractice. Yung mga kaibigan ko? Pati yung kapatid ko? Ayon ewan ko kung saan napadpad nagpaalam sa akin kanina na may bibilhin lng daw pero di na nakabalik, natabunan na yata ng mga tao sa cafeteria na pinuntahan nila at pinabantayan pa yung mga bag nila sa akin, mga anak ng pu–

Bigla kong nasambot yung bola ng baseball ng makita kong papunta sa akin yun nasamboy ko siya bago tumama sa mukha ko, nagsigawan pa yung mga tao sa field ng makita yun, agad naman nagtakbuhan sa akin yung player ng baseball.

"Ayos ka lang, pre?" tanong nung may hawak na baseball bat.

"Ayos lng naman." ibinigay ko sa kaniya yung bola at tinanggap nmn niya na nagtataka.

"Hindi ba masakit yung kamay mo? Ang lakas nung impak kase tapos wala ka pang suot na pang suporta sa kamay mo." tiningnan pa niya yung kamay ko.

"Hindi nmn ganon kalakas yung tama." sabi ko na lng, tinignan niya muna ako buti naman at naniwala siya sa sinabi ko.

Wala naman akong naramdaman ng mahawakan ko yung bola para lng ako sumambot ng bulak, hindi naman sa nagmamayabang ako pero nagsasabi lng ng totoo.

Nagsisimula na akong mainip at kumunot na ang noo ko dahil doon. Nag-crossed arm pa ako dahil sa pagkainip.

"Heyy!" pumitik pa sa harap ng mukha ko si Prince saka ko tiningnan siya ng masama.

"Don't Hey me!" masungit kong sabi.

"Hanla ang sungit! Meron ka ba mister?" sabat naman ni Scar kaya siya naman ang tiningnan ko ng masama.

"Ay! Alam ko na!" nag-sign pa ng 1 si Prince gamit ang hintuturo niya na parang may magandang naisip.

"Ano?" sabay na tanong ni Scar at Era.

"Tinotoyo ang Azi natin! Ilang minutes tayo sa cafeteria kaya!" sabi ni Prince tapos biglang umupo sa tabi ko at may inabot.

"Ano naman yan?" nakangiwi kong tanong habang nakataas ang isang kilay.

"Ngii bulag lng? Pinkmilk yan!" si Scar ang sumagot kaya bored ko siyang tiningnan.

"Anong pinaglalagyan ng pinkmilk?" bored kong tanong.

"Paper bag." mabilis na sagot ni Scar.

"Exactly." inirapan ko pa siya.

"Ay oo nga Scar ang bobo mo talaga no!" pabiro pang tinampal yung ulo niya kaya natawa si Prince at Era.

Kinuha ko yung paperbag na pinaglalagyan ng pinkmilk na binili nila. Kinantyawan pa ako nung dalawang asungot kesyo tinotoyo daw ako, inismiran ko na lng sila na ikinatawa na lng nila.

Habang nagku-kwentuhan  kami ay may dumaan sa harapan namin na tatlong babae na nagbubulungan sabay tingin pa sa akin, napakunot ang noo ko sa kanila.

"Ahh mga ate, problema niyo?" tanong ni Scar tapos yung tatlong babae naman parang nagtuturuan kung sino ang magsasalita hanggang sa itulak nung dalawa yung babae sa gitna.

"Ahhh... Ehhh... Si Kuya po!" turo sa akin nung babaeng nagsalita.

"Oh anong siya?" tanong nmn ni Prince.

"K-kung pwede daw pong m-magpa-picture–" bigla siyang nagtago sa likod nung dalawang babae kaya natawa kaming apat.

"Iyun lng pala eh nahihiya pa kayo." natatawa kong sabi sabay tayo at lumapit sa kanila.

Nagtilian pa yung tatlo at parang mga batang nagsilapitan sa akin at yumakap pa kaya natawa ako sa kanila matangkad kase ako mga hanggang dibdib ko lng sila.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon