Aztral's POV
"Saan na tayo?" tanong ni Era ng mawala na ang lagusan na nagdudugtong sa mundo ng mga diwata at mundo ng mga tao.
"Punta tayong bahay namin, kukumustahin ko sila Daddy." sabi ko sa kanila habang palinga linga sa paligid.
May naramdaman akong kakaiba sa may bandang tabi namin. Ngumisi ako ng maamoy kong isa siyang tiktik. Itinaas ko ang isa kong kamay sa direksyon ng tiktik na iyon at kita naman sa gilid ng mata ko na umangat ang dalawang tiktik.
"Ay pucha!" rinig kong sabi ni Kleyries.
Dahan dahan kong inilapit sa harapan namin ang dalawang tiktik. May galit at pangamba sa kanilang mukha ng makita ang itsura ko.
Ngumisi ako sa kanila at tinaasan ng kanang kilay.
"Pinadala kayo ng kakambal ko diba?" walang emosyon kong tanong.
"H-hindi." sagot ng isa, nagmamatapang.
"Sasagot ka o puputulin ko yang dila mo?" seryoso kong banta sa kaniya.
"Joke!! Eto naman hindi mabiro." nag-peace sign pa siya.
"Aba't close kayo?" sarkastikong tanong ni Era.
"Tse! Hindi kita kausap!" pagtataray nung tiktik.
"Ay barbie!" maarteng sabi naman ni Kleyries na kinatawa ni Era at bakas naman ang irita sa mukha nung tiktik na kausap namin.
"Enough! Eto sabihin mo sa pinuno mo kuno! Magkita kami sa malawak na gubat eksaktong blood moon." iyun lang ang sinabi ko at pinaalis ko na sila.
"Bakit makikipagkita ka?" pumunta sa harapan ko si Kleyries nasa tabi niya si Era.
"Upang bawiin ang dapat ay sa akin." pagkasabi ko noon ay ibinalik ko ang sarili ko sa normal kong itsura.
Inutusan ko silang kumapit sa akin bago kami mabilisang nabalutan ng kulay gintong usok at sa isang kurap ay nasa loob na kami ng bahay namin. Nagulat naman si Mica at Marsie ng biglang lumitaw kami sa harapan nila. Naglalaro sila sa salas nang lumitaw kami.
Lumabas naman si Daddy kasama si Tricia sa kusina at may dalang snacks pero napatigil sila ng makita nila kami.
"Anak..." lumapit sa akin si Daddy at yumakap, yumakap naman ako pabalik.
"Kumusta kayo Dad?" tanong ko ng kumawala siya sa yakap.
"Ayos naman kami dito." sagot ni Daddy at napatango naman ako.
"Kuya! Bakit color gold yang mata mo?" biglang lumapit sa harapan ko si Mica.
"Oo nga kuya, nagcontacts ka?" tanong naman ni Marsie.
"Hindi, natural na mata ko na 'to." nakangiti kong sagot sa kanila na nagulat naman.
"Ha!? Paano?" naguguluhang tanong ni Tricia.
"Nakuha ko na ang parte ng puso ko." sagot ko at nakita ko naman ng kaguluhan sa itsura nila "Watch me."
Pumikit ako at iniba ang itsura ko. Nang imulat ko ang mata ko ay nakanganga na silang lahat maliban kay Era at Kleyries. "Kulang pa."
"Ha!? Kulang pa!?" sabay sabay na tanong nila.
Ngumiti ako at inilabas ang kulay ginto kong pakpak. Lalong napanganga sila, si Daddy ang unang naka bawi sa pagkakagulat at lumapit sa akin ng nakangiti.
"Ibang iba ka na, malayong malayo sa pinalaki kong batang si Azreal, and now you found your true identity." nakangiting sambit ni Daddy.
"Dad..." binalik ko sa likod ko ang pakpak ko "I'm still the Azreal you know, itsura ko lng ang nagbago at pangalan ko and may kaoangyarihan at kakayahan na ako para ipagtanggol ko kayo." nakangiti kong usal.
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Terrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...
